Chapter 48

397 8 0
                                    

$💜💜💜$

"Manong Nestor, sino nga ba talaga si Soffy kasi napagkamalan naman po ako." Sabi niya kay Manong Nestor habang umupo ito sa may kubo. Nanghiram kasi siya ng cutter dito.

Nang tumuntong siya sa Hacienda hindi talaga siya mapakali. Tingin niya maraming nakatingin sa kanya at napagkamalan na siya si Soffy. Hindi nga niya alam kung sino iyun. Una din nilang pagkikita ni Manong Nestor napagkalan din siya nito.

"Samantha napagkamalan kang si Soffy kasi kamukha mo talaga si Maam Soffy.. at alam mo siya ang asawa ng iisang anak ni Donya"

"Nasaan na nga ba si Soffy ngayon?" curios niya tanong

"Namatay na siya.. nag isang taon na.. naulila talaga si Sir Chad sa kanya dahil mahal na mahal niya yun" nakangiting salaysay sa kanya ni Manong Nestor.

Mabuti pa si Sir Chad kahit patay na ang asawa nito patuloy parin itong nagmamahal. Hindi katulad niya ni hindi siya hinanap sa ama ng kanyang anak. Paano kasi nung hindi pa siya nabuntis kahit kanino lang siya sumama dahil walang lalaki ang sumeryuso sa kanya. Kaya ayun hindi niya alam kung sino ang ama ng kanya anak. Nahiya nga siya ngayon sa kanyang sarili kaya kung hindi dahil sa kanyang anak na patuloy nagbigay sa kanya ng lakas hindi niya alam ngayon kung saan siya pupulutin. Gusto na niyang magbago at mabuhay na may dangal. Hindi katulad noon kung saan saan siya makarating.

Andito si Samantha ngayon sa may paradahan dahil uuwi na siya pasado alas sais na ng hapon. Bitbit ang supot na may lamang gatas. Pero walang gustong mghatid sa kanya. Gusto na niyang lumipad pauwi dahil sigurado siyang umiyak na ito.

May huminto na sasakyan sa kanyang harapan. Lumabas ang mukha nito buhat sa pintuan.

"Ihatid na kita Samantha" sabi nito sa kanya.

"Huwag na ho" tanggi niya rito.

Kahit nagmamadali siya, tinanggihan parin niya ito kasi nahihiya siya sa kanyang ginawa.

"Sakay na baka gabihin ka dito"

Kahit nahihiya, sumakay nalang siya.

"Saan ka nakatira, Samantha?" basag ni Chad sa katahimikan

"Sa Sto. Tomas ho"

Pinaharurot na nito ang sasakyan..

"Samantha, ilang taon na ba ang anak mo? Sabi kasi ni Mama na may anak ka raw" tanong ni Chad gusto niya na makilala ng husto si Samantha.

"Oho may anak napo ako limang buwan pa po si Baby"

"Saan na ang ama?"

"Sa totoo lang hindi ko po kilala sir" nahihiyang sagot ni Samantha sa kanyang amo. Dahil nahihiya siyang aminin dito na hindi siya ganun kalinis na babae.

"Dito ka ba sa Sto. Tomas isinilang?"

"Hindi ho, bago lang kami rito wala kasi kaming permanenti na address."

Nang nakarating na sila sa bahay niya, narinig agad ni Samantha ang iyak ng kanyang anak. Dali dali siyang bumaba.

"Sir salamat po"

Pagkasabi nun agad na siyang umalis at pumasok sa bahay.

Biglang lumakas ang bagsak ng ulan at ang kaydilim ng gabi. 

Kaya nag alala siya para sa kanyang boss. Parang may sumakit na bahagi ng kanyang puso.

$💜💜💜$

Please vote po

A Promise(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon