Prolouge

33 7 2
                                    

Sa bayan ng Costa Verde ako nakatira. Isang mapayapang lugar na kung saan walang gulo at malamig ang simoy ng hangin. Ako si Felise Annalisa Cuevas 20 years old. Third Year college student taking up Business Administration Major in Marketing and Finance.

Sabi ni Mama may dugo daw akong kastila dahil ang ama ko ay half spanish. Hindi ko nakilala ang ama ko dahil sabi ni Mama patay na daw ito bago ako pinanganak dahil may malubhang sakit daw. Nakikita ko lang siya sa litrato at magkamukha nga kami at minsan nagseselos ako sa ibang estudyante kasama ang ama nila. Si Mama ay isang kusinera sa bahay ng Mayor ng Costa Verde na si Tito Fernando De La Cruz. Sa tagal nang paninilbihan ni mama dito nakilala ko ang kaisa isang anak niyang si Anna Monique De La Cruz at doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Si Anna ay 19 years old pa pero pareho lang kami ng year level dahil maaga siyang pinag aral ni tito Fernando. Siya ay kumuha nang kursong Architecture kasi yun daw ang pangarap niya simula noon pa. We are known to be sisters by heart but not by blood. Si Anna ay morena, 5'8 ang height, matalino, sexy at color amber ang mata. Siya ay medyo masungit at maarte sa mga di niya kilala pero pagdating sakin opposite ang ugali niya.

Ako naman ay matangkad rin 5'9 ang height, mestisa, honor student mula elementarya,  matangos ang ilong at brown ang mga mata.

Dito nagsimula ang storya nang pagmamahalan, pagkamuhi, pagkasira at selos. May pag-asa pa ba kayang bumalik ang dating turingan nila sa isa't-isa? O mananatili na silang magkalaban pagdating sa pag-ibig. Maraming katotohanan ang mabubunyag sa bawat pagkatao nila. Makakayanan ba nilang malaman ang lahat ng ito at panindigan ang katotohanan na matagal nang nililihim sa kanila.

Friendship and LoveWhere stories live. Discover now