Chapter 12

144 4 0
                                    


Gumising ako sa umaga na merong mga pulang bulaklak sa baba. Alam na din nina kuya at papa ang panliligaw ni Ezekiel dahil pormal na sinabi niya ito kanina habang kumakain kami kanina ng umagahan. Nasa school na kami ngaun. Hindi ko alam pero hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari! Nag tatalon ako sa kilig kagabi sa kama! Gusto kong lamunin na ng lupa!

Pero hindi pwede mag padala ako sa emosyon dahil maaring hindi totoo ang mga ito. Maaring rebound lang ako kay Trisha. Mabilis lumipas ang araw na hindi ko nakikita ang anino ni Trisha sa campus. I hope she's okay. Napansin ko din na buong atensyon ng school ay nasa amin ni Ezekiel. Whatever. Kung mang huhusga sila ay wala na akong pakielam doon. Nag patuloy kami ni Ezekiel sa pag lalakad patungo sa Music Room dahil ngaun gaganapin ang presentation namin. Nakita ko ang di matanggal ngisi ni Ezekiel.

"Pano mo napapayag si Kuya at Papa huh? Ni hindi pa ako sumasagot kung puwede ka manligaw!" Sophia

"Sakin pa ba sila hindi papayag? Mag taka kung hindi pumayag. Tsaka di ko kelangan ng permiso mo, liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." Ezekiel

"Yabang!" Sophia

Ginulo ko ang buhok niya at piningot naman niya ang ilong ko. Dala dala niya ang gitara niya ngaun. Agad kaming nakadating sa music room at mukhang wala pa ang teacher namin dito dahil maingay pa. Andito din ang ibang students namataan ko si Clynton at Kim. Nag lalandian. Napailing nalang ako at nainis. Napaka play boy talaga ng isang 'to! May bulong-bulungan pa silang nalalaman! At talagang nakaakbay pa siya! Hindi na nahiya nasa school sila! Nag iinit ang dugo ko sa dalawang ito! PDA!

"Clynton's here. Di ko alam na may interes sa music iyan." Ezekiel

Napangiwi naman ako. Hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko ng namataan niya si Clynton dito. Pumungay ang mga mata ko kay Clynton at Kim na nagtatawanan. Agad naman ako napairap sa landian ng dalawang ito. Wala ng pinipiling lugar!

Dumating na ang teacher namin at lahat kami nag tayuan para batiin ito ng good morning. Agad din naman siya bumati tsaka ngumiti sa amin. Naalala ko, 5 points nga pala deducted sa grades namin ni Kiel dahil hindi ako nakinig nung nakaraan na linggo.

"So who will start first?? Any volunteers??" Ms. Gladys

Walang nag taas ng kamay mukhang nag kakahiyaan pa yata.

"Kamj na po muna Ms. Gladys!" Ezekiel

Nagulat naman ako biglang pag apila ni Kiel. Agad ko naman siyang siniko dahil sa ginawa niyang kabaliwan. Uupakan ko talaga ang isang 'to!! Hindi pa ako ready!!

"Ano ba di pa ko ready!" Bulong ko sakaniya. Ngumisi lang siya at hinila na ang kamay ko papunta sa harap.

"Kaya mo yan! Ngayon ka pa ba mahihiya?? Ang ganda ng boses mo." Ezekiel

Inirapan ko siya tsaka inupakan. Tumawa lang naman siya. Iginala ko mata ko sa lahat ng kaklase namin na nakatingin sa amin. Siguro napansin nila ang kahawak kamay namin ni Ezekiel. Nakita ko naman ang matalim na titig sakin ni Clynton tsaka umiling. Ano ba ang problema niya??

"Ready na ba si Del Valle? Mukhang tensed ba siya." Ms. Gladys

"Ready na po iyan medyo nahihiya pa." Ezekiel

Isinabit na ni Ezekiel ang gitara niya sakaniya at umupo na siya tsaka binigay sa akin ang mic. Pinapatayo niya ako ngunit mabilis akong umiling dahil hindi ako comfortable na nakatayo. Nahihiya ako. Pinasadahan ko ulit ng tingin ko sa mga kaklase ko na nag aantay. Nakita ko ang malalalim at mapupungay na mata ni Clynton na nakatingin sa akin. Nakahalukipkip siya at nakaupo ng seryoso para bang hinihintay ang performance namin. Agad kumalabog sa kaba ang nag huhuramentado kong puso. Dammit! Kinakabahan ako! Hindi pa ko kinabahan ng ganto pag may nanonood sa aking kumanta! Baka mag kamali ako sa lyrics or something.

Will You Catch Me If I Fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon