Maaga kaming gumising ni Trent para magsimba sa Our Lady of Perpetual Help Church dito sa Tagaytay dahil nga Sunday ngayon.
Inaantok pa nga si Trent pero ginising ko siya dahil gusto ko magsimba ngayon. Marami akong dapat ipagdasal sa Kanya. Paano ba naman kasi, ilang beses pa namin ginawa ‘yon kagabi. Ewan ko ba dyan. Sa susunod nga, pagsasabihan ko siya.
“Peace be with you.” Turan ni Trent sa akin bago ako hinalikan sa pisngi.
“Peace be with you, too.” Ginantihan ko din siya ng halik sa pisngi.
Pagkatapos ng misa ay naglakad kami papunta sa isang maliit na coffee shop. Puro kahoy din ang furnitures at jazz songs ang pinapatugtog nila. Tahimik din dito at medyo malamig ang hangin. Past 8 AM pa lang kasi ngayon.
Java Jazz Coffee Shop – ‘yan ang pangalan ng coffee shop na pinuntahan namin.
“Trent, dito tayo.” Hinila ko siya papunta sa isang table na walang upuan dahil sa sahig mismo kayo uupo. Malaki-laki din kasi ang table na ‘to kaysa sa pangdalawahan na table nila. Baka hindi magkasya ang oorderin namin na pagkain ni Trent doon.
Ang nakakatuwa pa dito ay may mga paintings na naka-display. Ang sabi ng staff dito ay may art gallery daw sila sa tabi nitong shop kung saan pwede kang bumili ng mga paintings na gawa mismo ng owner ng coffee shop at ng ibang artist.
“Tart, umorder ka na.” utos ni Trent sa akin. Hmmm. Mukhang masasarap lahat ng pagkain nila dito. Nang makapag-decide ay umorder na ako pati na rin si Trent.
“Ang dami mo naman atang inorder, tart. Parang for breakfast and lunch na ang inorder mo.” Asar nito sa akin. E, bakit ba? Feel ko kumain ng kumain ngayon. Minsan lang naman ako pupunta dito. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito pagkatapos ng bakasyon namin.
“Huwag ka nga! Ikaw din naman ah. Ang dami mo din inorder.” Sambit ko sabay irap sa kanya. Dami din kaya niyang inorder. Makapang-asar to!
“Tart, huwag na magtampo.” Turan nito sabay pisil sa ilong ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagsimula picturan siya. Ang gwapo naman ng tart ko! Hihi. Habang wala pa ang mga order namin ay nagpicturan muna kami ni Trent sa loob ng coffee shop. Kinuhanan ko din ng pictures ang ilan sa mga paintings na naka-display.
Maya-maya lang ay dumating na ang order namin. Syet! Naglaway talaga ako. Nagsimula na kaming kumain ni Trent.
“Tart, tikman mo ‘to.” Turan ko sabay subo sa kanya ng sweet and sour fish fillet. Ang sarap!
“Hmmm. Masarap. Oh, ito, tikman mo.” Sinubuan niya ako ng laing na inorder niya. Ang sarap din!
“Anghang naman, tart.” Hindi kasi ako masyadong mahilig sa maanghang pero masarap. For dessert, umorder ako ng isang frost! Parang frappucino ng starbucks. May ice cream nga lang sa taas at chocolate pretzel stick sa tabi ng ice cream.
Pagkatapos kumain ay nagbayad na kami at tiningnan ang art gallery na sinasabi ng staff kanina. Ang daming paintings. Parang gusto kong bumili kaso wala naman akong pera. Ayoko naman humingi kay Trent dahil sobra-sobra na ang ginastos niya para sa akin.
Umupo muna kami saglit sa table sa labas ng shop at nagpahangin. Magkatabi kami habang nilalaro-laro ni Trent ang kamay ko. Saka ko napansin ang isang bagay.
“Tart, nasaan ang engagement ring ko?” Ngayon ko lang napansin. Wala akong suot na engagement ring samantalang fiancé niya ako.
“Nasa condo ko. Nakalimutan kong ibigay sa’yo dahil sobrang busy ko sa work. Hayaan mo, pag-uwi natin, ibibigay ko sa’yo. Sorry, tart.” Awww.
BINABASA MO ANG
Lab U, Insan! (Book II)
RandomThey've been through a lot to reach their happy ending. But what if, it's not the end of the chase? Will they be able to keep up with the challenges that they have to face? Are they going to finally have a happy ending? Follow Casey and Daphne as th...