Chapter 45

410 7 0
                                    

$💜💜💜$

"Chad, nakatanggap na kami ng balita tungkol kay Kurisawa.. dadarating siya dito sa Pinas sa susunod na araw" balita sa kanya ni Mike mula sa telepono.

"Talaga?" excited niyang tanong kasi gusto na niyang sapakin ang Kurisawa na iyun.

"Ou kaya ihanda mo na ang iyung sarili.. Chad"

"Segi" sabi niya at ibinaba na ang telepono

"Makaganti rin ako sayo!!" Sigaw ng kanyang isipan

Handa na si Chad at Mike sa pagsugod sa bahay ni Kurisawa pasado alas onse na nang gabi kaya dali dali na silang umalis. Nang nakarating sa tahanan ni Kurisawa nakita nila na bumaba ito sa hagdanan at nagpraktice ito ng karate. Siguro pinili nito na magsanay sa gabi dahil sa walang tao at tahimik ang paligid. Alam ni Chad na nakapansin ito na may ibang tao dahil parang lumingon ito sa kanilang dureksyon at nagpatuloy sa pagsipa at sa pagsuntok.

Hindi na talaga makapigil si Chad, dali dali niyang tinungo ang paroonan ni Kurisawa. At si Mike ay nanatiling nagkubli sa isang halaman pinanoud lamang siya.

"Gusto mo ba na may ka esparring?" tanong niya kay Kurisawa.

"Sure"

Pagkasabi nun ng isang Hapones nagpakawala na din ito ng isang malakas na sipa. Sinalo agad iyun ni Chad. Kahit nasalo niya iyun ramdam parin niya ang impact dahil sa lakas nito.. muntik na nga siyang natumba. Mabuti malakas ang stands niya. Kaya hinanda niya ang sarili sa sunod nitong sipa. Sa sunod na sunod na sipa nito pawang sa hangin iyun tumama.

"Hah!!" sigaw ng Hapones

Nagpakawala narin si Chad ng isang malakas na suntok, gayun paman nakaiwas ito sa suntok na kanyang tinapon. Nagpakawala na rin ito ng isang malakas na kamao, napigilan niya iyun pero hindi ang sipa nito. Tumilapon si Chad.

Huminga ng malalim si Chad. Nag ipon ng lakas para makasugod. Nakita niya na sumugod ang Hapones sa kanya. Dali dali siyang tumayo at pinaghandaan ang sumusunod na pangyayari. Naramdaman niya na gagamitin ang strategy nito kanina kaya nang akma itong sumuntok sa kanya tinanggap lang niya iyon at sabay bigay ng isang malakas na suntok nito sa leeg. Ramdam niya ang malakas nitong suntok sa kanyang mukha at naramdaman niya na may dugo na dumadaloy sa bandang kilay niya. Pero bago pa makaporma ito sinundan din niya ito ng sipa sa sikmura. Nakita niya na bumagsak ang Hapones sa damuhan.

Lumabas si Mike sa pinagtaguan niya at tinutukan agad ang Hapones ng baril.

"Makaganti rin ako sa iyo.. hayop ka!! Pinatay mo si Soffy ang asawa ko!!" singhal niya sa Hapones

"You beat the wrong person" sabi ng hapones at sabay tawa.

Sa kakainis lumapit si Mike at sinipa ang Hapones

"Pinaglaruan mo ba kami?" sabi naman ni Mike

Tumawa ito "You don't use your brain" dagdag pa nitong sabi nito

"Ginawa mo naman ito dahil sa kapatid mong manyakis!! At dapat lang sa kanya iyon dahil muntik na niyang pinagsamantalahan si Soffy!!" sabi naman ni Chad

Tumawa parin ito "To tell you the truth masaya ako na nawala na ang kapatid ko dahil sulo ko na ang kayamanan"

"Ano ba ang motibo mo kung bakit mo iyon ginawa?" curios na tanong ni Mike

"Isang taon na ang lumilipas, wala na akong pera pangbayad sa aking inuutangan sa sugalan dahil hindi pa inaaprobahan sa korte ang pagtransfer sa kayamanan ng kaparid ko and dumating ang isang magandang babae at nakikiusap na gusto niyang maghiganti sa isang babae na nangangalang Sofia Marie Recabela kapalit ng isang milyon. Hinanap niya ako dahil nalaman niya kasi na pinatay ang kapatid ko sa asawa mo at nalaman niya na pinagtangkaan kong patayin si Soffy noong pagkatapos ng hearing sa bulwagan. Ginawa ko naman iyon dahil gusto ko makuha ang kanilang tiwala at matuluyan ko nang makuha ang pag aari niya." Mahabang salaysay ng Hapones.

$💜💜💜$

A Promise(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon