-VIII-

72 9 3
                                        

MAPUSOK-VIII


Tila tumigil ang mundo ni Archer John nang makita nito si Rosemarie na inalay ang pisngi sa lalaking katagpo niya. Parang hiniwa sa mapurol na kutsilyo ang kanyang pusong bato. Pinukpok talaga nang husto para lang bumaon at magkasugat-sugat.

"Anong ibig sabihin nito, Mary?" Mabagsik ang boses. Tipong may karapatang mang-angkin.

"AJ," Dagling napahakbang papalayo si Rosemarie sa lalaki, "si Hero nga pala," mapakla ang pinakawalang ngiti. Nagmistulang asong constipated. Hindi mapakali.

" Sa harap pa talaga ng tinitirhan ko, nagawa mong makipaglandian! Wow! Pinaninindigan mo talaga ang pagiging higad mo. Hindi mo man lang binigyan ng kaunting respeto ang pagkatao ko?" Napasinghal si Archer John.

"AJ?" Hindi mapalagay si Rosemarie. Gusto niyang lapitan si Archer John pero takot siya, baka mapagbuhatan ng kamay.

"Dre! Dahan-dahan ka sa pananalita mo," Hero response in a calm and manly tone of voice. Sumandal ito sa kanyang asul na sasakyan.

"So, ako pa ang mag-adjust ngayon. Ako pa 'tong mali ang pagkakaintindi ko sa nakita ko? Ganun ba? "

"Walang ibig sabihin nitong lahat. Humingi lang ako ng tulong kay Hero. I mean kay Doc Hero" paliwanag ni Rosemarie. Palinga-linga. Hindi alam kung saan ibabaling ang kanyang atensyon. Kay Archer John o kay Hero.

"Dis oras ng gabi, nakipagharutan ka. Typical na gawain ng matitinong babae? Hanep!"

"Walang tayo. Ilugar mo ang sarili mo, ok?" Hindi na napagtimpi si Rosemarie. Inisulto na ang kanyang pagkatao. Oo nga't masahol pa sa pokpok na walang income, ang kanyang pinaggagawa pero she deserves little respect. Makataong respeto  kahit kababuyan na ang pinaggagawa niya sa kanyang sarili.

"Edi! Lumabas  din ang totoo. Pangkamot lang ako sa makati mong ovary. " Kumukulo na ang dugo ni Archer John sa tindi ng galit na naramdaman. Nag-iinit ang kanyang katawan. Napailing. Ikinagulat niya ang kanyang narinig. Mabuti pa nga ang basura may kinalalagyan, may totoong label-- recyclable and disposable. Pero, sa kanila ni Rosemarie walang label. At lahat na mayroon sila, mukhang nakadepende na lang sa bed skills niya- endurance and remarkable performance.

Tiningnan ni Archer John si Hero, pare-pareho lang ang structure ng  kanilang pangangatawan, pero masasabi niya, lamang siya ng isa paligo. Ni hindi nakaka-insecure sa kanyang manhood ang maangas ngitong porma-  tattoed biceps at emo's style lip piercing. Pero, kahit gaano pa kaatas ang appraisal value niya sa kanyang sarili, palong-palo pa rin sa puso ni Rosemarie  si Hero dahil mayroon itong car.

"Hindi ka pa ba kontento sa bed skills ko, Mary? At naghanap pa ng bago. Make sure lang na mapantayan ang performance ko."

"AJ! Sumusobra ka na," lumapit si Rosemarie kay Archer John at nagpakawala ng nakakaalog ng utak na sampal. Para maalog ang utak ni Archer John na nilamon ng kahibangan.

Sa lakas ng pagkasampal, mistulang nakakita ng alitaptap si Archer John sa gitna ng maliwag na lansangan.

Umuusok sa galit si Archer John, naitulak nito si Rosemarie.

Nagmistulang basahang tumilapon sa semento si Rosemarie na pinampunas ang sarili  sa maalikabok at magaspang na semento. Gumugulong at namimilipit sa sakit si Rosemarie-- napaungol sa pagkabagsak ng balingkitang katawan. Ang nakakaawang kalagayan ni Rosemarie ang nag-udyok  kay Hero na  sumugod- nagpakawala ng ito ng magkasunod-sunod na suntok.

Lupasay si Archer John. Nawalan ng balanse matapos tumama sa kanyang panga ang kamao ni Hero. Talagang pinatunayan ni Hero kay Archer John na mayroong silbi ang kanyang  pinaghihirapang pormahin na biceps.

MAPUSOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon