Chapter 7
Modeling"In my view, teenage boys are perpetually horny!"
"What the hell?" Bulalas ni Jessica sa opinyon ko.
She's asking me why I don't have crushes In our campus, habang tumatambay kami sa gymnasium ng Montreal University.
"Seryuso ba? Kaya ayaw mo munang magka boyfriend dahil sa pananaw Mong 'yan?" Namamangha niyang dagdag.
I smirked. Mabuti na ngang gano'n ang isipin niya. Nungkang isiwalat ko sa kanya na napakataas nang standards ko. At ka-level 'yon ni kuya Morris.
"Books before boys Jessica. Hindi naman siguro tayo mauubusan 'di ba?" She just made a pace.
Palapit na naman ang end of school year. Parang kailan lang kakasali ko pa sa pageant for the first time. Next month ako naman ang mag-tu-turn-over ng korona sa bagong mananalo.
"Alam mo senyorita, Edward is a good catch."
Napabaling ako kay Jessica. Nakatanaw siya sa hallway papuntang senior building kung saan namataan kong naglalakad si Edward. Habang pinagmamasdan ko ang paglalakad ni Edward habang kausap ang isa sa classmates namin ay nahagip ng paningin ko ang trio na naglalakad sa likod nang grupo nila Edward. Kunot-noo kong muling binalingan si Jessica.
Yeah, right! I knew it!
"And Randolph is a good catch too," Napasinghap siya. At agad iniwas ang tingin sa hallway.
"No he's not!" She said half-heartedly.
"Hindi mo ba talaga eku-kwento?" Subok ko.
I'm really curious about what happened to them... but if she's still not ready to share it with me. I'll respect it!
"There are stories that is better to be untold!" Makahulugan niyang pahayag.
Nagkibit balikat ako. Katatapos lang nang last subject namin at dahil maaga naman kaming dinis-miss, nagpasya kaming tumambay muna dito sa gymnasium.
"Look who's here?..."
Sabay kaming napaangat ng tingin ni Jessica sa kakarating lang na grupo nina Ericka sa puwesto namin. She's wearing a disgust looked on her face again.
"Hi there, losers!" Mataray niyang englis.
Tumuwid ng upo si Jessica sa tabi ko. Napabaling naman ako sa kanya.
"Losers? Kung hinahanap mo sila, manalamin ka! At isama mo 'yang mga alipores mo." Nakataas ang kilay na tugon ni Jessica.
Napailing ako. Here they go again... Mababanaag ang pagkairita sa mukha ni Ericka.
"Wow! Trabaho nga naman nang alalay... shielding her amo," sabay buntot niya nang halakhak na sinabayan ng mga kasama niya.
This is going to be hopeless again. Hinawakan ko ang kamay ni Jessica at pilit hinila paalis sa gymnasium. I know her temper. Hindi siya 'yong tipong uupo at makikinig lang, sanay siya sa basag ulo.
"Let's go home Jessica." Naiiling kong pahayag.
Nagpahila naman siya, ngunit bago 'yon. Hinagod muna niya nang nakakaasar na tingin ang kabuoan ni Ericka. I almost roll my eyes when she flipped her hair at tumama ito sa mukha ni Ericka.
"You bitch!"
Naririnig ko pa ang nanggagalaiting sigaw ni Ericka habang tawa ng tawa si Jessica at pilit akong hinihila patakbo. Dam girl! Ayaw niya talagang nakakaisa si Ericka sa kanya. Halata naman ang sindak ni Ericka, kaya lang pinaninindigan niya ang pagiging Reyna nang mga maldita.
BINABASA MO ANG
Accidental Habits
General Fiction____Synopsis____ VIVIENNE CRIST GO is trying to scape in any best way she can! She's having a hard time fixing her scandalous problem caused by her own carelessness. Can she wrench herself free from the rough, dominant and dangerously hot Bachelor...