"Oh? bakit dito tayo huminto?" tanong ni Gleigh nang itinigil ko ang motor ko sa tapat ng lumang waiting shed na gawa lang sa tabla. Agad naman siyang bumaba sa motor ko. Hindi ko na siya sinagot, kinuha ko lang sakanya ang manok ko at lumapit na sa waiting shed tas umupo na."Anong gagawin natin dito?"
"Tatambay"
"What! Ano ka ba Ze, anong oras na oh baka mahuli tayo sa sabungan"
"Hinihintay ko pa siya" tamad na sagot ko.
"S-Sino? si Lex ba? tss, I already told yo--"
"Yung crush mo" singit ko. Halatang gulat siya. Na-gets niya siguro kung sino ang tinutukoy ko. Natawa nalang ako dahil sa mukha niya, para kasing kamatis eh dahil sa pula neto.
Agad niya 'kong hinampas. "E-Ex na k-kaya" uutal-utal niyang sabi. Sus! Yan naman palagi ang sinasabi niya eh. Ex na daw pero halata namang nagsisinungaling. Alam kong may gusto parin siya kay Austine. Kitang-kita ko na kumikislap ang mga mata niya sa tuwing nakakaharap namin yung lalakeng yun. Nag-dedeny lang siya para tigilan na namin siya ni Lex sa pang-aasar.
Hindi ko nga rin in-expect eh, na magkakagusto pala siya sa lalakeng yun. Siguro unti-unti siyang nahuhulog kay Austine dahil sa tuwing napapadalas ang pagsasama-sama namin. Sumasama kasi silang dalawa ni Lex saken kapag may darating na sabungan at kung pupunta ako ng tambayan naming mga sabungera't-sabungero.
"Ayan na siya oh" agad naman siyang napatingin sa nginuso ko.
"Wala naman eh"
"Tamo na.. ex na daw pero maka--"
"Shut up!" singit niya. Sa tono pa lang ng pananalita niya halatang naiiririta na siya. Fine! tatahimik na ako baka kasi mas lalo siyang ma badtrip eh. For sure uuwi to.
Mag-aalas nuybe na pero wala parin si Austine. Gagong yun antagal-tagal.
Haays.. na-miss ko tong tambayan na 'to. Itong waiting shed na ito ang madalas na tinatambayan ko kapag wala akong magawa sa bahay. Minsan din kasama ko sila Austine at mga kasamahan pa niya. Barkada na rin ang turing ko sakanila.
Dito kami nagbabahanginan ng mga kuro-kuro at kwentohang walang katapusan. Mga naging karanasan namin sa pagiging sabungero't-sabungera. Hindi rin mawawala ang yabangan at kalokohan at syempre ang tawanang halos wala ng bukas. Kapag maraming nakatambay dito siguradong napakaingay at napakasaya ng mga tao kaso kaunti lang kami na andito ngayon.
May dala din silang manok, halatang sasali at manood sila sa sabungan. Medyo may kaedaran na rin ang iba at may katulad din naming kabataan, pamilyar sakin ang iba dahil madalang ko silang nakikita kapag may sabungan.
Nakinig lang ako sa kwentuhan nila at dahil sa pamilyar saken ang iba, nakisali na rin ako paminsan-minsan. Oh diba? joiner lang ang peg. HAHA!
Napansin ko rin na nakikinig din si Gleigh. Alam kong naiintindihan din niya ang pinag-uusapan namin tungkol sa manok kahit hindi siya nakakarelate, gets niya ang rin naman ang iba dahil nga sa panonood niya ng sabong kapag may darating na sabungan.
Sa ngayon pinag-usapan naman nila kung ilang beses nanalo at natumba ang mga alaga nila. Hindi ko rin maiwasang hindi matawa dahil sa sinabi ng isa sa kanila. Nang isabak na raw kasi ang alaga niyang manok, aba'y tumakbo palayo kaya ayun nawala daw. Haha taena! baka naduduwag.
Pinag-usapan na naman nila ang ibang detalye tungkol sa sabong ng manok. Magmula sa lahi neto kung ano ang pinagmulan nila, sa palo neto, sa gamot na ipinapainom nila kapag sinisipon ang manok, sa kulay at balahibo, sa tamang pagputol nila ng mga tapay sa ulo , syempre sa tamang pag-aalaga din gaya kung pano ito pakainin o kung ano ang dapat ipakain, pati sa tamang pagkokondisyon din, sa pagtatari at sa gamot na kailangang iturok bago isasabak sa labanan pero wala ako nun, di'ko tinuturukan tong alaga ko.
Maya-maya lang ay dumating na rin si Austine kasama si Jasper na isa sa mga kasamahan namin sa tambayan. Bitbit-bitbit nila ang kanilang manok.
"Hi Gleigh" sabay nilang bati ni Jasper. Nginitian lang sila ni Gleigh bilang tugon niya saka bumaling na saken si Jasper "At hi Idol"
"Tss"
"Pasensya na't napag-intay ko kayo ng matagal ah" sabi ni Austine tsaka sandali lang ay lumapit na saken. "Di na mauulit Ze.." malambing na bulong niya saken. Gawain niya talaga ang bigla-biglaang pagbulong saken. Tsk.
Agad ko siyang tinulak baka kasi makita kami ni Gleigh, buti nalang busy siya sa kakahimas ng manok na bitbit ni Jasper habang nag-uusap sila. Aysus! Gusto niya lang namang iwasan tong krass niya haha, siguro namumula na naman mga pisngi niya.
Tumawa lang si Austine.
"Kahit kelan talaga palagi mo nalang akong tinutulak palayo" nakangusong sabi niya. Pinagsasabi neto? Bakit parang may iba siyang tinutukoy sa sinabi niya?
Hays, sabagay palagi ko nga naman siyang tinutulak sa tuwing bumubulong siya saken. Bwisit kasi eh dahil kelangan pa niyang sabihin ng malambing na paraan.
"Ahh.. nasan nga pala si Alex?"
"Susunod lang daw siya"
"Ganon ba? Hehe.. K-Kumain kana ba?"
"Pati ba naman yun tatanongin mo? tsk" salubong na kilay kong tanong. Hindi siya kaagad nakasagot.
"A-Ahh.. syempre baka kasi gutomin ka eh"
"Nakalimotan mo na ba?"
"Syempre hindi, ikaw pa" ngumisi na naman siya. Alam niya kasi na hindi ako kumakain sa tuwing umaga, itutulad kasi nila ako na kumakain ng pan o kanin. Tss! Hindi naman talaga ako nagugutom eh tsaka nakasanayan ko na na kape lang ang iniinom ko. "Pero kahit sanay ka na Ze makakaramdam ka pa rin ng gutom"
"Syempre naman noh tao pa rin kaya ako. Gago talaga." tumawa lang siya.
"Yun naman pala eh, tara bumili muna tayo"
Hays. Daming sinasabi ng lalakeng to.
"Wag na, tsaka pwede ba umalis ka na sa harapan ko? Baka ano pang magawa ko sayo eh"Napailing lang siya tsaka tumatawa at agad bumaling sa iba naming kasamahan na nakatambay. "Magandang umaga po" bati niya. Kilala niya kasi halos ang mga ito. Ayun, nakikipagdaldalan ang gago.