Chapter 4

783 14 1
                                    

$💜💜💜$

"Huh?" bulalas niya hindi sya mkapaniwala

"totoo yun" sabi ng manghuhula na nakangiti na bit-bit ang braha na binunut niya.

Bakit ba kasi ngpahula pa siya kasalanan niya yun. eh kung totoo yun? lumabas nalang siya at tiningnan niya ng mabuti ang lalaking nghihintay sa kanya sa totoo lang gwapo ito at maganda ang mga mata nito, matangus ang ilong at maputi pa atsaka gusto niya ang pangil nito na ngipin. Ano bang nangyari sa kanya? hinangaan na ata nya ito.

"hoi!! Soffy anong sabi ngmanghuhula tungkol sa iyong love life?" sabi ng lalaking nghihintay sa kanya

"akin nalang yun .. atsaka wala namang katotohanan iyun nuh?" sabi nalang niya

"pangit ..sige na dahil alam ko na malas talaga ang lalaki na yun" sabay tawa nito na tila pinaramdam talaga sa kanya na wala siyang karapatan na sumaya.

Parang nabuhusan siya ng isang malamig na tubig sa oras na iyun. Gusto talaga niyang mabulol sa sinasabi nito siguro wala naman talaga itong kaalam alam. Gusto niyang bigyan ito ng isang malakas na suntok sa dibdib para magising. Sa halip binigyan nalang niya ito ng isang nakakainis na ngiti.

"Tayo na nga.. andon na si Katty uh" tinuro niya ang kaibigan at kasama pala nito ang kaniyang mga apat na magaganda niyang boardmates. Si An na chubby pero maganda, si Mea na tibo , si Juna na probinsyana ito kung mg-ayos at si Joy na maraming borloloy sa katawan kaya mgkasundo niya ang mga ito sa ibang bagay dahil sa katangian na kakaiba pero si Kat at Chad tinuring niyang bff kasi nagbibigay ito ng tamang payo sa kanya hindi katulad ng mga ito walang pakialam at minsan mapapahamak lang siya. Sa pagkakataon na down siya na bagsak siya sa exam ang mga payo nito ay dapat huminto nalang siya o di kayay mgpakamatay o di kayay mglasing or magcheat sa exam.

Ouh nga pala niyaya nya ang mga ito... nauna lang siya dahil tinulungan pa nya si Chad mglinis ng kwarto busy naman kasi ang kapatid nito sa pagprocess ng papelis patungung Canada bago kasi itong kasal. Tinulungan lang niya si Chad dahil ngkasundo sila na tutulungan din sya sa thesis nya. Ganun na nga tinulungan siya ni Chad sa pag conduct .

"hai Chad.." sabi ni An

Kumaway pa ang tatlo niyang kaibigan na tila nagpapasin ky Chad

"helo" sabi ni Chad na nakangiti

Parang kinilig pa ang mga ito lalo na si Joy parang gusto na niyang pabalikin ito pauwi. Ano bang iniisip niya? ngseselos na nga ba sya? ano bang kabaliwan ito.

"pupunta tayo sa horror rooooom" sabi ni Katty na sadyang pinatakot ang boses nito at gayun din ang mukha.

Nahampas niya si Kat "Kat huwag mo akong takutin sinadya mo naman yon ano?" takot niyang sabi

"sige na Soffy.. enjoy yun " sabi ne Juna na tila excited

" sige na " ngsabay pa sina Joy, Mea at An

"sige na nga" napasabi niya at nagpakawala siya ng isang malaking buntong hininga na tila chener up niya ang sarili at dahil doon para bang natutuwa pa ang mga kasama niya. Pakiramdam niya na hindi naman sa natutuwa ang mga ito kundi pinag kaisahan naman siya.

Nandito na sila sa entrance sa isang horror room na kanilang pinili.. madilim ito at parang may red light ito meron pang mga malalaking webs may mga usok pa na sumalubong sa kanila at sa gilid may white lady pa na umaagos ang dugo nito mula sa kanyang mga paa. At hindi makitakita ang pagmumukha nito dahil sa mahaba nitong buhok. Napaigtad sya nang sinabayan pa ng katakut takut na tunog. Tumindig lahat ang balahibo niya sa kanyang likoran.

"ok lang yan" sabi ni Chad

Hindi nya napigilan ang pgkapit dito nung biglang lumamig at napaigtad pa siya lalo nung my zombie na biglang sumulpot ramdam niya na nakatutuk sa kanya si Chad na para bang binabantayan siya. Nakita niya ang Zombie na may dugo ang mukha at may dalang kabaong at yung mga kasama niya ay napasigaw at kasama nun si Chad at sa gulat niya hindi niya napigilan ang sarili na pag hampasin ang zombie ..isa ..dalawa.. tatlo.. apat.. lima.. anim.. pito.. walo.. hindi na niya mabilang ang pghampas niya.

"aray!!!" sabi ng zombie at bilis-bilis itong tumakbo palayo.

Napahagikhik ang mga kasama niya "hahaha may zombie bang mg sasalita? " sabi ni Katty

Tumatawa silang lahat maliban sa kanya dahil ramdam pa rin niya ang takot.

"ibang klasi ka talaga Soffy" ani Juna na nagpapatuloy sa pghagikhik

"isipin mo natakot ang zombie sayo?" ani Mea

Tumawa lahat ng mga kaibigan niya.

" natakot kasi sa kalahe " ani Chad

Siya naman ang pinagtawanan

"ayun na ang exit.. tayo na baka tayo pa ang mahampas .." ani Joy nah humahagikhik pa rin

Thank you Lord malapit na ang exit . Napasabi ni Soffy sa kanyang sarili. Kapit na kapit pa rin sya ni Chad..

"Jesusssss!!!" napasigaw siya dahil muntik na siyang matumba ng matapakan niya ang isang pugot na ulo.. buti nalang nandyan si Chad ang nakaalertong rumesponde sa kanya.. yakap na yakap ito sa kanya.. lumakas ang kabog ng dibdib niya ..bog.. bog.. bog.. bog.. naamoy niya na ang mamahaling pabango nito at sobrang lapit ng labi nito sa kanyang labi..oh my gosh !!

"hoi..bakit ka nakapikit" pukaw nito sa kanya..

"akala ko mamatay na ako" usal niya

"agad? hindi ba pwedeng maospital ka muna?" sarkastikong sabi nito

"ay ganun? are you praying na mapahamak ako?" galit na tugon niya rito.

"ililigtas ba kita?" sabi nito at binigyan siya nang nakakalokong ngiti.

Ouh nga pala nuh? may point ito, Bakit naiinis siya ngayun lalot pa binigyan siya nito ng nakalolokong ngiti na paulit ulit na rumehestro sa kanyang isipan.

"para kayong asot pusa.. palaging ng babangayan.." saway sa kanila ni Katty

"Sabi nila hindi raw malayo magkatuluyan ang dalawang tao na palaging nagbabangayan" sabi ni Mea na ngumingiti ngiti narin.

"Shes not my type" nagmamadaling tugon ni Chad.

Ouch its really hurt!! Sigaw ng kanyang puso

"punta naman tayo dun uhh!!" sabi ni Joy na tinutukoy ang mga rides na nakaparada sa di kalayuan.

"Segi sasakay tayo ng fareswell, at sa hugis sapatos then mamerya tayo." sabi ni Chad na tila kay saya saya.

"uk yan.. gorabells!!!" pgsang ayun niya palalagpasin ba niya ang peryahan.. no way!!

$💜💜💜$

A Promise(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon