Chapter 11

178 5 3
                                    

Nakadating kami ni Reagan sa coffee shop na sinasabi niya at kumuha ng pang dalawang taong table. Medyo madaming tao dahil bagong bukas 'to pero tahimik naman ang lugar na ito kaya puwede kami mag kwentuhan ni Reagan dito. Umupo na kami ni Reagan isang table lamang ang pagitan namin. Magkaharap kami. Umorder si Reagan ng frappe naming dalawa at cookies.


"What's your problem Reagan?" Sophia


Humalukipkip ako at nag taas ng kilay sakaniya. Kung hindi ko ito tatanungin ay hind siya mag sasalita. Nako ang Bryan Lim na iyan! Pag may kagaguhan yan na ginawa kay Reagan malilintikan sa akin iyan! Parang pinatunayan niya sa akin na mana sya sa pinsan niyang si Clynton kung ganoon! Nagulat ako ng biglang nag kagat ng ibabang labi si Reagan at nakita ko ang mga luhang bumaba sa pisngi niya. Nagulat ako kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap.


"Oh Reagan!" Sophia


"His mum wants to send him sa US para mag aral doon ng business. His father will retire soon at walang mag hahandle ng Restaurants nila. Lalo na't mas madami ng branch ito ngaun." Reagan


"Nung nasa Cali ka nga nakaya nyong dalawa long distance diba? Why give up now?" Sophia


Umiling siya at patuloy na umiyak. Hindi ko pa siya nakikitang ganito kalungkot noon. Dahil masyado siyang palangiti at masiyahin. Hindi ko tuloy nag gagawin ko para gumaan ang loob niya kasi madalas naman, siya ang nag papatawa sa 'kin.


"He will be staying there for 3 years. I know we're too young at alam kong isa to sa sinasabi nilang madaming pwedeng mangyari but I cant stand it. Hindi pa ako nalayo kay Bryan ng ganun katagal Sophie." Reagan


Naiintindihan ko naman siya. They were in 1st year highschool since they started their relationship. Young hearts. Its been 4 years na lagi sila mag kasama ni Bryan at hindi napag hihiwalay. I can't blame her. I understand her completely.


"Anong sabi ni Bryan? Does he know that you're with me?" Sophia


Umiling siya tsaka nag punas ng mga nag bababaan na luha sa kaniyang mga mata.


"I told him that I can't be that far. Na hindi ko kaya ng ganun kami kalayo. Ang sabi niya, Sumama ako sakaniya. But I can't. My life is in here. Nasa Pilipinas ang buhay ko. I can't leave this town, this country, my family. I love him so much but .." Reagan


Bumuntong hininga siya at tsaka napasabunot sa buhok niya. Halata sakaniyang itsura ang kaguluhan sa kanyang utak. Nalungkot ako para sa kaibigan ko. She's like my bestfriend too. My girl bestfriend. Niyakap ko siya tska hinaplos ang buhok niya habang patuloy siya na umiiyak sa balikat ko.


Biglang nag ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Bryan dito. He's probably worried so I decided to take the call.


"Sophia?" Bryan


Halatang halata sa boses ni Bryan na frustrated siya dahil namamaos ito at parang hirap na hirap siya sa mga nangyayari.


"I'm with her Bry. Don't worry." Sophia


Napabuntong hininga si Bryan sa kabilang linya. Si Reagan naman ay nakatingin sa akin na nag punas ng luha habang pinapakinggan ang usapan namin ng kaniyang Boyfriend.


"I-Is she okay?" Bryan


Napa tingin ako kay Reagan at parang nawalan na lang siya ng gana makinig. Kaya kumain nalang siya ng cookies at patuloy ininom ang frappe niya.


"She's not okay." Sophia


"Fuck!" Bryan


Ramdam na ramdam ko ang frustrated na boses ni Bryan. I'm so surprised. Didn't know that they love each other this much. Madalas kasi sila mag asaran lang ni Reagan but you can really see it in their eyes that they are really happy. Kaya sa gantong sitwasyon nila ngaun ay hindi ako sanay.


Will You Catch Me If I Fall?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon