6_His Side

2.2K 44 30
                                    

Maaga pa lang ay gumising na ako para magluto ng breakfast para kahit paano ay may laman ang tyan namin ni Trent habang nasa biyahe papuntang Tagaytay. Pagkatapos magluto ay ginising ko na siya para makakain na kami.

“Tart, wake up. Let’s eat.” Turan ko dito habang hinahaplos ang buhok nito. Nagulat ako ng biglang ilagay ni Trent ang ulo niya sa lap ko. Nakaupo kasi ako sa ulunan nito kaya madali niyang nailipat ang ulo niya sa lap ko.

“Tart, gising na. Lalamig na ‘yon niluto ko.” Dahan-dahan na din niyang minulat ang mata niya at saka tumingin sa akin.

“Good morning, tart.” Bati nito sa akin bago bumangon at sumandal sa headboard.

“Morning.” I smiled at him before giving him a peck on his lips. Hinila ko na siya patayo ng kama para makakain na kami. Wapakels na ako kung naka-boxers lang siya. Gad! Hinding-hindi ako magsasawa na titigan ang katawan niya.

Umupo na kami sa dining table at kinain ang niluto ko na pancakes. Nagtimpla na din ako ng coffee for him.

Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan habang siya naman ay naligo na. After niya, ako naman ang maliligo.

Nang masigurado na ok na ang lahat ay bumaba na kami ni Trent dahil naghihintay na daw si Jin sa amin sa baba. Excited na ako!

“You’re really excited about this vacation, huh?” sambit nito habang nasa elevator kami.

“Oo naman! Syempre makakasama kita for a week at panigurado ako mag-eenjoy sa mga activities na pwede nating gawin sa Tagaytay.” He held my hand and intertwined with his before kissing the back of my hand.

“I couldn’t agree more.” He smiled. The sweetest smile that I’ve seen today and I realized that I can’t afford to lose that smile on his face. I admit, I’m falling for him.

Pagkababa namin ay sumakay na kami sa kotse habang nilalagay ni Jin ang mga maleta sa trunk. Ihahatid lang kami ni Jin sa resthouse pagkatapos ay babalik na siyang Manila. Gusto din kasi ni Trent na makapagpahinga si Jin kaya hindi na niya ito pinasama sa amin. Kaya mas naging exciting ang vacation dahil mag-cocommute lang kami. Hahaha! Kabisado na naman din ni Trent ang Tagaytay and I trust him even though I’m having doubts about him but, I’m willing to set aside those doubts so that we can be happy as a couple.

----------

“Casey, when are you going home?” tanong ni Mom sa akin habang kausap niya ako sa telephone. It’s been weeks since I decided to move out.

“Mom, hindi ko alam. Hahanapin ko pa si Daphne. She needs to know everything.” Sagot ko dito. Oo, hinahanap ko si Daphne lalo na ngayon. Nang makita ko siya sa elevator, alam kong dito rin lang din siya nakatira o sa kalapit na condominiums.

“Casey…” marahan turan ni Mom. I know, nag-aalala lang siya sa akin pero kaya ko naman ‘to. Open pa din naman ang bar ko at ako pa rin ang nagmamanage noon.

“Mom, I saw her.” Turan ko. Yes, hindi ako pwede magkamali. She hasn’t changed ever since that incident happened. Mas maaliwalas nga ang itsura niya ngayon kaysa noon. I hated myself since then. Bakit ko ba hinayaan na umalis siya? Bakit hindi ko siya pinigilan nang tumakbo siya palabas ng simbahan? I regretted everything!

“W-What? You saw her? How is she? When did you saw her?” sunud-sunod na tanong ni Mom.

“Yesterday, but she’s denying that she’s Daphne. She told me that her name is Angel and not Daphne.” Hindi ko alam kung bakit niya tinatanggi na siya si Daphne. I have this feeling that something happened to her. Bigla na lang kasing sumakit ang ulo niya noon binanggit ko ang tungkol sa nangyari sa wedding namin.

Lab U, Insan! (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon