Chapter 46

389 10 0
                                    

$💜💜💜$

Ngayon naliwanagan na si Chad, maaring si Diana ang sinasabi ng Hapones. Madalang lang sila magkikita ni Diana...akala niya okay na sila ditto..Kung kinalaman ito sa pagkawala ni Soffy hindi niya iyun palalagpasin.

"Chad, kidnappin nalang natin to.. total murder ang kaso nito at magamit natin siya bilang witness"

"Segi"

Tinali na agad nila ang Hapones. Nagpumiglas ito pero wala nang magagawa. Dinala na nila ang Hapones sa isang abandonadong lugar na pag aari ni Mike. Ang lugar na iyon ay walang kapitbahay.

"Huwag kang mag alala bibigyan ka namin ng pagkain kung makicooperate ka sa amin" sabi ni Chad sa bihag na nakaupo sa may gilid.

Umalis na sila sa lugar na iyun at bumibuyahe pauwi.

"Chad may idea kaba sa sinasabi ng Hapones kanina?"

"Ou Mike, pero hindi ako sigurado sa kanyang sinasabi" sabi ni Chad na tumatagis ang panga nito.

"Alam ko na alam mo ang dapat gawin"

Dumeretso na agad si Chad sa mansion ni Diana sa Laguna. Gusto niyang kompirmahin kung totoo ba ang sinasabi ng Hapones. At ngayon andito siya sa gilid ng pool nito naghihintay.

"Chad, dumating ka !!.. you really missed me" sabi ni Diana na nakasout ito ng isang manipis na roba. Lumapit ito sa kanya at yumayakap. Dali dali siyang kumalas.

"Diana, stopped" mahinang sabi ni Chad

"Okay" kumawala na agad si Diana sa kanya

"Diana may kinalaman kaba sa pagkamatay ni Soffy?" deretsong tanong niya rito

"Si Soffy naman ba Chad? Akala ko kung mawala siya matutunan mo na uli akong mahalin!!" sabi nito

"Look at me Diana!!" sabi ni Chad at hinahawakan ang dalawang abaga ni Soffy "Answer me, may kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Soffy?"

"Wala Chad!! Ou mahal parin kita pero hindi ko iyon magagawa!!" Sigaw nito sa kanya

"Kilala mo ba si Daniel Kurisawa?" tanong niya kay Diana

"Wala akong kilalang ganyan Chad, pinagbibintangan mo ba ako?" tanong nito sa kanya

"Siguraduhin mong wala kang kinalaman Diana kundi sa kulungan ka hahantong" banta niya rito

Pagkasabi non, umalis na kaagad si Chad. Malakas ang kutob niya na may kinalaman si Diana sa pangyayari.

$💜💜💜$

A Promise(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon