Chapter 4

58 49 0
                                    

AIKEN POV



"Hindi mo kasi sinama eh" reklamo ni Raiven.

Sumang-ayon naman kaagad si Lance.

"Oo nga"

Andito ako ngayon sa tambayan. Kasama tong mga kaibigan ko. Kakatapos lang kasi nang klase namin ngayong araw eh. Nag-inoman lang kami dito pero kaunti lang naman ang ininom ko.

Tinatanong lang nila ako tungkol sa kung anong ganap kahapon nung pumunta ako sa Laforteza University para i-meet ang kachat ko at syempre una kong kweninto sa kanila ang tungkol don sa baliw na babaeng nakausap ko.

"Haha paano na yan Tol? Baka hindi kana makapasok ulit sa school na yun" tatawa-tawang sabi ulit ni Lance.

"Oo nga tsaka malaking kahihiyan yung ginawa mo ah" nakangising banat ni Raiven.

"Anong malaki? Tsk. Imposible naman talaga na anak siya ng may-ari, sa itsura niyang yun" nakangising tugon ko. Gusto kong matawa dahil naaalala ko na naman ang hitsura ng baliw na yun.

"Pero grabe ah may dala-dala talagang manok?" di makapaniwalang tanong ni Lance. "Ang astig nun ah"

"Anong astig don? Nagmumukha nga siyang baliw sa kakadala ng manok eh. Idagdag mo pa ang hitsura niya" pasinghal na sabi ko.

"Baka naman paninda niya yun" si Raiven.

"Ang astig kaya nun diba Matt?" Baling niya kay Jairus na nakaupo sa sulok habang busy sa kabutingting ng cellphone niya. Tumango lang siya. Tsk! Kahit kelan talaga tong lalakeng to. Alam kong nakikinig siya samin pero wala ba siyang balak magsalita kahit konti?

Hays sabagay, siya kasi yung tipong minsan lang nakikisali sa usapan namin. Magsasalita lang kasi siya kapag gusto niya. Hindi ko nga alam eh kung bakit naging kaibigan namin to, napakamisteryoso niya kasi. Naging ganyan lang siya simula nung binasted siya ng ate ni Lance haha hindi kasi marunong man diskarte eh.

Sanay na kami sa kanya at sa ugali niya. Medyo matured na siyang mag-isip saming apat eh tas matanda pa siya saming apat na magbabarkada. Kaka 19 niya pa lang niya nung nakaraang buwan. Sabi niya college na dapat siya ngayon pero according to him, naka-stop daw siya ng dalawang beses dahil sa nangyaring aksidente ng pamilya nila. I don't know what kind of accident is  kasi hindi niya naman sinabi sa'min.

Si Lance naman yung mas bata pa samin, 16 pa kasi siya pero hindi ko sinasabing matanda na ako ha 17 pa kaya ako same age lang kami ni Raiven. Si Lance kasi yung tipong tao na mahilig mang-asar, maaalahanin, at syempre gwapo. Wala kayang panget sa'ming apat pero mas lamang ang kagwapohan ko sa kanilang apat. Artistahin kaya to, kaya nga maraming nagkakandarapang babae eh. Si Raiven naman, siya yung palagi kong nakakasundo pagdating sa mga chiks pero siya yung pinakamalakas mang-asar.

"Ken!"

Natauhan ako nang marinig ko yun.

"H-Ha?"

"Change topic tayo" ngising usal ni Raiven. "So ano na tol? Nagkita na ba kayo nung chicks mo?"

Bumuntong hininga ako saka tumingin sa malayo at pilit inaalala ang mukha ng ka-met ko kahapon. Hindi ko alam na mas maganda pa talaga siya sa personal.

Napangiti nalang ako ng wala sa oras.

"Ayt! nababakla na" rinig kong pagtawa na sabi ni Lance kaya napabalik ako sa huwisyo.

"Ngiting tagumapay haha" sambit ni Raiven. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Oo nagkita kami. Ang ganda niya nga eh"

I'm Into YouWhere stories live. Discover now