Chapter 5
At ang loko loko sinunod nga niya sa pangalan niya at pangalan ko ang pangalan ng anak ko.
Gilianna Camile at Bryan Angelo Dela Torre
Kaya hinayaan ko nalang tutal wala namang masama at di tumutol sila mommy at daddy balak pa nga ipilit na pati apelyido niya ipagamit kaso ayaw ko naman tama na, na siya ang nagpangalan sa mga anak ko.
Mabilis na lumipas ang araw, buwan at taon. Pagtapos ko manganak pinalipas ng ang ilang buwan at bumalik na ako sa pag-aaral kahit mahirap kinaya ko dahil naka alalay naman sila mommy at daddy sa mga anak ko lalo na si Gian na halos sa bahay na tumira. Siya na din ang naghahatid sundo sakin sa eskwelahan ko katwiran niya para di na daw ako mapagod sa pagdadrive. Akala nga ng mga classmate at mga naging kaibigan ko dun na boyfriend ko hinayaan ko nalang di naman sila naniniwala na magkaibigan lang kami kaya hayaan nalang.
Lumalaki na rin ang kambal at habang lumalaki si Bryan nagiging hawig nito ang ama. Si Gilianna naman hawig ko daw sabi nila mommy nung bata pa daw ako. Habang lumalaki sila nasa tabi lang namin si Gian malapit sa kanya yung kambal at mahal na mahal naman ni Gian ang kambal na parang anak niya. Minsan nga biniro ko na mag-hanap na siya ng nobya at mag-asawa na para magkaroon ng sarili niyang anak puro ngiti lang ang sagot niya sakin.
Lumipas pa ang mga buwan at nakagraduate na din ako at ngayon nga ay magtatrabaho na ako sa company namin at ang mga bata ay magtatlong taong gulang na.
Nasa opisina ako ngayon ng dumating si Gian.
"Hey Bree are you busy?" tanong niya sabay upo sa harap nag upuan malapit sa table ko.
"Hindi naman bakit?"tanong ko na nagtataka " ikaw wla ka bang trabaho at lagi ka nalang dito sa opisina ko?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya
"Sa totoo lang punta ako dito para yayain ka na maglunch date?" nanlaki yung mata ko ng sabihin niya yung lunchdate napakamut pa siya sa batok niya habang sinasabi yun.
"Okay lang ba sayo? Na magdate tayo?"tanong niya pa ulit
"date? Bakit ako ang niyayaya mu dapat yung babaeng liligawan mu o kaya yung babaeng gusto mu..?"Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Kaya nga kita niyayaya kasi ikaw yung babaeng gusto ko at balak ko na ligawan ka kung pwede sana?"nahihiya niyang sbi sakin
"Bakit ako Gian alam mu naman may anak na ako dapat ang nililigawan mu yung dalaga hindi ba?" nakakunot noong tanong ko dahil talagang naguguluhan ako
"Kaya nga kita liligawan dahil dalaga ka hindi ba?"tanong niya at tumango naman ako.
"kaya naman liligawan kita tanggap ko naman ang mga anak mu at mahal ko sila na parang anak ko kaya ok lang sakin na may anak ka. At saka mahal na kita di ko nga alam kung kylan nagsimula na mahalin kita kaya pwede ko bang malaman pwde ba kitang ligawan?"mahabang paliwanag niya na ikinagulat ko..
"mahal mu ako???"dahil sa hindi ako makapaniwala kaya naitanong ko yun.
"Oo Bree hindi ka naman mahirap mahalin e kaya pwede mu ba akong bigyan ng chance na manligaw sayo? " nagsusumamo niyang tanong sakin kaya napatango naman ako sa siya ikinagulat niya.
"talaga pwede na kitang ligawan? Wla nag bawian yan Bree huh liligawan kita so pwede na din tao maglunchdate ngayon?"nakangiti tanong niya halata sa mga mata niya at kasiyahan kaya napangiti din ako at tumango bilang sagot.
"yes !!! "sigaw niya pa sabay suntok sa ire na kinatawa ko.
"Sira halika na nga maglunch na tayo baka nalipasan ka na."nakangiting sabi ko.
"okay baby akin na ang bag mu ako na magdadala"sabi niya sabay kuha sakin ng bag ko ito ang magandang katangian ni Gian malambing, gentleman at walang kahit anung arte sa katawan.
-o-o-o-o-o-
Sa paglipas ng mga araw talagang sinuyo ako ni Gian na siyang sinuklian ko naman ng matamis kong "OO" tuwang tuwa nga ang mga magulang ko at parents niya ng malaman na official couple na kami lalo na yung kambal mahal na mahal ng kambal si Gian kaya di ako nagsisi ng sagutin ko siya kasi kahit kami na para parin siyang nanliligaw sakin at ngayon ka two years na kaming couple at wlang araw na hindi niya pinararamdam sakin na mahal niya ako at tingin ko mahal ko na din naman siya kaya nangyayain niya ako na magpakasal ay pumayag ako dahil mahal ko naman talaga siya at naisipan naming next year na kami magpakasal kaya medyo inaasikaso na namin ang ibang gawain sa opisina para next year ready na lahat.
-o-o-o-o-o
Nasa opisina ako ngayon ng magring ang phone ko kaya sinagot ko ito ng makitang si daddy ang tumatawag.
"hello dad napatawag po kayo?" tanong ko agad dahil ang alam ko nasa pilipinas sila ngayon para sa business namin na nagkaproblema daw.
"Angel book a flight for tomorrow umuwi muna kayo dito ng mga apo ko isama mu na din si Gian inatake kasi ang mommy mu.. She request to see you and your twins" mahabang paliwanag ni daddy sakin
"kumusta na si mommy okay na ba siya? Bakit po siya inatake dad what happened?"sunod sunod na tanong ko dala na nag-aalala na talaga ako sa mommy ko.
"ipapaliwanag ko nalang pagdating niyo dito at okay naman ang mommy mu basta umuwi muna kayo dito isama mu din si Gian ok Angel" yun lang ang sinabi ni daddy pero kahit ganun nawala na ang pag-aalala ko dahil ok nman si mommy.
"yes dad paki sabi kay mommy pagaling siya."pagkatapos ko sabihin yun may sinabi pa si daddy then nagbaba na siya ng call.
After that call nagbook agad ako ng flight to Philippines at tinawag ko na din si Gian na sumama samin sa pilipinas na pumayag na sumama samin .
Napahinga ako ng malalim babalik na nga ako ng pilipinas handa na ba akong makita ang taong nanloko sakin kahit naman naging masaya ako kay Gian nasa puso ko parin ang galit kay Alexander. Sana hindi na magcross ang landas namin ayaw ko na siyang makita at ayaw ko na magulo ang buhay naming mag-iina.
**********
I hope you like it. Next chapter going back to Philippines.
Vote, share and comment if you like it thank you
BINABASA MO ANG
The Bitches Series: The Heartless Bitch
RomanceAngelica Brianna Dela Torre ay isang mabait at masunuring anak sa kanyang mga magulang. Magandang ehemplo sa kanilang paaralan hindi ito kailanman lumabag sa alituntunin ng eskwelahan. Ngunit bigla itong nagbago na ikinabigla ng karamihan, naging is...