Kabanata 1

19 3 0
                                    

Costa Verde

"Felise, Felise gising na, gising. Sigaw nang mama ko.

"Mama ano ba kita mong inaantok pa ako eh.

"Gusto mo bang ma late sa unang araw ng klase mo? Kaya maghanda ka na kung ayaw mong ma late.

"Oo ito na maghahanda na po ako.

"Sige anak at ako'y pupunta na sa bahay ni Mayor at maghahanda pa ako ng doon sa kanila.

"Sige po ma, mag iingat po kayo. I love you.

Naririnig ko na naman ang mga huni ng mga ibon at nalalanghap ang simoy ng hangin sa bayan ng Costa Verde. Hindi ako nagsisisi na tumira dito kasi payapa ang buhay namin ni Mama kahit dalawa nalang kaming magkatuwang sa buhay. She's my everything, she's my strength kaya gagawin ko lahat para sa mama ko. Nagmamadali na akong kumain sa almusal na hinanda ni Mama para sakin. Ang sarap sarap talaga ng luto niya kaya gusto ni Mayor na maging kusinera siya sa bahay nila.

May pasok ako nang 8:30 ng umaga sa Costa Verde University. Isa akong Academic Scholar na sponsored ni Mayor De La Cruz. Member din ako ng Student Council bilang Vice President ng Business Administration Department. Sobrang busy sa mga activities at sa academic kaya kailangan kung balansihin ang oras ko at trabaho para maka graduate balang araw.

Ang Costa Verde University ay isa rin sa pag mamay ari ni Mayor De La Cruz na ama ng bestfriend kung si Anna. Wala siyang problema sa tuition at sa gastos dahil mayaman sila. Ang ibang tao ay ayaw na ayaw sa ugali niya dahil may pagka suplada nga at maarte.

Sinasabi nilang mabuti ang buhay niya dahil ito ay marangya at binibigay lahat ng luho niya. Hindi nila alam na kapalit ng yaman ay ang unti unting pagkasira nang pamilya niya. Iniwan siya ng kanyang ina dahil ayaw niya masikmura ang pambabae ni Tito Fernando. Gustuhin man niyang sumama rito pero pinagbantaan ni Mayor ang buhay niya pag dinala niya si Anna.

Ako lang ang nakakaintindi sa magiging masungit niya sa iba dahil hirap siyang magtiwala sa iba at natatakot siya baka iwanan siya nang mga ito. Tinuturing namin kapatid ang isa't-isa at naiintindihan ko siya dahil hindi madali ang kanyang pinagdaanan.

Friendship and LoveWhere stories live. Discover now