Chapter 37

429 12 0
                                    


Naghahanda si Soffy sa susunod niyang kleyente. Ayaw na niyang bigyan pa ng space ang kanyang love life.. gusto niyang maging busy sa oras ng kasal sa kanyang mahal.

Kasalukuyan niyang binasa ang profile ngayun sa isa pa niyang kleyente. Siya si Roman, around 34 years old na ito,single, isang negosyante at isa ito sa pinakamayaman sa States. Gusto nito na may makasasama sa pag totour sa Siargao. At ang Offer nito ay 20,000.00 pesos for three days. Lagi na ito sa Pinas kaya marunong na ito mg salita ng tagalog.

Okay na sa kanya iyun. Well, gusto nga niyang balik balikan ang Siargao eh.. Pero may nagsabi sa kanyang puso kung paano si Chad ang kanyang makasasama sa Siargao? Habang nagbababiking sila patungo sa lagoon.. at habang nag susurfing sila sa malalaking alon. Ang saya siguro.

Inihanda na niya ang kanyang sarili para salubungin ang kanyang kleyente sa NAIA terminal. Well, nakita na niya ang kleyente dahil lumapit ito sa kanya. Likas nito na malaki ang katawan dahil ayun sa profile nito ay mahilig ito sa pag gigym.

"Are you Roman Schwa-Schwaghr?" sabi niya rito at halata na nahihirapan siya sa pag propronounce sa pangalan nito.

Marahang tumango lang ito bilang pagsang ayon.

" Have a good day sir" masaya niyang bati dito.

Inaanyaya niya ito na magpunta na sa ma ibooked niyang hotel sa Maynila. Tulad nang dati niyang mga kleyente, pinaglingkuran niya ito.

"Sir, can I come in?" tanong niya rito habang nakatayo siya sa may pintuan na may dalang pagkain kasi daw gusto nito na mg breakfast in bed sapagkat pagod pa ito sa biyahe.

"Okay "

Tiningnan siya nito ng maigi parang naasiwa siya sa mga tingin na iyun.

"Matagal kana ba sa trabahong ito Ms. Recabela?" tanong nito sa kanya habang kinukuha ang pagkain. Nakasaad din sa personal data nito na marunong itong managalog dahil ang Pilinas ang pangalawang tahanan nito.

"Opo sir. Matagal narin" pag aamin niya rito.

"So, ibat ibang uri nang mga tao ang nakasalamuha mo?"

"Oho pero madali lang naman ako mag aadjust" sabi niya rito

"Gusto mo sabay na tayong kumain?" yaya nito sa kanya

"Huwag nalang sir, busog pa ako ehh" pagtanggi niya. Kaya patuloy ito sa pagsubo.

May dala dalang pagkain si Soffy galing sa labas may pina order kasi ang client niya backbones ng baka ang gusto nito. Hindi nga niya alam pero hindi mahilig lumabas ang kleyente niya ngayon siguro ngka love problem iyun. Hindi nga niya alam kung matuloy paba ang pagpunta nila sa Siargao.

Habang naglalakad papasok sa elevator may babaeng nakabangga niya at dahilan kung bakit nalaglag ang bag na sinidlan niya ng pagkain pero humingi parin siya ng sorry.

Napaupu lamang siya para kunin bag buti nalang hindi nabasag ang plastic ware na kanyang sinidlan.

Pero ang babae hindi parin umalis sa halip tiningnan siya nito ng husto.

Hindi niya akalain sinabunutan siya nito "Layuan mo ang pamangkin ko..!! malandi ka pumatol ka sa lalaking ikakasal na!!" singhal nito sa kanya.

Familiar ni Soffy ang boses na iyun na parang may nalalaman sa kanyang nakaraan. Natandaan na niya ito, ito ang Auntie ni Chad. Ito din ang babae kung bakit nagdaramdam sa kanya si Chad.

"Hindi kita kilala madam, anong gusto mo? Ipapatawag ko pa ang lawyer ko para matauhan ka at para mahainan ka ng kaso ng public disturbance?" sabi niya rito na may sophistikadang dating dahil nakatingin sa kanila ang mga tao at nagpanggap nalang siya na hindi niya ito kilala. Gusto niya ipakilala sa babaeng ito na hindi siya yung dalaga na mahina at madaling umiyak.

"Walang hiya to.. sabunutan kita!!" sabi nito na aakmang susugod sa kanya

"Guard!! Guard!! Ilayo niyo ang babae na ito na mukhang nasisiraan na ng bait!!" tawag niya sa guard ng hotel na kanilang tinutuluyan.

Ayun nga dali daling lumapit ang guard at inakay ang babae sa palabas. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang kamuhi ang Auntie ni Chad sa kanya eh wala naman siyang ginawa na masama. Hindi nga niya alam kung bakit namukhaan pa siya nun eh ang tagal nang huli silang nagkita.

Narinig niya ang boses ng kanyang kleyente sa loob ng isang sulok sa pasilyo sa hotel nagpasya kasi siyang maghagdan nalang para mag isip " Bigyan mo pa ako nang time para makaganti ka sa kanya.. hahanap din ako ng tyempo" at sabi pa nito "Huwag kang mag alala hindi matapos ang gabing ito makikita mo na siya" dagdag pa nito.

Kinakabahan na si Soffy sa kanyang narinig. Dahan dahan lang siyang umakyat pataas. Dapat hindi niya yun binibigyan ng pansin.

Nakita niya na pumasok ang client niya sa room habang siya ay naghahanda ng pagkain.

"Sir pwede na po kayong kumain.. at tsaka sir nakakuha napo ako ng ticket papuntang Siargao" paalala niya rito.

"Okay, aalis na tayo bukas.."

Marahang tumango lang siya. At akmang umalis na siya sa kwartong iyun.

"Ms. Recabela.. samahan mo muna akung kumain dito at huwag mong sasabihin sa akin na tapos kana.." sabi nito na kumuha pa ng isang pinggan.

"Sige sir.." sabi niya rito. Actually labag sa kanilang rules na sumalo sa kainan ng kanilang kleyente.

Lumapit siya dito. At kumuha pa ng isang baso ang kleyente at ibinigay yun sa kanya.

"Salamat po"

Kasalukuyan silang kumain. Naramdaman niya ang pagkasakit ng kanyang sintido at unti unting lumabo ang kanyang paningin.


A Promise(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon