“Uwaaah! Uwaaah!”
Naalimpungatan ako ng marinig ang iyak ni Andie.
Tiningnan ko kung anong oras na at 2 AM pa lang ng madaling araw dito sa NY.
Agad naman akong bumangon para i-check kung anong problema ni Andie.
“Ssshhh, baby girl. Anong problema baby ko?” ani ko. Iyak pa rin siya ng iyak kaya dahan-dahan ko siyang binuhat.
Pinakiramdaman ko ang pampers niya at hindi pa naman ito puno. Baka nagugutom si Andie kaya sinubukan kong i-breastfeed siya. Umupo muna ako sa kama at saka siya binreastfeed at tama ang hinala ko, gutom nga siya.
*TOK TOK*
“Daphne, is everything ok?” tanong ni Trent mula sa pinto. Simula ng dumating kami dito sa NY ay hindi kami magkasama ni Trent matulog. Natural, hindi ko naman siya boyfriend at mas lalong hindi ko siya asawa para tumabi siya sa akin.
“Oo. Nagutom lang si baby Andie.” Sagot ko dito. Pagkatapos magpa-breastfeed kay Andie ay binalik ko na ulit siya sa crib dahil nakatulog na ulit siya.
Bumalik na rin ako sa kama at natulog ulit.
**********
Ngayon na ang dating ni Mama at Papa dito sa NY kaya nagluto ako ng ilang putahe para sa pagdating nila. Sayang at hindi nakasama si Kuya Dylan at ang asawa nitong si Ate Alexis dahil baby pa si Jake. Ito naman ang anak ni Ate Alexis.
“Daph, susunduin ko na sila Tita sa airport. Sigurado ka bang ayaw niyo sumama?” tanong sa akin ni Trent habang hinahanda ang mesa.
“Hindi na at saka isa pa, tulog pa si Andie. Ikaw na lang sumundo.” Sagot ko dito.
“Ok.” Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa ulo bago umalis. Ngumiti lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ako na siguro ang pinaka-maswerte na babae sa mundo kapag naging asawa ko si Trent pero alam ko naman na hindi pwedeng mangyari ‘yon dahil hindi naman siya ang nagmamay-ari ng puso ko. Diba?
Pagpasok pa lang nila Mama at Papa ay si Andie na kaagad ang hinanap ng mga ito. Hmp. Hindi ata nila ako namiss.
“Anak, nasaan si Andie? Gusto ko nang makita ang apo ko.” Bungad sa akin ni Mama ng makapasok sa bahay. Naku, halata sa mukha niya na excited na excited na siyang makita si Andie kaya dinala ko sila sa kwarto kung saan kami natutulog ni Andie.
“Naku, natutulog pala ang apo ko. Ang ganda-ganda niya, mana sa lola.” Hala! Ayan na. Nagmana daw sa lola. Hindi ba pwedeng sa nanay muna? Hahaha!
“Hindi mo naman kamukha. Mas kamukha ko oh. Nagmana sa lolo.” Singit ni Papa. Hahaha!
“Tumigil ka nga, Dimitri. Wala ngang nakuha sa’yo si Andie, sa akin meron. Tingnan mo ‘yon ilong niya, kasing tangos ng ilong ko.” Seriously, nakakatawa sila Mama at Papa.
Hindi ko napigilang matawa sa kanila. Pinag-aagawan na nila ang body parts ni Andie.
“Hahahaha! Nakakatawa kayo, Ma, Pa.” Nagulat naman bigla si Andie sa pagtawa ko kaya umiyak ito. Nailing-iling lang naman ni Trent ang ulo niya habang nakatayo sa may pinto ng kwarto.
“Andie baby. Don’t cry. Lola’s here.” Dahan-dahan binuhat ni Mama si Andie at pinatulog ulit. Tumahan naman agad si Andie at natulog ulit kaya nilapag na ulit siya ni Mama sa crib at binuksan ang isang laruan na may tugtog.
Nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa akin si Mama at niyakap ako.
“I’m so happy for you, anak. Nagawa mong iluwal si Andie ng maayos.” Turan nito. Niyakap din ako ni Papa pagkatapos at sabay-sabay na kaming bumaba para kumain ng hapunan.
BINABASA MO ANG
Lab U, Insan! (Book II)
De TodoThey've been through a lot to reach their happy ending. But what if, it's not the end of the chase? Will they be able to keep up with the challenges that they have to face? Are they going to finally have a happy ending? Follow Casey and Daphne as th...