Chapter 1
KuyaAno ngaba ang mas masakit, ang husgahan ka dahil sa isang pagkakamali? O ang mahulog ka, kahit alam mong mali? For me; It's not wrong to fall in love, just beware of the difference between love and lust.
"Crist." Napaangat ako ng tingin ng marinig ang buo at ma-awtoridad na boses ni papa.
"Po?"
"Papa will attend a one week business seminar abroad with your mama."
Napasimangot ako sa kalagitnaan palang ng anunsiyo ni papa.
"Na naman?" Napanguso ako. Hmnp! Naiinip na talaga akong palaging naiiwan sa malaking bahay na 'to!
"Don't be sad baby..."
I groaned in disbelief. "Pa, I'm not a baby anymore! I'm fifteen now."
Papa chuckled. "Okay, anyway toddler." Mas nakakaasar niyang dagdag.
"Pa!. Seriously, can I come please.." Nag puppy eyes ako, trying to convince him so bad.
"Honey, kahit nando'n ka hindi ka parin namin mababantayan ng mama mo, magiging busy kami sa buong linggo anak."
Mas lalo akong nalungkot. lagi nalang talaga akong naiiwan, napayuko ako dala na rin ng pagdaramdam.
"But... I have a good news honey." Nagliwanag ang mukha ko ng iangat ito kay papa. Is there a chance na hindi ako ma bored sa buong linggo na wala sila?
"I'm so bored here Pa. Sana naman good news talaga 'yan."
Papa smiled at me amusingly. "hindi ka namin iiwan dito sa bahay." Mas lalong nagliwanag ang mukha ko, nagagalak.
"Saan po?" Masigla kong tanong.
"In Trinidad's mansion."
"Ha?" Medyo tumagilid ang ngiti ko sa sinasabing good news ni papa.
"It's a good timing, dahil semestrial break din ng kuya Morris mo ngayon."
Yeah, right! That's it! Yo'ng masungit na 'yon! paano ko naman ma e-enjoy ang one week vacation kung siya kasama ko? e, mas cold pa 'yon sa yelo. I sigh.
"Hey what's wrong? Aren't you happy about it?" Puna ni papa sa sandaling pagka tulala ko.
"He's so masungit, at 'tsaka he always gets angry easily." Nakaka-intimidate pa. gusto kong idagdag.
"Hindi ka ma bo-bored doon hija, new environment! That's what you like right?." Pilit akong ngumisi, wala rin naman yata akong pagpipilian e.
Kuya Morris is not that bad! strikto lang talaga siya, masungit, at minsan lang din kung ngumiti. his mother is my mama's best friend, they were business partners too. They have bakeries with different branches in Mindanao and manila. actually, umabot narin sila abroad At sa mga karatig na lungsod. city and provinces! Ang orihinal na negosyo talaga ng parents ko ay hotels and restaurants! samantalang may pagawaan naman ng plastic wares and clothing line company ang parents ni kuya Morris. I'm 15 while kuya Morris is 21years old. Nasa grade nine na ako sa taong ito, college naman siya, related in business ang kinuha nitong kurso. minsan naiisip ko, masyadong malayo ang age gap namin kaya hindi kami masyadong magkasundo, mas close ko pa nga 'yong anak ng katulong nila e, and besides lalaki din kasi siya kaya 'di niya ako feel. Hindi naman talaga literal na hindi kami magkasundo! it's just that... makulit ako, pala-kaibigan at madaldal, snob at walang paki sa mundo naman siya, kaya gano'n. And I got this feeling, na parang ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya. minsan nga naiisip ko baka ayaw niya talaga, pero paano naman 'yon? Pagagalitan din ako ni papa pag Morris lang ang itawag ko sa kanya. sa huli, binabalewala ko nalang.
BINABASA MO ANG
Accidental Habits
General Fiction____Synopsis____ VIVIENNE CRIST GO is trying to scape in any best way she can! She's having a hard time fixing her scandalous problem caused by her own carelessness. Can she wrench herself free from the rough, dominant and dangerously hot Bachelor...