-I-

152 13 2
                                    

MAPASOK-I


Nag-unat unat si Archer John nang humarap ito sa life sized mirror. Ramdam niya ang matinding pagod sa ilang oras na hindi siya gumagalaw  dahil sa posisyong hinihingi ng mga sketch artist. 

Hindi pa siya nakabihis.

Nakabalandra pa ang kanyang hubo't hubad na katawan--kahit marami pa ang natitirang sketch artist sa loob ng nasabing silid. Ayaw ng kumapit ang hiya sa kanyang pagkatao. Hindi sa sanay siya  sa uri ng kanyang trabaho pero sadyang nagbago lang ang kanyang pananaw sa mundo na kanyang ginagawalan. Nudity is an art. Obra ng  totoong pagkatao.

Marahil pagrerebelde rin ang nag-udyok  sa kanya para pasukin  ang maging isang nude model. Ayaw lang niyang tanggapin sa sarili na malaki ang factor sa nagawang desisyon, out of his rebellious heart.

Nudity is an art of self expression to promote individualism. Kaso, sa ginawa niya ngayon na daig pa ang porn star  sa kanyang ginagawa kahit walang body contact  sa iba.  Oo nga't  simpleng pag-pose lang ng ilang oras ay pera na katapat. Ngunit, kung minsan tila sumusobra na si Archer John. Walang inuurangan. Kahit makita pa ang kanyang maselang bahagi ng katawan. Para sa kanya, repleksyon sa kanyang katawan at pagmumukha ang makikita sa larawang iguguhit o  interpretasyon lang ng artist ang maging outcomes sa painting.

"John, heto pala ang bayad sa 3 hours session natin ngayon," sambit ni Darwin, sabay abot sa limang pirasong nakalumbabang si Ninoy.

Pangiting hinarap ni Archer John si Darwin, ang madalas nag-organize ng nude painting. Bakas na sa mukha na nasa midst thirty ito. Simple lang ang pananamit ni Darwin. Tila sanay na si Darwin na makita ang katawan ni Archer John, hindi nababakas sa pagmumukha ang pagkaasiwa. Nudity for the sakes of an art lang talaga, at walang halong kalaswaan.

"Thank you, sir Darwin," wika ni Archer John. Tila nakaplaster na sa pisngi ang ngiti dahil hindi nabubura kahit ramdam ang matinding pagod.

"Sa susunod ulit."

"It's my pleasure sir, maging parte sa painting session niyo."

" Tatawag na lang ako kung kailan ulit." Tumapik pa sa balikat ni Archer John si Darwin bago bumalik sa kanyang ginuhit.

" Sige po."


Dinampot ni Archer John ang underwear, short at t-shirt niya  na nakalapag sa sofa habang pasimpleng tinitingnan ang messenger ng kanyang cellphone. Napansin niyang maraming messages.

"Kuzz,  masyadong masagwa  ang nilagay mong picture sa Myday nyo."
"Wat da fuck!"
"Porn star ka na ba?"

Galing kay Erica Samonte ang message. Napangiti na lang si Archer John habang tinitingnan  ang reactions at private messages ng mga Facebook friends niya dahil sa pinost niyang totally naked pero secure naman ang kanyang ari sa kanyang Myday dahil nilagyan ng fiery emoticons.

Kuzztantin Bonifacio pala siya sa dummy world ng facebook. Hiram na pangalan. Hiram na facebook account.

 Nang nilipat ni Archer John ang kanyang facebook account sa Archer John Mercampo, agad nabura ang ngiti sa kanyang pisngi. Sumilay ang nilalaban niyang kalungkutan.

 Hindi pa rin  tumutugon si Celine Diera sa kanyang message. 

"Hon, kumusta na?"

"Ano bang nangyari at hindi ka nagparamdam?"

"Iniiwasan mo ba ako?"

Paulit-ulit na lang ang  tinitipang mensahe ni Archer John pero hindi man lang nag-abalang mag-reply si Celine.

Nakaka-praning.

Daming tanong sa kanyang utak na naghahanap ng kasagutan. Kahit marami ang babaeng nakipagkulitan sa kanya sa dummy account niyang si Kuzztantin Bonifacio pero hinahanap pa rin niya si Celine. Hindi pa rin niya makakalimutan ang  labi nitong lumalapat sa kanyang katawan. 



 Ano ang maging kahihinatnan sa pagpanggap ni Archer John bilang Kuzztantin?


ITUTULOY

MAPUSOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon