Chapter 2
Mysterious electricityMy vacation in Trinidad's mansion is quite amazing! Well, because of Jessica's company. New year is coming tapos na ang December break and March will the school year closing. I'm excited about next school year, napapayag ko na kasi ang nanay ni Jessica na sa'min nalang siya mag-working student, I'm so happy about it! Nasabi ko narin kasi kay mama ang plano ko. Well, mawawala ba naman 'yong pangaral niya, of course binalaan ako ng bongga kagabi.
"Wag na wag ko lang mababalitaan na naglalakwartsa kayo CRIST! E-ho-home schooling talaga kita."
My god! Si mama talaga, para naman akong masamang anak kong makapangaral.
"Miss Go?"
Napapitlag ako ng maramdaman ang kalabit sa tagiliran ko, masama kong tinapunan ng tingin ang katabi kong si alex.
"Hey.. I'm just pulling you from your reverie." Nakangisi niyang tugon.
"Miss Go?"
Napabaling ako sa harap. Oh my.god! Ang nakakunot noong adviser ko ang bumungad sa'kin. Napakurap ako.
"M-ma'am?"
"Seems like you're not listening."
Umingay ang classroom dahil sa bulong-bulongan, napakagat-labi ako. What the hell is happening?
"I'm asking you, kong handa ka na ba sa nalalapit na opening ng foundation day?"
Napataas ang kilay ko. Why is she asking like I'm the only students here? "Bakit po ma'am?"
"You're the class muse nakalimutan mo ba na ikaw ang magre-represent sa section natin?"
Oh' shooot! "Ahmn, I'm sorry ma'am." Nakayuko kong paumanhin.
"Well... so, willing ka pa bang ere-present ang section natin sa pageant?"
Matagal akong napatitig sa mukha ng aming guro, bakit 'di sumagi sa isip ko na darating ang araw na 'to! Shit! I hate pageants!
"Ma'am puwede naman pong si Ericka ang magre-present sa section natin." Singit ng kaklase kong babae.
"Ericka is the class president, and besides nakasali na siya last month, we need a new face!"
"But ma'am Ericka is beautiful!"
"I'm not saying that she's not beautiful, are you even listening miss Castillo?" Medyo iritadong pahayag ng guro.
Natahimik si Nathalie, ang new best friend ni Ericka. Ericka used to be my best friend, few months ago. Siya ang una kong naging kaibigan ng magsimula ang pasukan no'ng July! Kaya ko naman siyang pakisamahan, kahit may kagaspamgan ang ugali niya, may pagka-bully rin! Maganda ang Turing niya sa'kin sa nakalipas na buwan, nagbago lang ito ng kumalat ang chismis na ako daw ang nililigawan ng crush niyang si Edward na nasa kabilang section, of course it wasn't true! One thing that I hate about her, is for being so competitive sa lahat ng bagay! from things to looks na minsan ay wala na sa lugar. Now she treated me like I'm her best enemy! Masyadong tragic ang ending ng friendship namin, yo'ng bang tipong nagising ka nalang isang umaga na 'di kana pala niya gusto.
"What if hindi siya sasali ma'am?" Hindi na napigilang sabat ni Ericka.
"Anyway, you can still think about it till Friday miss Go! Hindi naman kita mapipilit kong ayaw mo. But, may plus points ito sa lahat ng subjects kong sasali ka, Remember, muse ka pa naman!"
Isang kiming tango lang ang ginawad ko sa guro. Hindi ko rin naman kasi napaghandaan ito! Pageant? Seriously!.
Yun parin ang laman ng isip ko kahit no'ng recess time. Sumabay ako sa mga kaklase kong lalaki, wala rin naman akong kaibigan na babae sa school, puro kasi alepores ni Ericka ang mga babae dito. Kahit higher levels natatakot sa kamalditahan niya. She's wealthy also, may lending business ang parents niya at supplier din ng mga gamit sa paggawa ng mga buildings, like cements and etc.
BINABASA MO ANG
Accidental Habits
General Fiction____Synopsis____ VIVIENNE CRIST GO is trying to scape in any best way she can! She's having a hard time fixing her scandalous problem caused by her own carelessness. Can she wrench herself free from the rough, dominant and dangerously hot Bachelor...