MAPUSOK-VII
Didilat na walang rason.
Pusong hirap pagta-tagpiin sa makulimlim na pag-asa. Gugustuhin na lang sana ni Archer John na habambuhay na lang hindi magigising.Walang bubong. Walang dingding. Ang tahanang nabuo sa masasayang alala nila ni Celine. Pero, sinungaling... napakalaking kasinungalingan ang lahat. Inakalang tahanan, si Archer John lang pala ang nakatira.
Sa kulay puting-silid nagising si Archer John. Gumuglong ang kirot sa buo niyang katawan. Pero, wala ng hahapdi pa sa puso na ang bawat espasyo'y nilaan sa babaeng inasahan niyang titira. Ang pusong inasahan niyang gawing kanlungan at hindi sasaktan.
"Mabuti naman at nagising ka na," sabi ni Darwin matapos mapansin siyang gumagalaw.
Napatitig lang siya kay Darwin, katatayo lang sa kinauupuan nito.
"Mabuti't napadaan ako sa may terminal, at napansin kong pinagtulong-tulungan ka ng mga gwardiya doon," pagkwento ni Darwin. Bakas sa boses ang pag-aalala. Makapal ang eyebug, tanda na hindi nakatulog ng maayos.
"Ano ba ang nangyari at napaaway ka?"
"Hinahabol ko si Celine. Gusto ko lang sana siyang makausap," marahang tugon ni Archer John, pagkaraan ng ilang minutong pinaghintay si Darwin sa kanyang sagot.
"Bakit? Ano ang mayroon sa inyo ni Celine?" usisa ni Darwin, hindi mataigo sa mukha na pagkagulat.
"Exclusively dating po kami."
"Exclusively dating? Pagkaalam ko, going strong ang relasyon nila ni Skye," hindi mapigilan ni Darwin ang mapakunot ang noo.
" Skye? "
" Si Skye Bartolome, dating nude model ko. Kaso biglang tumigil kaya ikaw ang pumalit,"paliwanag ni Darwin.
"Nagmamahalan po kami kaso hindi pa officially in relationship." Malungkot ang tono ng pananalita ni Archer John. Hindi niya inasahan sa ganito ang kinahahantungan.
"kung ganun, two timer pala itong si Celine."
Nalungkot si Archer John sa kanyang narinig. Binaling niya ang kanyang atensyon sa binata, bahagyang nasisilayan ang tanawin sa labas.
"Oo nga pala. Huwag ka ng mag-aalala sa nakaaway mong gwardiya dahil kakilala ko ang namamahala ng terminal at nagawang kong pakiusapan. Kaya, kailangan mong magpagaling agad dahil may big painting session pa tayong gagawin."
Hindi nagtagal, biglang bumukas ang pinto. Inagaw muli ang atensyon ni Archer John sa pumasok sa loob. Sina Juanito at Angelique Mercampo, ang magulang ni Archer John, ang dumating.
"Ano, Archie?.... " mabalasik ang boses ni Juanito. May balak pa sana itong sumbatan kaso bigla itong hinila ni Darwin palabas sa silid. Hindi man lang naawa sa anak, sa kalagayan nito.
"Sorry... Mr. Mercampo, I think we need to talk outside," yaya ni Darwin matapos mapansin ang naghimutok na galit sa anak.
"Thank you, Darwin," marahang sabi ni Angelique. Tila tugon na rin sa dalangin nito ang initiative ni Darwin. Hindi pwedeng paglapitin si Juanito at si Archer John sa pagkakataong ito.
Nagreklamo sana si Juanito pero hindi nagpadala si Darwin.
"T-teka lang, Mr. Manlapat...."
"Alam kong gusto mong pangaralan ang anak niyo....pede makiusap? Saka na... kapag tuluyan ng gumaling si AJ."
"Akala ko kasi nagbago na si Archie," reklamo ni Juanito. Archie ang palayaw ni Archer John sa kanilang pamamahay, AJ ang palayaw niya sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
MAPUSOK
General FictionMaladas siyang hinuhusgaan. Walang limitasyon sa sarili. Kung ano ang tinatakbo ng kanyang utak, pinapahayag sa marahas na paraan, iyan si Archer John Mercampo. Nabago ang kanyang pagkatao dahil sa pinagdadaanan at para makuha ang affirmation na hin...