MAPUSOK-IX
Baliw
Imaginary Girlfriend
Schizophrenia
"Noooo!" Nagsisigaw si Archer John para labanan ang naglalaro sa kanyang utak, "hindi totoo 'yan. Nagmamahalan kami ni Celine." Napailing ito habang nakahawak sa kanyang ulo.
Ilang araw na siyang nakakulong sa kanyang silid. Ilang araw na ring bugbog-sarado ang kanyang utak sa mga katanungan. Ilusyon lang ba lahat ang namagitan sa kanila ni Celine?
Halos buong maghapon siyang nakaupo sa kanyang kama. Hindi alam kung ano kanyang gagawin.
"H-hindi! Nagkaroon kami ng ugnayan ni Celine," sabi nito habang nakahiga sa kanyang kama.
Napatingala sa kisame. Nakita nito ang dinikit ng larawan sa beautiful scenery ng Cappadocia, Turkey.
"Kay Celine galing ang larawan 'yan. Binigay niya sa akin. Pupuntahan namin ang Cappadocia." Pilit kinukumbinsi ni Archer John ang sarili na hindi siya baliw.
Napabalikwas siya sa kanyang hinihigaan matapos maalala niya, mayroon siyang larawan tinago. Larawang nagpatunay na nagkaroon sila ng exclusively dating ni Celine.
Gumapang sa ilalim ng kanyang kama si Archer John para kunin ang nilagay niyang mga libro. Niyakap na ng alikabok ang mga libro, tanda na ilang buwan na rin niya itong hindi nabubuklat. Mahilig siya mangulekta ng libro ni Stephen King at Josh Graham kaya marami-rami ring libro, ang kanyang kailang halungkatin.
Hindi siya nabigo. Maraming larawan na nagpatunay na mayroon silang selfie together ni Celine. Hindi nagsisinungaling ang kanilang ngiti. Kanilang mahigpit na yakapan. Ang kanilang look-up pose kung saan tinuro nila ang mga alapaap-ang parangap nilang puntahan sakay ang hot air balloon.
"Sino sa amin ni Rosemarie ang baliw?" napatanong si Archer John sa kanyang sarili.
Paikot-ikot si Archer John sa loob ng kanyang silid, hanggang sumagi sa kanyang isipan si Kuzztantin. Alam niyang may makukuha siyang impormasyon na makapagpatunay na hindi siya nag-iilusyon.
"Kuzz?"
"Yes, Insan! Wazz up," agad tumugon si Kuzztantin Bonifacio sa private message ni Archer John sa real account nito sa Facebook. Insan ang tawagan nila, shorten for pinsan.
"Hindi ba ikaw ang nagpagamit sa akin ang dummy account mo?"
"Saang dummy account? IG, Twitter...."
"Facebook," dagling sagot ni Archer John. Hindi na nito hinintay na makapagtipa ang pinsan.
"Yes. What's wrong by the way?" with shocking emoticons pa.
"Wala naman. Gusto ko lang malaman mo, I'm still using it."
"I trust you, insan. I know, you're responsible enough to use my dummy account."
"Of course, I will."
Agad nag-log out si Archer John matapos makuha ang kanyang information na gustong niyang malaman.
"Hi Erica,"
"Can we talk personally? Kung ok lang ba sa'yo?"private message ni Archer John sa dummy account niya na Kuzztantin Bonifacio.
"Sure."
"Gusto ko rin sana makipag-usap sa'yo ng personal."
"Dahil may mahalaga akong sasabihin."

BINABASA MO ANG
MAPUSOK
Fiksi UmumMaladas siyang hinuhusgaan. Walang limitasyon sa sarili. Kung ano ang tinatakbo ng kanyang utak, pinapahayag sa marahas na paraan, iyan si Archer John Mercampo. Nabago ang kanyang pagkatao dahil sa pinagdadaanan at para makuha ang affirmation na hin...