Chapter 8

69 45 0
                                    

"HOY GLEIGH!ANONG NANGYAYARI SAYO?" natauhan ako dahil sa pagsigaw ni Lex.

"Bakit ka umiiyak?"

Oh shit! tumutulo na pala luha ko.

Napansin kong lahat sila ay nakatingin na saken, pati na rin si Austine. Tang*na! malaking kahihiyan to! baka anong isipin nila. Kanina pa ba talaga ako tulala dito para hindi sila mapansin? Argh!

"Lasing lang yan" sabi ni Ze. Hindi pa kaya ako lasing noh! "Mas mabuti't ihatid mo siya sa bahay nila Austine"

"What? N-No way! tsaka hindi pa naman ako lasing eh" sabat naman ni Austine saka marahang inabot ang panyo niya saken.

Nakita kong ngumisi si Lex. "Sige na Gleigh, tanggapin muna" kinikilig na bulong niya.

"Ikaw na kasi magpahid ng luha niya tin" biglaang banat ni Ze. "Mas gusto niya yun"

Anak ng...

'Argh! Nakakainis ka Ze!

Agad naghiyawan ang lahat "AYIEEEEHHHH"

Halos alam ng lahat na may gusto ako kay Austine. Si Austine naman parang wala lang sa kanya, hindi ata siya naniniwala. Much better. Pansin ko rin kasing parang may gusto siya kay Ze. I'm not so sure naman baka masyado lang akong praning.

Pinaniwala ko ang lahat na wala na'kong gusto sakanya, na naka move-on na'ko pero sina Lex at Ze parang hindi naniniwala sakin palagi nalang kasi nila akong inaasar eh. Ang ayoko talaga ay yung tinutukso ako sa t'wing magkasama kami ni Austine. Super awkward kaya.

"Tumahimik nga kayo!" pairap na bulyaw ko at agad inagaw ang panyo ni Austine na kanina pa inaabot saken. Tumawa lang sila. Bwisit! Pinagkakaisahan nila ako eh. Nakakainis!








Mag aala-sais na ng magsiuwian na ang lahat. Pero lima na kaming naiwan dito sa labas ng tambayan para awatin si Ze. Gusto niya kasing magmaneho sa motor niya kahit medyo lasing na siya. Kanina pa nga namin siyang pinipilit na bumaba sa motor niya eh.

"Ano ba kayo! Kayang-kaya ko pang mag drive okay?" malumanay na sabi ni Ze. Halata namang kaya pa niya pero kahit na, nakainom parin siya tulad ko. Mas marami pa nga siyang nainom kesa saken eh. Hmm.. sabagay nga naman, hindi agad siya tinatablan.

"Ako na maghahatid sayo Ze sa ayaw't gusto mo" tugon ni Austine. Kitang-kita ko talaga sa mga mata niya na nag-aalala siya, siguro dahil kaibigan niya rin si Ze o dahil may gusto talaga siya sa kanya. "Pre ikaw nalang maghatid kila Alex at Gleigh" baling niya kay Jasper.

"Wag na kayang-kaya na naming umuwi ni Gleigh" banat ni Lex. Shete! anong pinagsasabi ng baklang to? Ehh.. nakainom nga rin siya eh.

"Ze pumayag kana kasi" sabay lapit sa kanya kaso medyo umiikot na talaga ang paningin ko kaya hindi ko maiwasang hindi matumba. Mabilis naman akong tinulungan ni Austine pero imbes na tulungan na niya akong makatayo, nabitawan niya ako dahil sa biglaang pag-andar ng motor ni Ze kaya bumagsak ulit ako sa kalsada.

"Ze!" tawag niya tsaka sinubokan pang habulin si Ze.

A worried Lex rushed to my side.

"Okay ka lang Gleigh?" tanong niya tsaka inalalayan akong makatayo.

"Ahh.. sundan ko lang si Austine ha" sabi ni Jasper tsaka tumakbo na at sinundan si Austine.

Naramdaman kong uminit na ang mata ko at dahan-dahan ng bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Kumpirmado talaga na may gusto siya kay Ze. Ang sakit lang isipin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Into YouWhere stories live. Discover now