Chapter 3

69 49 0
                                    

Pagdating ko ng bahay, sinalubong agad ako ng mataray kong BRUHANG NANAY.


"HOY IKAW'NG BATA KA! HINDI KA NA NAMAN DAW PUMASOK KANINA?" Nakapamewang bungad niya sakin. Tsk! kahit kelan talaga, grabi ang bunganga neto.

"Wala ako sa mood makipag-usap" Tamad kong sagot saka padabog na umupo sa sofa "Sino na namang nagsumbong sayo?" malamyang tanong ko pa habang hinihimas ang hawak kong manok.

"Ako! Ako ang nagsumbong sa kanya" Singit ng bruha kong kapatid habang papalapit sa gawi namin. Di na'ko mabibigla, gawain niya pala ang mga bagay na yun. "Is there's anything problem?" Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.

'Kayong dalawa ang problema ko!

"Tch! magsama kayong dalawa" Inis na sabi ko saka tumayo na at padabog naglakad patungong kusina para uminom ng tubig. Naramdaman kong may sumusunod sakin pero hindi ko na inabalang lingunin yun. Ibinaba ko na ang manok ko sa lamesa at agad binuksan ang ref. Eksaktong pagsirado ko, biglang may nagsalita mula sa likod.







"Ang kapal talaga ng mukha mo no?" Alam ko yung boses na yun. Tss. Pumunta lang ba siya dito para sabihin saken yun? Hanep din ah!

"Matagal na" natatawang sabi ko. Hindi ko talaga maiwasang hindi matawa, umaandar na naman kasi ang pagiging immature niya eh. "Ano na namang kelangan mo?" dagdag ko pa habang nagsasalin na ng tubig sa baso.

"Gosh! Nakakadiri ka talaga" maarteng saad niya. Agad kong ininom lahat ng laman sa baso at ibinagsak ito sa mesa. Hays, sayang hindi nabasag.

Marahan ko siyang nilingon. Nandidiri siya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "Oh? bakit mo 'ko tinitignan kung nandidiri ka pala sakin?"

She laughed dryly. "Look at your self, you're so gross. Hindi ka ba nahihiya?" hindi niya sinagot ang tanong ko.

Napairap nalang ako sa mga sinasabi niya. Kelangan ko ng umalis. Nasasayang lang ang oras dahil sa kanya. Puro naman walang kwenta ang sinasabi niya. Kinuha ko na sa lamesa ang manok ko at akmang aalis na munit bigla niya akong hinawakan. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko bago ako tumingin sa kanya.

Agad niya namang inalis ang pagkakahawak saken "Oh I forgot, madumi ka nga pala. Eww!" masyadong oa talaga tsaka ano bang pinagsasabi niya? Pa ew-ew pa ang bruha kala mo naman may dumi talaga sa braso ko. Sarap sapakin eh. "Yaya! Where are you?" sigaw niya habang pinapahid ang kamay niya sa towel na bitbit niya . Pasosyal ang bruha. May pa yaya pang nalalaman. HAHA

Dumating naman kaagad si Manang Soling. "Ano yun hija"

"I need an alcohol for my pretty hand. May dumapong mga bacteria eh" diring-diring sabi niya "Bilisan mo!"

"Naku hija.. wala ng alcohol"

"That's not my problem anymore. Argh! Better leave now baka masampal pa kita eh" Bastos talaga eh. Wala talagang galang sa matatanda.  Umalis na si Manang, sumunod naman ako sa kanya kaso hinarangan ako ng bruha. Talagang inuubos niya ang pasensya ko ah. "San ka pupunta?"

"Sa impyerno. Ano sasama ka?"

"Hoy! Hindi ako nakikipagbiruan sayo ah" Bakas sa mukha niya na naiinis siya sa sinabi ko. HAHA, dapat lang. Kanina pa nga ako naiinis sa kanya eh. "Let me tell you this Dazelle. Don't you dare talk back again to our Mom. I mean mommy ko pala.. hindi k---" naputol siya dahil biglang sumulpot ang bruhang Nanay namin. Salubong ang kilay niyang nakatingin ng diretso sa kapatid ko. Bruhang kapatid rather. "M-Mom?" Halatang gulat siya.

I'm Into YouWhere stories live. Discover now