12_Visitor

1.9K 37 2
                                    

*DING DONG*

Sino na naman kaya ‘to? Baka si Hershey na naman.

Lumapit ako sa peephole at tiningnan kung sino ang tao sa labas at hindi nga ako nagkakamali, si Hershey. Wala talagang kasawa-sawa ‘tong babae na ‘to.

Binuksan ko ang pinto.

“Hi Daddy! Nagdala kami ni baby ng food.” Masiglang turan nito sa akin.

“Ilang beses ko bang sinabi sa’yo na hindi ako ang ama ng bata na ‘yan, Hershey? Bakit mo ba pinipilit ang gusto mo?” sambit ko dito pero nag-pout lang siya sa akin.

“Baby, ang kulit-kulit talaga ng daddy mo.” Usal nito sabay himas sa tyan niya.

“Matanong nga kita, ilang months na ba ‘yan tyan mo?” biglang tanong ko dito.

“8 mon-.. I mean, 7 months.” 8 months. Kung ganoon, isang buwan na lang at manganganak na siya. Itatanggi pa niya ang totoo. Tama nga, kung 8 months na ang tyan niya, buntis na siya noon pinakilala siya sa akin ni Tom.

“Ahm, daddy, hindi mo ba kami papapasukin?” tanong nito sa akin. Pinapasok ko siya at ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Tom sa sala at prenteng nakaupo habang nanonood ng tv. Nabitawan niya ang bitbit niya na paper bag kaya nakuha niya ang atensyon ni Tom na agad naman napalingon sa direksyon ni Hershey.

“Mauna na pala ako, C-Casey. B-Babalik na lang ako sa susunod na araw.” Bago pa man siya makaalis ay sinarado ko na ang pinto at hinarang ang sarili ko. Bakas sa mga mata nito ang takot.

“Hershey, let’s talk.” Turan ni Tom. Hindi nilingon ni Hershey si Tom at tila napako na ‘to sa kinatatayuan niya. Nakayuko ito at nagsisimula nang humikbi.

“N-No. Wala naman tayong dapat pag-usapan, Tom.” Ani nito.

“Mayron, Hershey. Tungkol sa anak natin.” Dito na tuluyang umiyak si Hershey. Naitakip niya sa mukha niya ang mga palad niya. Nilapitan ko siya at iniharap kay Tom para magkausap sila. Tumango naman si Tom sa akin at ‘yon na ang hudyat para iwan ko silang dalawa.

Lumabas na ako ng condo ni Daphne. Sana magkasundo na silang dalawa ni Tom. Bumaba muna ako ng lobby para i-check kung saan ang unit ni Trent. Kailangan ko siyang mahanap para magkausap na kami ni Daphne.

Pagkababa ko sa lobby ay dumiretso ako sa front desk.

“Yes, Sir. How may I help you?” turan ng receptionist sa akin.

“Gusto ko sanang malaman kung saan naka-locate ang unit ni Trent.” Tanong ko dito.

“Mr. Trent Chun, Sir?” Tumango na lang ako sa kanya. Hindi ko naman kasi alam ang surname ng Trent na ‘yon.

“His unit is on the 14th floor, the last unit on the right.” Same floor pa ang unit ni Trent kay Daphne?! Bakit hindi ko man lang siya nakita na gumagala? Pilit sigurong tinago nitong si Trent si Daphne. Bigla tuloy akong nainis sa naisip ko. Bakit ganoon na lang ang ginawa ni Trent? Bakit pilit niyang tinatago si Daphne?

“Ok. Thank you.” Sambit ko dito bago ako sumakay ng elevator pabalik sa 14th floor. Pupuntahan ko ang unit ni Trent at titingnan kung nandoon sila. Sana lang ay nandoon si Daphne.

Pagkalabas ko ng elevator ay agad kong pinuntahan ang unit ni Trent. Habang papalapit ako ay hindi ko maiwasang kabahan. Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya? Anong pagpapakilala ang gagawin ko?

Lab U, Insan! (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon