Chapter 18

78 2 0
                                    

Maaga ako nagising dahil hindi rin naman ako makatulog ng maayos. Nakakatulog ako pero nagigising gising rin. I think it's 6 am in the morning. Tulog pa ang lahat panigurado dahil masyado pang maaga. Umalis na ako ng kama at nag banyo upang makapag hilamos, suklay, at mag toothbrush. Sa harap ng salamin ay nag tali ako ng buhok ko. Napatingin ako sa leeg ko at sa collarbone ko sa salamin at napapikit.. His lips owned everything.. I can't believe that happened last night. Hindi ko alam kung paano ako makakaharap kay Ezekiel. We're not together but we like each other and we're not being casual. We're actually dating so basically I'm cheating..


Lumabas na ako sa banyo at bumaba sa kusina. Nakita kong gising na sila Ate Rosita at iba pang kasambahay nila Reagan na nag wawalis sa labas ng bahay nila Reagan. Ako na lamang ang mag luluto ng agahan tutal ay gising naman na ako at para mabawasan din ang gawain ni Ate Rosita.


Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng isang tray ng itlog tsaka kinuha ang pack ng langgonisa at hotdogs. Nag labas din ako ng kamatis at sibuyas para sa itlog. Maybe I'll just cook scrambled eggs halo ng kamatis at sibuyas so it won't be so plain. Ng matapos ko ihanda ang mga kailangan ko ay binuksan ko na ang dalawang kalan at nag lagay ng dalawang kawali. Parehas ko nilagyan ng mantika ito at pinainit muna.


"Ma'am? Gising na po pala kayo. Ako na po riyan!" Ate Rosita


"It's okay ate. I can cook. You can cook the rice while I'm preparing this." Sophia


"Sigurado po ba kayo ma'am?" Ate Rosita


"Yes ate. Don't worry about Reagan. tulog pa naman sya eh." Sophia


Hinayaan nya ako magluto at nag saing naman ng kanin si ate Rosita. Pag katapos ko mag luto ay nag palit ako ng sando dahil pinag pawisan ako sa pag luluto at amoy ulam na ako. Pag katapos ko naman mag luto naririnig ko na ang boys na maingay sa baba. Panigurado ay mga nag lalaro nanaman ang mga ito sa pool table.

Pagkababa ko ay agad ako sinalubong ni Kiel ng malaki nyang ngiti.


"Good morning, Beautiful!" Ezekiel


"Good morning!" Sophia


Niyakap nya naman ako at hinalikan sa pisngi.


"How was your sleep? Mahimbing ba?" Ezekiel


"Yup. Ikaw? Did you sleep well?" Sophia


"Definitely. Pag kahiga ko ay nakatulog agad ako. Ate Rosita told me you cooked our breakfast?" Ezekiel


"Oo, I woke up early and I couldn't go back to sleep so I decided to cook our breakfast." Sophia


"You're full of surprises. Inaasahan ko ay tulog kapa pag gising ko." Ezekiel


"Tinikman mo na ba ang luto ko?" Sophia


"Not yet. I can't wait na matikman iyan." Ezekiel


"Ang aga aga, ang haharot!" Bryan


"Ikaw nga buong gabi humaharot sa kwarto ni Reagan." Ezekiel


"Wee ako lang ba?" Bryan


Ngumisi si Bryan at nag taas baba ng kilay.


"What do you mean?" Ezekiel


"I heard someone last night. Sa kitchen may mga tao doon kagabi sounds like they were arguing. Di ko na tinignan I'm not nosy. That wasn't you guys?" Bryan


Para akong binuhusan ng malamig na tubig at agad gumapang ang kaba sa aking sistema. I couldn't handle this.. This is too much.. We almost got caught last night! Damn! That was so close!


Will You Catch Me If I Fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon