Matapos nga iyon, kinabukasan din ay nagpabook ng ticket sila mommy at daddy papuntang State. Sa unang buwan na palang namin sa pag-stay sa State gabi-gabi akong umiiyak bago ako makatulog. Lagi kung naaalala ang masasaya namin alala at naiisip ko na totoo kaya siyang masaya noong mga panahon na kasama niya ako, na totoo kaya yung pinaramdam niya sakin pero na iisip ko rin na malabo yun dahil sa tuwing naalala ko na pinagpustahan lang nila ako ng mga kaibigan niya naisip ko na puro pagkukunwari o pagpapanggap lang ang lahat para manalo siya sa pustahan nila. Lalo lang akong nagagalit at namumuhi sa kanya.Sa lumipas na mga araw itinatanim ko sa isip ko na kahit minsan ay di niya ako minahal at pinaglaruan niya lang ang puso na dapat itigil ko na ang kahibangan ko. Dapat imbis na patuloy ko siya mahalin kamuhian ko siya at kasuklaman dahil sa panloloko niya.
Habang lumilipas ang oras, araw at buwan itinanim ko yun sa isip ko at inisip ko na dapat sa batang pinagbubuntis ko nalang ituon ang pagmamahal ko. Sa panahon ng pagbubuntis ko laging nakaalalay sakin ang mga magulang ko, sa una sobrang hirap dahil sa morning sickness ko halos lagi lang akong nakahiga at gusto ko lagi akong natutulog. Naghahanap din ako ng pagkain na kadalasan sa pilipinas lang pwde makita kaya hirap ako sa paglilihi ko pero laging nakaalalay ang mga magulang ko lalong lalo na si mommy. Lagi niya din akong pinaaalalahanan na masama sakin at sa baby ang ma.stress at umiyak.
Limang buwan na kami dito sa States at malaki na ang tiyan ko dahil mag-wawalong buwan na rin ang tiyan ko unting antay na lang at manganganak na ako. Excited na nga ako lalo na ng malaman ko na kambal ang anak ko isang babae at isang lalaki at medyo kinakabahan din at natatakot na baka hindi ko kayanin ang panganganak.
Napukaw ang pag-iisip ko ng may kumatok sa kwarto ko. Dahan dahan akong bumangon sa kama kahit hirap ako dahil sa laki ng tiyan ko. Nagulat ako pagbukas ko ng kwarto ko.
"Ano na naman ang ginagawa mu dito Gian Carlos Imperial?" nakapamewang na tanong ko sa kanya.
"Ano pa ba e di dinadalaw ka. Kumusta na?"pumasok siya sa kwarto ko at inalalayan ako papunta sa kama saka ako pinaupo.
"Wala kabang klase ngayon? O kaya naman wala ka bang trabaho sa kompanya niyo?" tanong ko pa uling
"tapos na ang klase namin at di ako papasok sa kompanya ngayon dahil nakaleave ako.." sagot niya.
"Ah ganun b bakit ka nga pala nakaleave sa kompanya niyo? " usisa ko sa kanya.
" dahil di b manganganak ka na next month?" tanong niya na nakangiti pa
"Yes anong connect nun sa pagleave mo sa trabaho?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya.
"E gusto ko nandoon ako pagkamanganganak ka na at saka excited na ako makita ang mga babies mo."
"Ano ka ba wag ka na mag-abala nandito naman sila mommy at daddy saka di na kailangan remember hindi ikaw ang ama ng mga babies ko nakakahiya naman kung iistorbuhin pa kita lalo at busy kang tao."
"Okay lang sakin maistorbo basta ikaw.." naka ngiti sabi niya sabay kindat sakin
"baliw.. " tatawa tawang sabi ko sa kanya.
"Oo baliw ako baliw na baliw sayo" pagkasabi niya noon ay tumawa pa ito ng malakas.
Ngumiti nalang ako sa mga kalokohan niya. Si Gian Anthony Imperial ang lalaki noon sa bar na nakamake out ko nagkita kami ulit dito sa States noon magtatlong buwan palang ako dito sa State at medyo depress pa ako. Nagulat pa nga ako ng magkita kami kasi hindi ko agad siya nakilala kung di niya pinaalala yung kalokohan na ginawa ko sa kanya. Simula noon naging magkaibigan kami nalaman ko rin na kaya siya na sa bar noong mga panahon na yun dahil broken hearted daw siya dahil nakita niya ang nobya niyang nakikipagtalik sa ibang lalaki. Awang awa nga ako sa kanya habang nagkukwento siya ramdam ko sa mga salita niya na sobrang mahal niya yung girl at sobra siyang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
The Bitches Series: The Heartless Bitch
RomanceAngelica Brianna Dela Torre ay isang mabait at masunuring anak sa kanyang mga magulang. Magandang ehemplo sa kanilang paaralan hindi ito kailanman lumabag sa alituntunin ng eskwelahan. Ngunit bigla itong nagbago na ikinabigla ng karamihan, naging is...