Nagising ako ng alas dos ng hapon na sobrang sakit ng buong katawan ko lalo na yung ibaba ko. At nakaramdam na din ako ng gutom kaya bumangon na din ako at dumeritso sa banyo para maligo dahil nanlalagkit na ako.
Paglabas ko ng banyo nakita ko so Alexander na nakaupo sa kama at hinihintay ako.
"Babe let's eat alam kung gutom kna at ihahatid na din kita sa bahay niyo baka hinahanap kna ng parents mo"Sabi niya saka ko lang na pansin yung tray na nakapatong sa bed side table.
Imbes na magsalita ay hinanap ko nalang yung damit ko kagabi pero di ko 'to makita ang nakita ko lang ay yung paper bag na nasa kama na may tatak ng kilalang clothing line sa bansa. Kaya inabot ko yun at tiningnan. At tama nga ako binilhan niya ako ng damit at undergarment ko.
Pagkakuha ko ng paper bag ay pumasok ulit ako ng banyo para magbihis. Pagkalabas ay kumain na kami ng walang kibuan..
-o-o-o-o-o-Nasa kotse niya na kami ngayon at talagang ihahatid niya ako sa bahay kahit sinabi ko na wag na. Pero mapilit talaga siya kaya hinayaan ko nalang tutal nasa bar ang kotse ko at tinatamad na din ako magcommute I still feel sore between my legs. Kaya hinayaan ko na lang hindi ko nalang siya kinakausap dahil wala din ako sa mood lalo na't natatakot ako sa tumatakbong katanungan sa isip ko.
Paano kung mabuntis ako di pa naman kami gumagamit ng proteksyon. Paano na ako?! Ito na nga bang sinasabi ko kaya ayaw ko ng maulit yung nangyari samin noon lalo pa at alam kung iiwan niya din ako dahil di niya naman ako mahal at pinagpustahan lang nila ako..
"Babe do you feel sore ?"
"Huh?!" Nagulat ako ng magsalita siya di ko namalayan na malalim na pala ang inilalakbay ng isip ko.
"I said do you feel sore between your legs?" Kaswal niyang sabi pero ako makiramdam ko uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa tanong niya.
"What do you think? Natural feeling ko nga namamaga siya dahil di mo talaga ako tinigilan hangga't di ka nakukuntento tsk" mataray na sabi ko sa kanya..
"Ganun ba babe sorry na namiss lang talaga kita saka nanggigigil ako sayo sinabayan pa yung nakita ko kagabi na nakikipagmake-out ka sa ibang lalaki" nag-intigan yung panga niya sa galit, salubong na salubong ang kilay at nanglilisik ang mga mata niya nakatingin ng diretso sa harapan habang mahigpit ang hawak sa manibela habang nagmamaneho siya.
Di nalang ako umimik para di na humaba yung usapan namin.
Buong biyahe tahimik lang kami hanggang makarating sa tapat ng gate ng bahay namin. Bababa na sana ako ng mapansin Kong bababa din siya kaya pinigilan ko siya at sinabing wag na baka makita pa siya nila daddy at mommy. Hindi sana siya sasang-ayon pero wala naman siyang magagawa kundi sumang-ayon. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago bumaba na at nagdoorbell.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay didiretso na sana ako sa kwarto ko ng marinig kong magsalita si dad.
"Saan ka galing Angelica Brianna at hindi ka umuwi ng bahay? At bakit ngayon kalang?" Alam Kong galit si dad dahil tinawag niya na ako sa buong pangalan ko.
"Dad nagkasiyahan lang kami ng mga kaibigan ko kaya di ako nakauwi kagabi. Pasensiya na po dad pwde na po ba akong umakyat sa kwarto ko?" Wlang pake alam na sabi ko.
"Bakit ka ba nagkakaganito Angel anak di ka naman ganito dati. Bakit ka nagrerebelde ano bang nagawa namin sayo ng daddy mo at bigla kang nagbago?" Naiiyak na sabi ni mommy
BINABASA MO ANG
The Bitches Series: The Heartless Bitch
RomanceAngelica Brianna Dela Torre ay isang mabait at masunuring anak sa kanyang mga magulang. Magandang ehemplo sa kanilang paaralan hindi ito kailanman lumabag sa alituntunin ng eskwelahan. Ngunit bigla itong nagbago na ikinabigla ng karamihan, naging is...