Isang Munting Palaisipan

1 0 0
                                    

by: TroyAlei

Isang panibagong Simula na naman ang ating Tatahakin,

Pasikot-sikot at makipot ang daang ating lalakbayin,

Pero sa kabila ng pagsubok na ito, alam kong ating kakayanin,

Kaya dahan-dahang ibigay ang palad at sabay ilapat sa akin,

Kaya Halina't humakbang na sa isang pag ibig na ating palalaguin.

Hardin ng pagmamahal ang ating itatanim sa'ting puso't isipan,

Alam kong marami muna tayong bubungkalin bago natin maranasan,

Maranasan ang isang malago at matatag na hardin na ating pinaghirapan,

Kaya wag sana tayong mapagod at magsasawa sa Hardin na ating sinimulan,

Dahil sa likod ng hirap, aani tayo ng isang magandang relasyon na ating inaasahan.

Pagkatapos nating magtanim ng pagmamahal sa isa't isa, tayo ay magbibiyahe na,

Dadalhin kita sa isang paraiso na kung saan tayo lang ang nakakaalam,

Kaya't isandal ang ulo at yakapin hanggang sa puntahan na tayo ng langgam.

Pagdating doon ay ikaw ay aking aalalayan at lambing ang aking ipaparamdam,

Sa paglubog ng araw, iuuwi na kita sa iyong kastilyo dahil di tayo nakapagpaalam😂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon