11_He's the One

2K 49 19
                                    

Two weeks na ang nakakalipas pero wala pa rin akong balita kay Daphne and its killing me! God! I miss her so much! Mabuti na lang at dito na ako tumira sa condo niya. Kahit papaano, naiibsan ang pagka-miss ko sa kanya pero iba pa rin talaga kapag kasama ko siya dito ngayon.

*DING DONG*

Argh! Naiinis na talaga ako kay Hershey. Simula noon malaman niya na dito na ako nakatira, halos araw-araw ay pumupunta siya dito pero hindi ko siya pinagbubuksan dahil alam kong ipipilit na naman niya na sa akin ang bata na ‘yon kahit hindi naman.

Mabuti pa siguro, ayusin ko muna ang gusot na ginawa ni Hershey. Tama, hahanapin ko ang tunay na nakabuntis sa kanya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table at tinawagan ang isang taong alam kong malapit kay Hershey.

“Tom, we need to talk.” Bungad ko dito pagkasagot pa lang niya ng tawag ko.

“Pare, bakit?” tanong nito.

“May itatanong lang akong importante sa’yo. Magkita tayo mamaya sa bar. Wala sanang makakaalam nito, pare.” Sambit ko dito.

“Sige, pupunta na lang ako mamaya.”

“Salamat.” Binaba ko na ang tawag pagkatapos kong sabihin ‘yon.

Sana talaga makatulong si Tom sa problema ko. Siya naman kasi ang puno’t dulo nito eh. Kung bakit kasi pinakilala niya pa sa akin si Hershey. Sana sa ibang lalaki na lang, pero wala na naman akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari.

*DING DONG*

Fvcksh*t! Hindi ba talaga titigil si Hershey?!

Bumangon ako sa kama at pumunta sa pinto. Tiningnan ko muna sa peephole kung sino ang nag-dodoorbell.

Si Hershey nga. Tatanggalin ko na nga ang doorbell na ‘to mamaya para wala na siyang mapipindot. Nakakainis!

Bumalik na ako sa kwarto ni Daphne at humiga ulit. Matutulog na lang muna dahil ilang linggo na rin akong walang matinong tulog.

**********

Hapon na nang magising ako. Buti na lang at nakabawi ako kahit papaano ng tulog.

Bumangon ako para magluto ng hapunan ko. Marunong naman ako magluto, tinuruan ako ni Daphne noon bago siya mawala.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Pagkatapos kumain ay naligo na ako para asikasuhin ang bar. Maganda naman ang takbo ng bar ko. Wala naman ako masyadong problema. Siguro, iyon iba lang na nagsisimula ng away pagdating sa babae. Kaya nga nagdagdag din ako ng bouncer para mas maraming pipigil sa mga away.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay kinuha ko na ang susi ng motor ko at bumaba na papunta sa lobby. Madalas ay diretso na ako sa basement para kunin ang motor ko, para maiba naman ngayon, iikot ako. Para na rin bumaba ang kinain ko. Marami-rami din akong nakain at hindi na rin ako nakakabisita ng gym. Napansin ko nga na lumalaki na ang tyan ko, kailangan ko na siguro magbalik sa gym. Kapag nakita ako ni Daphne na ganito, baka hindi na niya ako balikan. Alam ko naman na isa ang katawan ko sa pinakagusto niya. Hahaha!

Totoo ‘yon sinabi ko. Hindi niyo lang alam na madalas panggigilan ni Daphne ang abs ko. Mahilig siyang mangurot ng abs. Secret lang ‘to ha! Huwag niyong sasabihin kay Daphne dahil baka hindi na ako panggigilan noon. Hehe.

Pagkababa ko sa lobby ay dumiretso na ako sa pinto ng building para lumabas.

“Sir Casey!” tawag-pansin sa akin noon guard na naka-duty para sa gabi na ‘yon.

Lab U, Insan! (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon