1_The Storm

2.6K 54 43
                                    

“ITIGIL ANG KASAL!”

PAKINGSYET! Sino ang naglakas ng loob para pigilan ang kasal ko?!

Nagkatinginan kami ni Casey bago hinanap kung saan nanggaling ang boses.

Alam niyang galit ako. Oo, galit na ako dahil pagkatapos ng ilang buwan pagplaplano, biglang may sisingit na epal sa mundo namin.

Maya-maya lang ay nagsimula nang magbulungan ang mga tao sa loob ng simbahan.

Tumingin ako sa likuran namin pero wala naman akong nakita. Diba, madalas sa harap ng pintuan lumilitaw ang mga pumipigil sa kasal?

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Casey na nasa kanan ko ay doon ko nakita ang isang babae sa nakatayo sa gilid ng simbahan.

Babae?

Oo, babae!

At ang masaklap pa ay…

Buntis ito.

Kung pagbabasehan ang laki ng tyan ng babae ay siguro nasa 4 to 5 months na ang baby sa loob ng tyan niya.

Maganda, matangkad, maputi. In short, parang model.

Tumingin ako kay Casey at kasabay noon ang pagtulo ng luha ko. Syet! Dapat hindi ako nagpapatalo sa babae na ‘to pero ano?! Umiiyak ako ngayon.

Hinawakan ni Casey ang kamay ko nang mahigpit na para bang sinasabi nito na huwag na lang pansinin ang babae. Buntis nga ang babae, paano ko siya hindi papansinin?!

“Father, ituloy niyo po ang kasal.” Pakiusap ni Casey habang sila Mama at Papa naman ay pilit na pinapaalis ang babae pero hindi ito gumagalaw sa pwesto nito. Sa itsura pa lang ni Papa ay alam kong galit din ito katulad ko.

Tumingin lang ang pari sa amin at parang nag-aalinlangan siya na sundin ang sinabi ni Casey.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at binaba ko ang bouquet na hawak ko habang tuluy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.

“C-Casey, do you know her?” tanong ko dito pero nakayuko lang ito at tahimik.

“Tumingin ka sa akin! Do you know her?!” sigaw ko dito. Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ayaw niyang magsalita? Kilala niya ba talaga ‘to at sa kanya ang anak na dinadala nito?

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya hanggang sa magtama ang mga mata namin.

Sari-saring emosyon din ang nakikita ko sa mga mata niya pero hindi pa rin siya nagsalita.

Hinarap ko siya sa babae para makita niya kung sino ang sumigaw.

Lumipat ako ng pwesto. Pumagitna ako sa kanilang dalawa.

“I’ll ask you again, do you know her?! Answer me!” walang sumubok na pumigil sa akin dahil alam nilang hindi rin nila ako mapipigilan.

Hindi pa rin siya nagsalita. Lumapit ako sa kanya at nagsimula na akong maging brutal. Pinaghahahampas ko siya sa dibdib. Binubuhos ko ang lahat ng galit ko sa kanya.

“Sagutin mo ako! Kilala mo ba siya?! Ikaw ba ang ama ng dinadala niya?! Sagutin mo ako, Casey!” napigilan lang niya ako ng yakapin niya ako.

“I-I’m sorry, Daphne.” Iyon lang ang tanging nasabi niya sa akin. I’m sorry?! Aanhin ko ang sorry niya?! Bakit niya nagawa ‘to sa akin?! Ang sabi niya, wala siyang babae pero sino ‘tong sumulpot na ‘to at sinira ang kasal ko, ang pangarap ko na bumuo ng sariling pamilya.

“Let me go.” Malamig na turan ko dito.

“Daphne…” sambit nito. Bakas sa boses niya ang lungkot. Ni hindi niya man lang ba ako ipaglalaban? So, ganon na lang iyon? Oo nga, gusto niyang ituloy kanina ang kasal pero bakit niya akong hinahayaan ngayon? Bakit hindi niya pinapaalis ang babae na nasa likuran ko?

“I said, let me go.” Pinakawalan niya ako pero nanatiling nakahawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko.

Tinabig ko naman iyon at nagsimulang tumakbo papalabas ng simbahan.

“Daphne!” sigaw ni Kuya Dylan habang tumatakbo ako. Alam kong sinusundan niya ako.

Nang makalabas ng simbahan ay hinagilap ko ang bridal car na sinakyan ko kanina. Nang makita iyon ay agad akong tumakbo papunta sa pwesto noon.

“Kuya, akin na ang susi!” sigaw ko sa driver. Kumunot ang noo niya nang makita ako. Hindi na ako nagsalita at inagaw na lang ang susi sa kamay niya. Ang bagal! Hindi naman siya umangal. Tumabi pa nga siya para makasakay ako sa driver’s seat.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan.

“Daphne!”

“Daphne! Open this door!”

“Daphne!” sunud-sunod na sigaw ni Kuya Dylan nang makarating sa kotse. Ilang beses niyang pinukpok ang bintana pero hindi ko binuksan iyon. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at mabilis na pinaandar iyon.

Nilisan ko ang lugar at nagdrive lang ako ng nagdrive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Gusto kong lumayo.

Lumayo para makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Akala ko, ok na ang lahat.

Na kapag kinasal kami, wala nang makakapigil sa amin.

Sa dami-dami nang pinagdaanan ko, hindi ko na alam kung lalaban pa ako.

Ang tanong, may ipaglalaban pa ba ako?

Kung si Casey nga mismo, hindi ako nagawang ipaglaban kanina, ano pang saysay kung lalaban ako?

Ano pang saysay kung hahatakin ko palabas ang babae na ‘yon?

May magbabago ba?

Mababago ba noon ang katotohanan na nabuntis ni Casey ang babae na ‘yon?

Mababago ba?

Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ni Casey 'yon. Saan ako nagkulang? Dahil ba hindi ko kaagad sinuko ang bataan kaya naghanap siya ng parausan? PUCHANG INA naman! 

Mas lalo pa akong humagulgol nang maisip ko ang ‘yon pero patuloy pa rin ako sa pag-dridrive.

Nasa isang maluwang na expressway na ako. Alam kong malayo na ako sa Manila. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Cavite na ako.

Mas lalo kong mabilis na pinatakbo ang kotse tutal, maluwag naman ang expressway.

Wala naman ata masyadong dumadaan dito. Lalo na’t tanghali na.

Pero hindi ko inaasahan ang paghinto nang sasakyan sa harap ko.

Pakingsyet! Bakit huminto ‘to?

Mabilis kong tinapakan ang breaks pero huli na ang lahat.

Lab U, Insan! (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon