13_Baby Girl

2K 37 34
                                    

Typical day for me here in NY.

Si Trent, as usual, inaasikaso ang new business niya dito sa NY.

Kaya pala sumabay din siya sa akin dahil nga mag-oopen siya ng new business dito.

Double purpose, ika nga nila.

Grabe. Burong-buro na ako dito sa bahay namin. Wala akong kasama. Imagine?

Nakaupo lang ako sa sala ng maramdaman kong parang kumirot ang tyan ko.

“Baby, gutom ka na ba ulit? Kakakain lang natin kanina ah.” Turan ko habang hinihimas-himas ang tyan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may text si Trent at mayron nga. Malapit na daw siya sa bahay at may dala siyang mga gamit for my baby.

Sabi ko na nga ba eh! Ang tigas talaga ng ulo noon! Sinabihan ko na siya na ako na ang bibili bukas pero kita niyo naman, namili na pala siya ngayon.

Makakatikim ‘yon sa akin mamaya!

Maya-maya lang ay kumirot na naman ang tyan ko at naramdaman ko na lang na parang may likidong lumalabas sa pagitan ng hita ko.

Pakingsyet! Manganganak na ako!

Agad kong tinawagan si Trent.

Halaaaa! Nararamdaman ko na si baby, gusto nang lumabas.

“Baby, wait ka lang ng kaunti ha. Wala pa si Tito Trent mo.” Sambit ko dito.

Ilang rings lang ay sinagot ni Trent ang tawag ko.

“Trent! Where are you?! Manganganak na akooo! Ahhh!” sigaw ko dito habang kausap siya sa telepono. Naputol naman kaagad ang tawag at ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na siya.

“Ang bagal-bagal mo!” sigaw ko dito nang makita siya. Palalim ng palalim ang paghugot ko ng hininga.

“T-Teka lang. Huwag kang sumigaw.” Natataranta na siya dahil hindi niya alam ang gagawin. Dahan-dahan niya akong tinayo sa sofa bago buhatin palabas ng bahay. Dala na rin niya ang hinanda namin bag na puno ng damit ko.

“Ahhh! Trent, dalian mo.” Turan ko dito habang nasa sasakyan kami. Buti na lang at may malapit na ospital dito. Inhale, exhale, Daphne!

“M-Malapit na tayo.” Sambit nito sa akin. Hindi na niya pinark ng maayos ang sasakyan at agad na binaba ako mula sa sasakyan. May mga nakaabang na nurse sa emergency room at agad nila akong dinala sa delivery room.

Hawak-hawak lang ni Trent ang kamay ko habang tinatakbo nila ako sa delivery room.

“D-Don’t leave me…” ani ko kay Trent.

“No, I won’t leave. I’ll stay with you.” Sagot nito sa akin. Pagkadating sa delivery room ay pinasuot din siya ng scrubs at mask.

Nakaupo siya sa tabi ko habang nanganganak ako.

“Ok, 1, 2, 3, push!” utos ng doktor sa akin. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Trent habang pilit na nilalabas si baby.

“Push again! Harder!” utos ulit ng doktor. Inipon ko lahat ng lakas ko at pilit na tinulak palabas si baby. Baby, lumabas ka na, please! Ayoko mag-CS!

Pagkalipas ng ilang oras ay isang iyak ang pumaibabaw sa loob ng delivery room. Hinang-hina na ako at hindi ko na masyadong maidilat ang mga mata ko.

“It’s a girl.” Turan ng doktor bago nilapag sa dibdib ko ang baby ko. Kasabay ng ngiti ko ay ang pagtulo ng luha ko.

Lumingon ako sa gawi ni Trent at nakahawak pa din siya sa kamay ko at masayang-masaya din siya dahil nailuwal ko nang maayos ang baby ko.

Lab U, Insan! (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon