Chapter 2

90 49 2
                                    


DAZELLE POV



"Loko ka talaga haha" Tawa ni Lex.

"Tapos? ano ang reaksyon niya?"

"Malamang nagulat" Walang ganang sagot ko.

Sinabi ko na sakanya yung nangyari kanina tungkol sa madaldal na ugok na nakausap ko, pero hindi naman by detail talaga. Kakatamad kaya magsalita, tsaka heto.. tanong parin ng tanong saken si Lex ngayon. Hindi talaga nakuntento sa mga kwento ko sa kanya kanina.

"Hanep ka rin ah. Ede napaniwala mo yun?"

"Di ako sigurado"

"Pero ano kayang ginagawa niya don?" Hindi ko na siya sinagot, diko naman kasi alam tsaka wala na'kong pake don. "Buti nalang hindi mo sinapak yun haha Ba't ba kasi nandon k--?"

"Natutulog nga.. paupit-ulit?" sarkastikong tugon ko. "Bwisit lang talaga, nagising tuloy ako dahil sa maingay na ugok nayun. Ang sarap na sana ng tulog ko"

"Haha pero baliw ka talaga ha, ano kamo? Anak ka ng may-ari ng school?" Tawang-tawa pang sabi niya. "P-Pero okay lang yan Ze.. hindi naman masamang mangarap eh"

Tss! Nagbibiro lang naman ako nun eh. Yun lang talaga ang naisip kong paraan para tumigil na yung ugok na yun sa kakadaldal. Bakit kaya napadpad yun dito sa school?



"Hindi siya pamilyar sakin"

"Pinagsasabi mo dyan?"

"Nakakasigurado ako na hindi siya nag-aaral dito" pagpapatuloy ko pa pero napabalik ako sa ulirat nang maramdaman kong binatukan na'ko ni Lex. Abay masakit yun ah. Nananadya ata tong bakla na to eh.

Binigyan ko lang siya ng nagtatanong na tingin.

"Lumilipad na naman kasi yang isip mo eh!" Taas kilay niyang sabi. "Sino ba kasi yang tinutukoy mong pamilyar sayo?" Ha? Dapat sa isip ko lang yun ah. Narinig niya ba? Tsk! bwisit na buhay to! Mukhang napapadalas na talaga tong ganito, yung di ko namamalayan na lumalabas na pala sa bibig ko yung nasa isip ko lang dapat.

"A-Ahh.. Sino pa ba?! Ede yung ugok--"

"Okay fine. Masyadong strong si ate"
Halos pabulong na yung huli niyang sinabi pero hello? rinig na rinig ko pa rin. "Pero ba't mo pala nasabing hindi yun taga dito? Eh sa laki ba naman ng school na to. Sigurado akong dito rin siya nag-aaral"

"Hindi nga!" pasinghal kong sabi. "Napansin ko kasi yung suot niya eh, iba yung logo na nakaprint dun" pilit kong inaalala kong anong desenyo ng logong yun. Hindi naman kasi ganon yung logo ng mga blouse namin dito eh. Kaya di yun taga rito, tsaka sabi ko pa nga kanina, hindi siya pamilyar saken.

"Wockkiee! sabi mo eh.. Hmm nga pala Ze nasan yung man---" naputol siya dahil dumating na ang prof. namin. Agad kaming umayos pati narin ang iba naming classmates na may kanya-kanyang mundo.



Mabilis natapos ang klase niya. Sumunod naman kaagad ang pang huli naming subject. Nakinig lang ako nang magsimula na siyang mag-discuss.
Inaantok na tuloy ako, ang boring naman kasi ng klase niya eh. Bagot na bagot na talaga ako na matapos na ang klase niya.

Ang totoo, wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi niya. All I have to do now is to pretend na hindi ako inaantok at naiintindihan ko siya. Tamang sabay lang sa mga kaklase kapag sumasang-ayon sila sa sinasabi niya.




Nang marinig ko ang bell, mabilis akong tumayo at naglakad na palabas ng room. Sa wakas!

"Hoy! Intayin mo naman ako" rinig kong sigaw ni Lex mula sa likod at saka sumabay agad saking maglakad nang maabutan na niya ako. "Grabe ka talaga. Palagi mo nalang akong iniiwan. Anong klaseng kaibigan ka ha!?" yan na naman siya sa linyang yan.

Napabuntong-hininga na lang ako at dire-diretso lang sa paglalakad. Hindi ko na siya sinagot.


"Teka, nasan nga pala yung pinakamamahal mong anak Ze?"

'Kung alam mo lang, kaya ako nagmamadali ngayon dahil gusto ko na siyang makita.

"A-Ahh.. pinadala ko muna kay Austine, kaya bilisan mo dyan kelangan kong kunin yun. Baka ano na ang ginawa niya don" sagot ko at binilisan ko pa ang paglalakad. Nag-alala talaga ako, baka kasi may kalokohan na namang ginawa si Austine sa alaga ko.

"Uy! Intayin mo naman ako Ze"

"Bilisan mo kasi"

"Aysus! masyadong praning si ate oh. Haha. Ba't mo pinadala kay Austine kung wala ka naman palang sapat na tiwala sa kanya?" 'di ko na siya sinagot. Daming dada.

Nang makalabas na kami ng gate. Agad kong pinaandar ang motor ko. Si Lex naman ay kaagad ding sumakay. Napasigaw siya sa likod ko.



"HOY ZE! PWEDE BANG WAG MASYADONG MABILIS. HAYSS JUSMEYUU.. AYOKO PANG MAMATAY NO!" Kahit kelan talaga tong baklang to, palagi na lang siyang nagrereklamo. Ilang beses na siyang sumasakay netong motor ko hindi parin siya nasanay na ganito ako magpatakbo ng motor. Bala na' kung mabangga, at least dalawa kami. Edi may karamay na'ko pag mamatay man ako. "KUNG NANDITO LANG TALAGA SI GLEIGH, NAKU! HINDING-HINDI TALAGA AKO SASAKAY DITO SA MOTOR MO"

Si Gleigh? Tss.. wala na'kong balita sa babaeng yun. Hindi man lang nag text o tumawag samin kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko rin alam kung kelan siya babalik. Mag to-two weeks na kasi siyang hindi pumapasok eh.

"Ayon si Austine oh" turo ni Lex nang makababa na kaming dalawa sa motor. Lumapit na kami sa kinaroroonan niya.

"Oh Ze.. nandito kana pala" bungad niya nang makalapit na kami sa kanya. Binati naman kami ng mga kasamahan niya.

"Nasan na?" tanong ko, mukhang na gets niya naman kung anong tinutukoy ko.

"Ayon oh" Sabay nguso niya sa maliit na kulungan. Tinanguan ko lang siya at akmang lalapit na. "Nga pala. May sabungan bukas Ze. Tiyak mananalo na naman yang alaga mo" pahabol niya. Tinanguan ko lang siya ulit at nagpatuloy na sa paglalakad. Binuksan ko agad ang kulungan tapos kinuha na ang manok ko.

"Mauna na kami" sabi ko nang makabalik na'ko sa gawi nila. " Lex tara na"

"Pano na yan guys. Alis na kami" paalam niya sa mga kasamahan ni Austine saka lumapit na saken "Lets go"

Umalis na kami sa lugar nayon.

"Balita ko may sabungan bukas?" biglang tanong ni Lex nang makababa na siya sa motor ko. Hinatid ko pa kasi siya sa bahay nila eh. "Pano na yan? mag cu-cutting classes kana naman?"

"Eh ano pa nga ba"

"Hays. Dami mo ng absent et.. baka ma drop out ka nyan?" sus wala akong pakialam.

"Tsk! Ede wow"

"Kahit kailan talaga, hindi ka pa rin nagtitino"

"Kaya wag mo 'kong gagayahin" natatawang usal ko.

"Why the hell would I do that?" maarteng tanong niya.

Bumuntong hininga nalang ako "Sige alis na'ko"

"Okay salamat sa paghatid ah" nakangusong tugon niya "Ba-bye" baling niya sa hawak kong manok. Natawa tuloy ako.



Pinaandar ko na ang motor ko at umuwi na.



I'm Into YouWhere stories live. Discover now