Chapter 6

16 2 0
                                    

Chapter 6
Favor

Nag celebrate kami kinabukasan sa bahay, at S'yempre, dahil wala naman akong circle of friends na matatawag well, ang trio... they're all boys anyway! Kami lang nila mama, ang mga Trinidad, kasama si Jessica. Sinulit nalang nila mama ang panahon dahil kinabukasan rin agad, bum'yahe sila abroad kasama ulit ang parents ni kuya Morris.

Naging usap-usapan ang pagkapanalo ko, marami ang tumanggap at kasama kong nagbunyi. Ngunit marami rin ang nairita, at hindi tanggap ang pagkapanalo ko. Kesyo... hindi deserving, hindi bagay sa title! Wala naman talent! But then again, I'll only sighed heavily. It's been years that I'm living with their prejudice! Wala namang bago. Alam ko naman sa sarili kong wala akong tinatapakan na kahit sino. It's just that... I think I'm really born to be hated by others! To be an unwilling treat!

Mabilis ang ikot ng orasan, hanggang sa dumating na nga ang graduation! I received an award, with-honors nga lang! But still, I made my parents proud because of my achievements. Kuya Morris celebrates his graduation in manila too. And Jessica is with me now! Na-transfer narin siya ng parents ko sa Montreal University. I'm so happy...

"Grabe senyorita, kawawa ka pala pag wala ang parents mo." Puna ni Jessica isang hapon na tumambay kami sa garden malapit sa pool.

"Why?" Kunot noo kong tanong. Kahit pa, obvious naman kung bakit.

"Ang tahimik ng bahay! Aanhin mo nga naman ang lahat ng ito, o kahit anong materyal na bagay kong lagi kang naiiwan."

Natahimik ako at Napaisip. I'm immune to that! Pero mas nakakalungkot pala kong may ibang makapuna no'n! I smile at her to hide my real emotions. Kung hindi lang siguro malawak ang pang-unawa ko, Malamang nagbulakbol na ako, O napariwara dahil lage namang wala ang parents ko. But I'm not like that! Kaya e-ngingiti ko nalang kahit pa minsan ay may pinagdadaanan akong gusto kong ma aware din sila mama at papa. It's just so hard to be the second priority though, only child lang naman ako. Ipinilig ko ang ulo.

"But you're here now!" Nakangiti kong tugon sa kaibigan.

Ngumisi rin siya.

Life is easy and fun! Most specially, when there's someone you can always talked to... someone that's always to the rescue, mapa-trouble man O kahit sa maliliit na bagay, na kailangan mo nang karamay.

Grade 10 sucks! Akala ko magmamature halos ang lahat ng kalevel ko, kasama na roon si Ericka. Pero parang mas lumala siya. Nawala nga si Liezel Ramos dahil graduate na ito, subalit muli namang bumalik ang pagiging kontrabida ni Ericka sa buhay ko. S'yempre Jessica always depend me, from her harmful words and fatal accusations! Minsan nga, nagkainitan sa cafeteria at talagang nagsabunutan ang dalawa. that's how guarded I am with just Jessica's presence. mula noon medyo nakitaan ko nang takot ang mga mata ni Ericka, but she's unstoppable! Gumagawa parin siya nang paraan para masira ako. I have a hint about her undying anger towards me, sa simula palang.

Hindi katulad noon, kasama na namin sa iisang section si Edward ngayong taon. And I really hate it when Ericka got jealous for no valid reason! Konting lapit lang ni Edward, may issue na agad kami Kinabukasan. Hindi ko alam kong pinapaasa ba siya ng huli, O sadyang assuming lang siya! Napapailing nalang ako sa hangin. I Don't have time for puppy loves anyway! Pero kahit isigaw ko pa 'yon sa buong campus magiging banyaga lang yun sa mga makikitid ang utak na kagaya niya.

Paminsan-minsan ay sumasabay parin sa amin ni Jessica ang trio pero simula no'ng Ma-issue si Jessica kay Randolph sa kasagsagan ng first grading, ay dumalang na ang pagsama nila sa amin. Kalagitnaan ng school year nang biglang lumipat ng section ang trio. Nasa pang apat na section na sila. I want to ask Jessica about it, pero mailap rin siya. I don't know what exactly happened between the two of them! Kasama ko naman lagi si Jessica, but of course may mga oras rin na may lakad siya mag-isa. Sumasagi rin sa isip ko na baka umiwas ang trio dahil sa isyung may affair umano ang dalawa. But that issues remained mysterious! Nalaman ko kasi sa president ng section namin na ang trio mismo ang nagpumilit na lumipat sa section 4 kahit matataas naman ang mga grades nila! They're all influential too, kaya hindi mahirap ang paglipat. Sa huli, pinipilig ko nalang ang ulo. We're still friends anyway!

Accidental HabitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon