Chapter 49

415 8 2
                                    

$💜💜💜$

"Ate andito ka na pala.. wala nang gatas si Babyboy" sabi sa kanya ni Nikki

Lumapit sya sa kanyang anak at hinagkan ito.

"Tahan na anak.. magtimpla muna ako huh?"

Nagtimpla na agad siya at kinarga niya ang anak. Masaya siya na pinanoud ang anak na dumedede. Nawala agad ang pagod niya.

Samantala, nababahala siya sa panahon. Lalong lumakas talaga ang ulan. Ang bubung nila ay nagsimula ng tumulo marami kasi itong butas.

Kinuha na agad ni Nikki ang balde at inilagay yun sa parte na may butas.

"Ate narinig ko kanina sa radio na may Low Pressure daw" sabi sa kanya ni Nikki

"Ganun ba, segi Nikki pakikuha itong si Baby nang masarado natin ang pintuan at bintana"

Pagkasabi niya kinuha na agad ni Nikki ang bata at nang lumapit na siya sa bintana para isara iyun nakita niya ang sasakyan ng Sir Chad niya. Nagpalingon lingon siya kung saan na ang kanyang amo. Sabagay, masama talaga ang bumiyahe kapag malakas ang ulan. Dahil makadaan pa ng bangin bago makapunta sa Mansyon nito.

Nakita niya na nakatayo lamang ito sa gilid ng kanyang maliit na tahanan at pumasilong.

"Sir pasok ho kayo!!" tawag niya rito

"Segi ba"

Pumasok na agad ito.

"Pasensya na talaga sir maliit itong tahanan namin at walang kuryente"

"Okay lang yun, ang lakas talaga ng ulan halos hindi ko na makita ang daan hindi na kita inostorbo kanina dahil alam ko na busy ka pa sa anak mo" sabi nito na nagpalingon lingon sa loob ng kanilang tahanan.

"Segi sir, mghanda muna ako ng hapunan"

Pumasok na kaagad si Samantha sa kusina para mghanda ng pagkain. At sumunod roon si Nikki at tinulungan na siya.

Mayat maya pa humikbi ang kanyang anak na si Gelal at tumahimik na ito kaya tuloy lang ang kanyang ginagawa niya.

Lumabas na siya sa kusina at inilapag ang pagkain. Nakita niya na kinarga ng sir Chad niya ang kanyang anak. Nangarap tuloy siya na ang sir Chad niya ang ama ng kanyang anak. Pero hindi yun mangyayari dahil isang dukha lamang siya at mahal nito ang yumaong asawa.

"Sir, sorry talaga kinarga mo pa si Babyboy" sabi niya rito at dali daling kinuha ang anak na ngayoy himbing na himbing sa pagkatulog.

"Ang cute talaga ni Baby siguro ngmana siya sa kanyang ama" sabi ni Chad

"Hay naku sir, hindi naman siguro" nahihiyang sabi niya.

Hindi talaga siya magugustuhan ng kanyang amo nuh dahil isa siyang dalagang ina na hindi alam kung sino ang ama ng kanyang anak.

Habang kumakain naramdaman ni Samantha ang tingin ng kanyang sir Chad sa kanya. Kung bakit ba talaga kamukha niya ang yumaong asawa nito? Kung gayun maging karibal niya ang isang taong patay na.

"Sir sabi nila na kamukha ko raw ho ang yumao niyong asawa" naasiwa niyang tanong dito. Alam niya na naging personal ang kanyang pagtatanong.

"Kamukhang kamukha mo siya.. mahal na mahal ko ang babaeng yun kahit sino hindi ko siya kayang ipagpalit"

"Sorry po sir sa pagtatanong ko" paumanhin niya rito kitang kita niya sa mukha nito ang naramdaman sa patay na asawa. Ayaw na niyang makipagkompentensya rito.

"Kaw talaga lagi ka nalang sosorry" humiklab ito "Oh Samantha, ano ba ang plano mo sa buhay?"

"Sa ngayon ho, gusto ko lang maalagaan ang anak ko hanggang sa paglaki niya"

"maswerte talaga siya na may ina siya na kagaya mo" nakangiti ito na sabi sa kanya na pilit bang pinapalakas siya. "Saan na ba ang mga magulang mo?" tanong sa kanya dito

"Naaksidente po sila sa Negros Occidental noong pitong gulang pa po ako kaya ky Lola Tasya ako nakatira, siya ang ng alaga sa akin hanggang sa paglaki ko" kwento niya rito. Hindi niya alam pero kinukewnto niya ang personal na pangyayari sa kanyang buhay.

"Naalala mo ba kung ano ang petsa sa pgkamatay ng yung magulang?"

Nabigla siya sa tanong rito. Dahil hindi niya yun naalala kung kailan yun. Sumakit ang kanyang ulo sa kaalala imposible yun bakit hindi niya naalala ang death anniversary sa kanyang mga magulang?

"Hindi ko na ho yun naalala, kasi isang taon na ang lumilipas ng ka amnesia ako at hindi ko pa masyado naalala ang lahat" paliwanag niya rito

Hindi niya naalala ang lahat na pangyayari tanging ang kwento lamang ng kanyang lola Tasya ang kanyang inaasahan dahil doon unti unti siyang naka alala.

Hindi parin tumila ang ulan kaya inihanda na ni Samantha ang matulugan ng kanyang Sir Chad. Naglapag lang siya ng banig sa isang mahabang lingkuranan na gawa ng isang kawayan. At naglagay siya ng katol sa ibaba nito.

"Sir pasensya na po talaga" paumanhin naman niya rito.

"Okay na ako dito Samantha, nakaabala pa ako sa iyo"

$💜💜💜$

A Promise(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon