Chapter 18

419 11 0
                                    

New Character: Sara- Auntie ni Chad (Kontrabida😂😂)--

$💜💜💜$

Sa di kalayuan, nakikita na ni Soffy ang bahay na tinutuluyan ni Chad. Kinakabahan na siya. Nandoon na sila sa tahanan nito may isang babaeng matiim na nakatingin sa kanya. Maunang bumaba si Chad at inilalayan siya nito. Nakatayo parin ito sa may gate at inaabangan ang pagdating nila.

"Good evening Auntie" nag mano si Chad sa Ginang.

Pero ang mga mata ng ginang ay hindi parin mawala sa kanya.

"Good evening ho" sabi niya rito

"Kaano ano mo si Chad?" Tanong sa kanya ng ginang

"Kaibigan ho" magalang niyang sagot kahit kinakabahan na.

"Nobya ko po Auntie"

Tumangu lang ito sa kanya.

"Mauna kanang pumasok Chad, may pag uusapan lang kami sa nobya mo" sarkastika na sabi ng Ginang ky Chad.

Lalo siyang kinabahan. Ayaw naman niyang iparamdam iyun ky Chad.

Ngumiti sa kanya si Chad "Segi Auntie, kaw ng bahala sa kanya" sabi nito at pumasok na sa loob.

"Iha, ilang taon kana ba?"

"20 years old na po ako"

"May business ba ang pamilya mo?" Sabi nito sa kanya

Ibig ng tumakbo ni Soffy sa mga oras na iyun. Hindi siya makapagsalita.

"Ahh ehh" napasabi nalang niya sa Ginang

"Alam mo iha, mahal ko ang aking kaiisang pamangkin at marami akung gusto for his future. Ayaw ko na maghirap siya sa bandang huli. Alam mo naman siguro kung ano ang ibig sabihin nun" nakangiting sabi ng Ginang.

Pagkarinig nun ni Soffy, parang binuhusan siya ng yelo na parang hindi niya maigalaw ang bou niyang katawan. Hanggang nakita niya ang ginang papasok sa may gate at dahan dahang nag sasara ang pinto.

Dahan dahan na ding pumatak ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinigilan. Dali dali niyang nilisan ang lugar na iyun. Kasalanan talaga niya kung bakit pumayag pa siyang sumama ky Chad na kahit alam niya na ganito lang mahihinatnan nang lahat.

Paano na si Chad na naghihintay sa kanya ngayun sa loob? Si Chad na walang kaalam alam sa nangyayari? Paano niya masisi si Chad na malinis ang intensyun nito sa kanya? Masakit pala iyun na hindi mu akalain na hindi naging maganda ang pagkikita niyu sa iyung mahal. Masakit pala iyung akala mo maging maayos ang lahat pero hindi pala. Nagpakawala siya isang malakas na buntong hininga habang naglalakad. Dahan dahang bumuhus ang ulan na para bang nakikisabay sa pagdalamhati niya. Binuhus talaga niya ang sakit na kanyang naramdaman. Lahat lahat.

$💜💜💜$

A Promise(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon