Chapter 1

137 52 3
                                    


AIKEN POV





"Where are you?" tanong ko sa kabilang linya.

["We're still have a class pero don't worry malapit nadin naman kaming matapos eh"]

"Okay" sagot ko at agad pinatay ang tawag.

Nandito ako ngayon sa campus ng kaibigan ko and guess what? sikat siyang tao, like me at bukod don, ang ganda ganda niya. I mean marami naman akong nakikita o kakilala na magaganda pero her beauty is different. Nakilala ko lang siya through internet this past few days. Sa loob ng araw na yun palagi lang kaming nagchachat and of course nagyaya ako na mag video call kami to make sure na hindi siya fake, or should I say poser. Lam muna sa panahon ngayon medyo uso na talaga ang mga ganon.

Actually, I've never meet her in person but I decided to meet her up today. Buti nalang pumayag na siya. Nung unang time palang kasi naming magchat, plano ko na talaga na makipagkita sa kanya. Sinabihan ko siya tungkol dun pero hindi siya pumayag. Busy raw siya sa school nila.

So.. by the way, I am Charls Aiken Serrano, also known as "Ken". 17 years old and I'm already a senior high school student. Business management and strand na kinuha ko. Hindi ko naman talaga gusto yun eh kaso si Mom masyadong mapilit saken na yun raw ang kunin ko. Well, I don't have a choice, si Mom yun eh gusto niya siya palagi ang masusunod.

Aside from that, mayaman ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero yun ang totoo. Kilala kasi ang family namin dahil maraming business ang mom ko, isama mo na rin yung kasintahan niya. They're the one who managed the business that we had. Hindi ko sinasabing pamilya namin ang pinakamayaman in the whole world ha. I knew naman kasi na maraming ganon sa mundo.





Habang naglalakad ako sa likod ng mga school buildings, may natanaw akong malaking puno mula sa malayo.

Great! medyo pagod na ako.

Mabilis akong lumapit doon.

Nang medyo malapit na ako, namangha ako sa ganda ng paligid neto, merong kaunting bulaklak na nakapaligid dito. Napakapresko ng simoy ng hangin at halatang walang pumupunta rito dahil medyo malayo-layo ang lugar na'to sa mga buildings.

Agad akong sumandal sa puno para magpahinga saglit. Kanina pa kasi ako lakad ng lakad dito sa loob ng campus eh.


Maya'-maya ay may biglang tumawag sakin. Nakangiti akong binasa kung sino ang tumatawag, akala ko yung imi-meet ko munit one of my bestfriend lang pala.

si Raiven.

'Badtrip!


["OH GAGO! NASAN KA BA HA? ALAM MO BANG KANINA PA KAMI NAGHAHANAP SAYO!"] bungad niya sakin kaya mabilis kong inilayo ng konti sa tenga ko ang cellphone. Pucha ang lakas ng boses niya, sakit sa tenga.

"Chill ka lang tol" natatawang sagot ko.

["NAG-CUTTING CLASSES KA NA NAMAN, HINDI MO MAN LANG KAMI SINAMA NI LANCE!"]

Tss! sinisermonan ako dahil hindi nakasama sa pag-cutting.
Iba din..

"Tangna mo! hindi kita mommy saka pwede ba wag kang sumigaw dyan? kalalake mong tao makasigaw ka wagas. Daig mo pa ang babae kung---" naputol ako nang may biglang sumulpot sa harapan ko.

'Speaking of...

Agad kong pinatay ang tawag saka inis na ibinaling ulit ang paningin ko sa harapan.



Isang babae'ng salubong na salubong ang kilay ang nasa harapan ko ngayon na may hawak-hawak na manok.

Tiningnan ko ang kabuoan ng katawan niya. Tsk! ang baduy ng suot niya tas ang dumi at ang laki pa ng t-shirt na animo'y parang hindi naliligo, idagdag mo pa ng buhaghag niyang buhok na parang hindi nagsusuklay ng isang taon.

I'm Into YouWhere stories live. Discover now