14_Wonderful Night

2K 47 15
                                    

“Oh, pare! Bakit parang tulala tayo ngayon?” tanong ni Tom sa akin pagkadating nito sa bar. Umupo ito sa katabing bar stool. Nakatulala naman talaga ako. Kanina ko pa kasi iniisip si Daphne. Sh*t ka naman kasi Casey! Bakit hindi mo pinigilan ang sarili mo. Nagpadala ka sa libido ng katawan mo!

“H-Ha? Wala. Iniisip ko lang si Daphne.” Sagot ko naman dito habang nakatingin sa mga wines na i-seserve mamaya.

“Bakit? May problema kayo?” usisa nito sa akin. Maaga pa at hindi pa nagsisidatingan ang mga bisita niya kaya nakipagkwentuhan muna ito sa akin.

“Nag-away lang kami kanina.”

“Madali lang ang solusyon dyan, pare. Suyuin mo lang si Daphne.” Sagot nito habang nakikitingin din sa mga wines na nasa harapan ko. Sana nga ganon lang kadali pero buong araw na niya akong binibigyan ng cold treatment.

“Sana nga makuha ko sa suyo si Daphne. Kung hindi, patay ako.”

“Hahahahaha! Ikaw naman kasi. Kaya mo ‘yan!” sambit nito sabay hampas sa balikat ko. Maya-maya lang ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga bisita ni Tom kaya umalis na ito sa tabi ko at sinalubong ang mga bisita niya. Karamihan ay mga schoolmates namin at iilan ay mga kamag-anak nito.

Naiwan naman ako sa bar section at pinili ang pinakamasarap na wine. Ito muna ang i-seserve sa mga bisita.

Parami na ng parami ang tao sa bar. Nakaupo lang ako sa bar section at pinagmamasdan ang mga tao. Nakihalubilo naman ako kanina pero mas gusto kong tumambay muna dito ngayon dahil hindi pa rin mawala sa isip ko si Daphne.

Nangako ako kay Daphne na hindi ako maglalasing kaya light lang ang iniinom ko ngayon. Biglang lumapit si Tom sa akin at may kasama itong babae. She kept me occupied for a while hanggang sa malasing siya. Pinilit niyang tumayo pero natumba lang siya. Iyon pala, nakatulog kaya dinala ko na sa 3rd floor para makatulog siya ng maayos.

(A/N: Kasunod nito ang nangyari sa kanila ni Hershey. Balikan ang chapter 8 kung hindi niyo maalala.)

**********

Fvcksh*t! Dalawa na ang pinoproblema ko ngayon! Argh! Binilisan ko ang pagpapatakbo ko sa motor para masabayan ko si Daphne sa lunch. Pagdating ko sa building nila ay agad akong bumaba at dumiretso sa opisina niya.

Sakto lang ang dating ko dahil malapit na mag-lunchbreak. Pagkapasok ko ng opisina niya ay nakita kong busy pa siya sa binabasa niyang papeles.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nilapag ang flowers sa table niya. Nakita ko pang kumunot ang noo niya kaya napatingala siya sa akin.

“Love, I’m sorry for what happened yesterday.” Turan ko dito pero wala pa rin emosyon akong nakikita sa mga mata niya. Binitawan niya ang mga papeles na hawak niya at sumandal sa swivel chair niya saka humalakipkip.

“Bakit hindi ka umuwi kanina?” Oo nga pala, hindi ako umuwi kanina. Anong i-dadahilan ko? Alangan naman sabihin ko na natulog ako katabi ng isang babae?! E di, mas lalong nagalit ‘yon? At saka, hindi niya dapat malaman ‘yon dahil wala naman katotohanan ‘yon. Ayoko siyang saktan kaya mas mabuti na sigurong itago ko sa kanya ‘to.

“N-Napagod ako kakaasikaso sa party kaya sa bar na ako natulog. Sorry…” pagsisinungaling ko dito. Sh*t! Kinakain ako ng konsensya ko. Ayokong magsinungaling sa kanya pero alam kong masasaktan siya kapag narinig niya ang tunay na nangyari at ayokong humantong sa punto na hihiwalayan niya ako. No! I won’t let that happen. Aayusin ko ang gusot kay Hershey.

Lumapit ako sa pwesto niya, hinawakan ang kamay nito at tinayo mula sa kinauupuan niya para mayakap ko siya. Nagpaubaya naman siya at niyakap din niya ako ng mahigpit.

Lab U, Insan! (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon