GLEIGH POV"Tama na yan Gleigh"
Kahit maingay, rinig ko pa rin ang pag suway ni Lex saken pero hindi ako nagpatinag. Agad kong inimom ang alak na inabot saken ni Kurt, isa siyang sabungero. Actually kasamahan siya ni Ze.
"Hoy isa ka pa dyan" baling naman niya kay Ze pero hindi lang siya pinansin nito.
I am Shakira Gleigh Morales o mas kilalang Leigh/Gleigh. Ewan ko ba kay Mom at Dad kung bakit may 'g' pa. I'm already 17 years old. The end.
Kanina pa kami nag-iinoman dito sa palaging tinatambayan nina Ze. Pagkatapos kasi ng sabungan kanina, dumiretso na kami dito para magkasiyahan. Nakasanayan na kasi nila 'yon, syempre kasama din kami. Kahit mga sabungero't sabungera lang halos ang nandito. I think me and Lex were also belongs to them.
I knew some of this guys. Ilang beses ko na kasi silang nakakasama eh kapag sumasama kaming dalawa ni Lex kay Ze kung may darating na sabungan.
Nakilala lang naman naming dalawa si Ze. Walang kaming pasok nung gumala-gala kami ni Lex kahit saan kaya hindi namin namamalayan na napadpad na pala kami sa di pamilyar na lugar, ang ingay kasi nun kaya sinubokan naming lumapit doon.
~Flashback
"Wag na tayong tumuloy Gleigh"
"Why? I think it's more interesting" sagot ko kay Lex habang patuloy pa rin sa paglalakad. Then suddenly may nakita akong babae nakatayo sa labas, hindi ko alam kung anong ginagawa niya don. Siguro manonood siya o di kaya pulubi, halata kasi sa sarili niya eh pero napatingin ako sa hawak niya. Ohw! chicken ha. Paninda niya ba yun?
"Let's ask her oh" sabay nguso ni Lex don sa babae, napansin niya din pala.
"What are you talking about? Look at her para siyang baliw na pulubi dib--" hindi ako natapos dahil biglang napatingin samin yung girl pero agad din namang siyang nag-iwas. Gosh!
"Hala ka Gleigh narinig ka niya siguro"
"Wa-What's wrong? t-tsaka ang lakas naman ata ng p-pandinig niya"
"Wait lang" tsaka humakbang siya papalapit don sa babae.
Bago pa siya makalapit, hinawakan ko agad ang braso niya "What are you going to do?" pabulong kong tanong habang hindi inaalis ang paningin ko sa babae na abala na sa kakahimas ng manok niya.
"Kakausapin siya.." taas kilay niyang sagot at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. "Diba ikaw pa ang nagsabi na interesado ka kung anong nangyayari sa loob"
Wala na'kong nagawa dahil lumapit na siya don sa babae. "Hi" bati niya habang kumakaway. Bahagya akong napatawa dahil hindi man lang siya pinansin nung babae.
Lex raised an eyebrow while staring at me and his face shot a questioning gaze.
"What!?" pigil na tawang tanong ko.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?"
"Nakakatawa ka kasi" bulong ko nang makalapit na ako sa kanila. Nag-iba naman ang expression ng mukha niya. Alam kong naiinis na siya saken. "Oh? just relax, ako na kakausap sa kanya"
"Hindi naman na tayo maririnig eh, baka bingi yan" sa tono ng pananalita niya halatang naiinis siya. "Umuwi na lang tayo Gleigh"