AIKEN POV
Pagkarating ko ng bahay, naabutan ko sa loob si Cassy nanunood ng Tv.
"Hi Kuya" bati niya sa'ken nang mapansin niya ang pagpasok ko.
Medyo gumagabi narin nang makauwi na ako dahil napasarap kasi ang kwentohan namin kanina sa tambayan, kaso palagi nila akong inaasar. Nakakabadtrip din si Matt nang binanggit niya yung pangalan ng ex ko. Naaalala ko lang kasi ang ginawa ng babaeng yun saken nuon.
"Are you okay?" nag-alalang tanong niya.
"A-Ahh.. Oo" mabilis na sagot ko. "Hello nga pala"
Ngumiti lang siya.
"Where's Mom?"
"She's not here, she's with Dad" sagot niya habang abalang-abala sa kakapindot ng phone niya. "Maybe later they're already here"
Sandali akong nagpahinga tsaka umakyat na sa kwarto at nagpalit ng damit. Matapos nun ay muli akong bumaba at dumiretso sa sala para manood ng Tv.
"How was your day Kuya?"
"It's good" tamad kong sagot. Good nalang kahit nababadtrip ako. "How about you?"
"Same" malamyang sagot niya ng hindi tumitingin saken.
Hindi na'ko nagsalita pa, ibinaling ko na ang atensyon ko sa Tv.
"Balita ko nag-cutting classes ka daw yesterday. Is it true?" gulat akong napatingin sa kanya. Pambihira! pano niya nalaman yun at sino naman kayang hinayupak ang nagsabi sa kanya. "Why aren't you answering Kuya?"
Shit! anong sasabihin ko? Pag umamin naman ako, alam kong isusumbong niya ko kay Mom. Lagot ako neto.
"Te-Teka lang. Sino namang nagsabi sayo ha?"
"Si Elaine. Uhm.. do you still remember her?" tanong niya. Umiling lang ako, di 'ko naman kasi kilala yun eh. Siguro nakalimotan ko lang. "She's one of my classmate before, when I was in grade 7"
"Bakit niya naman sinabi yon?"
"Totoo naman diba?"
"Hindi ah" pasinghal na sagot ko.
Tumawa naman siya ng malakas "C'mon.. stop denying Kuya, she saw you in their school "
Napalunok naman ako. Tangna! wala na'kong takas neto.
"I knew what you're thinking" natatawa pa rin niyang sabi "Dont worry Kuya, I won't tell Mom about this" Awtomatiko akong napatingin sa kanya at di maiwasang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong nakain neto? Eh gawain niyang magsumbong kay Mom kapag may ginawa akong kalokohan. "But I'm begging you, don't tell her too"
"Ha? About what?" nag-iwas siya ng tingin. Tss.. may mali eh. "Teka, may kalokohan ka bang ginawa kanina ha?"
Napakamot siya sa ulo niya at kinakabahang tumingin saken saka ngumiti ng peke. "Ehh...." bakas sa mukha niya na nagdadalawang isip siya na sabihin saken ang tinutukoy niya. "A-Ahh.. I've also.. c-cutting out in my class yesterday"
"Pero hanggang 12 lang naman eh"
Tsk! yun naman pala eh. Pero ano? Kelan pa natuto tong babaeng 'to na mag cutting sa klase? Haays, buti nalang talaga may deal kaming dalawa tsaka hindi na'ko aayaw pa.
"Okay Deal. Walang magsusumbong pero I'm warning you Cassy, huwag mo ng uulitin yun" umaliwalas naman ang mukha niya saka ako tinaguan. "Grade 8 ka pa lang tas marunong ka na sa mga bagay-bagay na yan"
"S-Sorry.. Hehe nagmana lang siguro ako sayo"
"Oo nga pala, anong dahilan mo para di'ka pumasok sa klase niyo ha?"
"It's none of your business Kuya.. tsaka hindi nga kita tinanong kung bakit nag-cutting ka rin eh" sabay pout. "Pero nagtataka lang talaga kung bakit napadpad ka sa school nila Elaine. Hmm, bakit kaya?"
"Haays! shut your mouth dahil nandito na sila" seryosong usal ko nang marinig kong may dumating na sasakyan sa labas. "Basta ang usapan natin ha"
Nag thumbs up lang siya sabay kindat.
-
DAZELLE POV
"Hey Ze.. wake up!"
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Napabalikwas ako nang ma-realize kong mukha ni Gleigh ang bumungad saken. Nakaupo siya sa tabi ko. Takte! Pano siya nakapasok dito?
"Finally! Gising ka na rin" masayang aniya. "Kanina pa 'ko dito, kaya pinakain ko na din ang anak mo habang tulog ka pa"
Bumangon na ako tsaka kinusot-kusot ang mata ko bago siya hinarap ulit. "Anong oras na ba ngayon?"
"It's already 8:36AM tas malapit ng mag 9"
SERIOUSLY? Mukhang napasarap ata ang tulog ko ngayon.
Lumapit ako sa manok ko.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"I went here para sabay na tayong umalis at ang sabi ni Lex hindi raw siya makakapunta dito. I don't even know what was his reason basta ang sabi niya hahabol siya satin" mahabang lantaya niya.
Excited lang ang peg?
"Talaga? Wala naman akong sinabing pumunta kayo dito ah"
"A-Ahh.. kahit na! Tsaka gusto ko lang namang sumabay sayo eh dahil ndi ko dinala ang sasakyan ko ngayon"
Marahan akong tumayo at huminto muna sa kakahimas ng manok ko bago siya hinarap. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa "Bakit ganyan ang suot mo?"
"What's wrong? ganda kaya ng outfit ko ngayon" pagmamalaki niya. Hays, at talagang proud pa siya ah? Daig pa yung niya ang mga babaeng sumasayaw sa bar dahil sa kasiksihan niya. "Oh anong klaseng tingin yan? Don't tell me hindi matutuloy ang sabungan ngayon?"
Hindi ko na siya sinagot.
"Uy Ze.. Ano na? sayang kaya tong oufit ko"
"Tsk! Pano ka ba nakapasok dito?"
Sumimangot naman siya dahil hindi ko sinagot ang tanong niya. "A-Ahh.. syempre dumaan ako sa pinto! tsaka pasalamat ka nga eh dahil kung hindi ako pumunta dito baka hindi kapa gising ngayon.. ede mahuhuli ka sa sabungan at namatay na siguro yang anak mo dahil sa gutom" isa lang ang tanong ko tas ang haba-haba na ng sagot niya. Pambihira!
"Kelan pa namatay ang manok kapag hindi nakakain ng ilang oras?" tugon ko. "Mas mauuna ka pa ngang mamatay kesa sa sakanya eh"
"Argh! Maligo kana nga dyan para makapag-ayos kana" inis na singhal niya. "Muntikan na nga akong hindi papasokin ng bruha mong kapatid eh tapos hindi ka man lang nagpapasalamat saken dahil sa kabutihan ko" banat pa niyang dagdag. Aba nagdadrama pa'to. HAHA. Pasalamat din siya dahil maganda ang gising ko ngayon kahit na binulabog niya ang tulog ko. Baka ano pang magawa ko sa kanya kapag wala ako sa mood lalo na't pumasok siya sa kwarto ko nang hindi nagpapaalam.
Pinalabas ko na siya ng kwarto at bago ako naligo, inuna ko muna ang manok ko.