Chapter 30

105 8 0
                                    

"Sophia, let's go home!" Yara


Sigaw sa akin ng kaibigan kong si Yara habang sumasayaw ako sa gitna ng dance floor kasabay ang crowd dito. Umalingawngaw ang malakas na music at sabay ng pag taas ko ng aking kamay tsaka nag tatalon at sumayaw sa beat ng music.


Inabutan ako ng isang lalaki ng vodka habang ako ay sumasayaw agad ko naman nilagok ito at sinabayan ang sayaw ng lalaki sa likodan ko.


Damn, I love my night life. Dito ko narerelease lahat ng stress ko galing sa trabaho. I love my job but I fucking hate my boss. She's a bitch. Alam ba nya kung gaano kahirap mag review ng brands, presentations, at campaign ng mga marketing team sa amin? Wala na ako halos buhay sa labas ng trabaho at itong night life ko na lamang ang nakakapag pawala ng stress na binibigay nya!


Wala na nga akong buhay sa labas ng trabaho, Nairereject nya padin lahat ng presentations na ina-approve ko! Minsan gusto ko nalang sabihin na, Ma'am Williams! Kayo nalang po kaya sa posisyon ko? Minsan hindi ko alam kung bakit pa ako na-promote eh parang tuta lang din naman ako sa boss ko at sa trabaho ko.


"Sophia, let's go!" Kairo


Hinila ako ni Kai sa gitna ng dance floor habang nasa kabilang kamay nya ang beer. Inagaw ko ito at nilagok muli.


"Sophia! Gurl, nakadami kana!" Kairo


"Shut up, Kai. This is your mom's fault!" Sophia


Kairo Maverick Williams is Elfrida Williams' son. Kairo is my personal assistant. Kung hindi ba naman ganun ka-bitch ang nanay mo, naipwesto ang sarili nyang anak bilang personal assistant ko. Masyadong mataas ang standards nya at halos hindi na ako matulog maabot ko lamang ang kinalalagyan ko ngayon sa kanilang kumpanya. Kai may be my PA but I don't treat him as one. He's my family.


Simula ng lumipat ako sa New York ay si Kai at Yara na ang katuwang ko mula noong nag college ako hanggang sa makagrduate ako, sila ang kasama ko.


"Sophia, gabi gabi nanaman ba tayong ganito?" Yara


Bulyaw sa akin ni Yara ng inupo ako ni Kai sa upuan.


"May meeting ka pa bukas! Kaloka ka! Ginagawa mo akong body guard eh! Sinasayawan ka na nung lalaki kanina sa likod mo!" Kairo


"Kai, you can have him if you want!" Sophia


Hinampas ako ni Kai at sinabing, "Ano tingin mo sa'kin cheap? Kukuha lang ng lalaki sa bar? Nakuha mo ba yung name nya?" Kairo


Humagikhik  ito at napailing na lamang ako.


"Kai! This is not the time para asikasuhin mo ang kabaklaan mo! Tignan mo ang boss natin, knock out na." Yara


Binaling ko ang tingin ko kay Yara tsaka ako tumawa at tumungga muli ng beer.


"Yara, sinong knock out?" Sophia


"Kai, you know what to do." Yara


I seriously don't know kung ano ang mangyayari sa buhay ko kung wala si Yara at Kairo. They've been my life saver mula noong napunta ako sa New York. Sila ang pamilya ko dito.


Binuhat ako ni Kai palabas ng Raines Law Room. Isa ito sa mga sikat na speakeasy sa New York. Naibaba ako ni Kai sa sahig ng palabas na kami sa Raines Law. Damn, that was wild! Speakeasy ito ngunit nag mukhang bar dahil sa ginawa kong pag sasayaw at pag iingay ruon.


Nakakatawa isipin na noon ay hindi ako makapasok sa mga bar ngayon ay halos lahat ng speakeasy at bar sa new york ay alam ko na puntahan. Eto yata ang epekto ng college sa akin.


Will You Catch Me If I Fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon