MAPUSOK-VI
"Tulog pa si AJ. Saan ka ba ngayon? "
Boses ni Rosemarie ang nagpagising kay Archer John. Naulinigan niyang may kinausap na naman ito sa labas.
Mataas na ang sikat ng araw. Malinawag na ang bawat sulok ng silid. Napagod siya nang husto sa pinaggagawa ni Rosemarie kaya tuloy-tuloy ang kanyang tulog.
Animo'y hinite si Rosemarie ng kabayo na halos hindi napapagod sa pagsakay at paggiling sa kanyang sandata.
"Antayin mo ako dyan. Bababa na ako."
Napabalikwas sa kanyang hinihigaan si Archer John. Kumatok na naman ang selos sa kanyang puso. Bumalik na naman ang dating naramdaman niya, kung papaano siya masaktan sa tuwing may kalandian si Rosemarie.
Nasa pintuan si Archer John, nang napansin niyang hubo't hubad pala siya. Nagmamadali sa paghanap ang kanyang damit at nagbihis. Tila may nag-udyok sa kanya na sundan si Rosemarie. Nakakabaliw ang selos nang walang panghahawakan sa tinatawag na relasyong kantutan.
Mula sa kinatatayuan ni Archer John, sa rooftop, kita niya si Rosemarie na may kinausap sa ibaba. Hindi niya masilayan ang kinausap nito dahil nasa loob ng asul na sasakyan.
Nagtagal ng ilang minuto ang kanilang usapan, bago sumakay si Rosemarie. Tila sanay sa ganyang kalakaran. Hindi man lang nag-atubiling gawin ang makipagharutan sa iba kahit sa mismong harapan pa ng gusali na kanilang tinitirhan. Tainted ang salamin ng sasakyan kaya hindi niya maaninag ang nagmamaneho. Sinundan ng kanyang paningin ang papaalis sasakyan habang tuluyang nalunod sa selos ang kanyang puso.
Kung hindi nagkakamali si Archer John, malamang ang katagpo ni Rosemarie ngayon baka ito rin kausap niya kagabi.
"Putang ina ka! Ang landi-landi mo talaga! Ano bang trip mong pokpok ka!" hindi mapigilan ni Archer John ang maghimutok sa galit. Naiinis siya sa kanyang sarili. Wala siyang karapatang magselos. Una, wala silang relasyon. Pangalawa, sex buddy lang sila at no strings attached agreement. Pangatlo, mapaglaro si Rosemarie ayaw niyang masali sa humahabang listahan ng kanyang pinaglalaruan.
Napaupo siya sa upuan na nagngingitngit. Ang sarap manapak. Gusto niyang ibuhos ang kanyang galit.
"Tang-ina mo, Rosemarie. Pare-pareho lang kayo ni Celine." singhal nito.
"Idol! Ayos ka lang?" sambit ni Niccolo.
Nabigla si Archer John sa biglaang paglapit ni Niccolo. Bahagyang napakalma siya.
"Ano? Mukhang natamaan ka na sa fucking buddy mo. Nagseselos ka?" Tila nang-aasar si Niccolo. " Pekpek lang 'yan!" pakawala ng pilyong ngiti.
"Putang-inang, pokpok 'yon!" napasinghal si Archer John. Hirap pigilan ang emosyong dala ng selos. Nakakawala ng poise.
"Pokpok with a great purpose,"patawang tugon ni Niccolo. "Pokpok nga, pero napaibig ka. 'Di ba ang tindi?"
Sinikap na lang ni Archer John na pigilan ang sarili. The more siya mag-reason out lumalabas ang pagiging tanga dahil sa nararamdaman niya ngayon kay Rosemarie. Less talk, Less mistake, ikanga.
"Idol, mukhang gwapings ang katagpo ni Rosemarie sa baba. Pero, aanhin niya ang gwapings kung hindi mapantayan ang bed skills mo, panalo ka pa rin. Babalik at babalik pa rin sa'yo 'yon," pangiting saad ni Davu, kararating lang.
"Simplehan mo lang Idol. Huwag kang masyadong seryoso. Tingnan mo ngayon, ikaw 'tong pinagloloko," sabi ni Niccolo sabay tapik sa balikat ni Archer John. "Pero, kung mahal mo si Celine, huwag kang susuko. Kausapin mo. Puntahan mo. Pero kung napamahal ka na sa lokong-lokong Rosemarie, aba'y mag-isip isip ka." dagdag nito. Nagmistulang instant love guru.
BINABASA MO ANG
MAPUSOK
General FictionMaladas siyang hinuhusgaan. Walang limitasyon sa sarili. Kung ano ang tinatakbo ng kanyang utak, pinapahayag sa marahas na paraan, iyan si Archer John Mercampo. Nabago ang kanyang pagkatao dahil sa pinagdadaanan at para makuha ang affirmation na hin...
