MAPUSOK-II
Alas singko na ng hapon nang makalabas si Archer John sa art gallery ni Darwin Manlapat. Yumakap na ang hanging-panggabi o hangin sa buwan ng February. Kakaiba ang lamig. Nanunuot hanggang kasuluksulukan ng kanyang puso. Tila sumasalamin sa kanyang sitwasyon. Muntikan lang magka-jowa kaya wala maasahang magiging human blanket sa pagkakataong ito.
"Manong, Zontero's Compound lang po," sabi niya sa traysikel na huminto sa kanyang kinatatayuan. Hindi kumibo ang driver. At sa halip, tumango lang ang matanda na sinasabayan ng malalaking pakli na ngiti. Sumiwang pa ang one seat a part nitong ngipin, sa laki ng ngiting pinakawalan. Nakausli ang malulusong nitong tiyan na halatang alaga sa alak. Mukhang hindi pa nakaabot sa kuwarenta ang edad ng driver pero pinatanda sa bisyo at trabahong kayod-kalabaw.
"Kumusta?"
"How are you today?"
"Where are you now?"Tahimik na nakaupo sa harap ng traysikel. Bakas sa mukha ang kalungkutan habang tinitingnan ang private messages niya kay Celine Diera. Paulit- ulit na lang ang pag-seenzoned sa kanyang messages. Hindi man nag-abalang mag-reply. Ganun na ba kalaswa ang kanyang pinaggagawa para tratuhin siya na parang invisible.
" Missing you so much..." pero hindi na tinuloy ang gusto pang sabihin ni Archer John dahil binura na ito bago pa ma-send. Ayaw niyang magmukhang kaawa-awa ang sarili dahil paghahabol sa taong bigla-biglang na lang nang-iwan sa ere.
Dalawang linggo na ang nakaraan nang huli siyang nag-message, at nakaraang araw lang itong tiningnan ni Celine.
Gulong-gulo ang kanyang utak sa kakaisip kung ano dahilan sa biglaan paglayo sa kanya ni Celine. Posible kayang hindi nito nagustuhan ang kanyang pinasok na trabaho?
Almost one year din naging exclusively dating sila ni Celine. Hindi man niya ito ang naging first girlfriend pero masasabing ito naman ang kanyang first love. First girl na kanyang iniyakan. First girl na isinama hindi lang sa kanyang bucket list kundi sa prayer list.
Hindi lang sa pangarap sila magkasundo, kumportable rin siya sa trip nila buhay. Hindi lang ang lovely face na mayroon si Celine Diera ang nagpabihag nang husto sa kanyang puso, kundi ang pagiging cowgirl din ito. Walang pili kahit sa street foods sila mag-date. Kung minsan naman tatambay sa isang convenience store at bibili lang bottled water at fudgee bar.
Sa loob ng ilang buwan na panay labas nila, hindi masyadong kinukulit ni Archer John si Celine kung kailan niya masusungkit ang matatamis nitong 'oo'. Gusto niyang magkakilala pa sila ng lubusan. Ayaw niyang minamadali na i-level up ang kanilang status. Masaya at fulfilling naman ang bawat araw na lumipas na magkasama silang dalawa--iyong lang sapat na sa kanya. Kumbaga, formality na lang man ang kulang at walang pagdududa sa kanilang naramdaman.
Habang patuloy tumatakbo ang traysikel, biglang sumariwa sa isipan ni Archer John ang posibleng dahilan sa pagtatago ni Celine. Tanda pa na ni Archer John ang lahat. Kung papaano niya planuhin ang gagawing pagtatapat kay Celine tungkol sa pinasok niyang trabaho, matapos niyang maramdaman na malapit na siyang sasagutin. Sa halip na isang magarbong restaurant sila magkita, niyaya itong pumunta sa art gallery ni Darwin. Kasalukuyang ginaganap ang nude painting session sa araw na iyon.
Magkahalo ang kanyang naramdaman habang hinihintay ang pagdating ni Celine, pagod at puno ng pangamba. Bago maging officially on sila, gusto niyang ipaalam kay Celine ang hubad na katotohanan sa kanyang buhay. Kampante siyang hindi magbabago ang pagtingin ni Celine sa kanya, sa kabila ng lahat.
Naging mabagal ang takbo ng oras habang hinihintay niya ang pagdating ni Celine. Subalit, kung gaano kabagal ang pagkembot ng oras ay parang bula naman itong naglaho. Kininabigla ni Celine nang makita siyang nakabaladra ang matipuno niyang pangatawan sa harap ng mga sketch artist.
Mula sa kanyang kinauupuan, kita nito ang hindi maiguhit na reaksyon at salitang pinakawalan, 'yucks! Kadiri!'
Saglit lang si Celine sa loob at agad din itong lumabas.
Professional si Archer John pagdating sa trabaho. Hindi siya nag-abalang humabol kay Celine. Hinintay muna niyang matapos ang painting session.
Hindi na sumagot si Celine nang matawagan niya ito. At labis niyang ikinabahala ang hindi na ito pumasok sa pinapasukan na flower shop, kung saaan part time florist si Celine.
Hindi malaman ni Archer John kung saan nabigla si Celine Diera, sa natuklasang katotohanan o sa nakitang malaking pag-aari na posibleng wawasak sa kanyang hiwa. Maari namang pag-usapan ang lahat. Pwede namang idaan sa gentleness ang lahat.
Marahil mali siya sa ginawang plano. Marahil nandiri si Celine sa kanyang naging trabaho. Pero, hindi niya pinagsisihan ang pagiging nude model. Kakaiba nga ngunit dito niya natagpuan ang nawawalang sarili. Malaya. Kakaibang pananaw sa buhay. Parang oblation run, tumatakbo ng hubo't hubad para ihayag ang isang bagay ng buong tapang at magiging hindi makasarili.
Oo nga't may halong pagrerebelde ang kanyang naging desisyon pero ayaw niyang mabuhay to please everyone. Maging puppet sa pananaw ng iba. Ayaw niyang balikan ang taon na ikinulong ang sarili para makuha lang ang affirmation at attention ng kanyang ama. Ikanga, our time is limited, so don't waste it living someone else's live.
Bago pa man siya lamunin sa emosyong naramdaman. Naglog-out siya sa kanyang real account sa facebook at naglipat sa dummy account.
"Gawain ko rin iyan. Dalawa ang Facebook account para makapag chick-hunting," buong kumpyensang sabi ng driver matapos makita si Archer John na nag-open ng another account.
Tiningnan ni Archer John ang driver na nagpakawala ng nakakaloko ang ngiti.
Hindi na nag-abalang magpaliwanag si Archer John. Hindi pang chick-hunting ang Kuzztantin Bonifacio niyang account. Doon lang siya nagpapahayag sa hindi niya magagawa sa real account. Rant sa buhay at pag-post ng nude sa kanyang Myday. He can express what he wants without any hesitation.
" Wow! Ang tindi talaga ng confidence mo."
" Hindi lang pangangatawan mo ang malaki na pinagbago, pati trip mo."
"Ilang buwang kang nawala pero anong nangyari? Nagwala ka!? Paki-explain please?"Galing kay Erica Samonte ang message. Kahit two weeks na siyang gumagamit sa dummy account ng kanyang pinsan, pero lately lang ito nagre-react sa kanyang post with angry emoticons pa. Hindi na nag-abalang i-view ni Archer John ang facebook profile ni Erica dahil mukha naman itong hindi interesting. Not even possess any sexual appeal basi sa profile picture nito. Marahil, tila sanay na siyang makatanggap ng panghuhusga. Kumbaga mataas na dosage ng kanyang immune system for their judgmental point of view.
'Don't keep all your feelings sheltered. Express It. Don't ever let life shut you up.'
Facebook post sa dummy account ni Rosemarie, nang tiningnan ni Archer John ang newfeeds. Si Rosemarie lang ang nag-iisang friend niya mula real Facebook . Malaki rin ang naging parte ni Rosemarie sa kanyang buhay. Hindi lang pananaw niya ang iniba, pati ang unang experience niya sa kama. Pure mutual benefits relationship lang ang namuo sa kanila. Ayaw ni Rosemarie ng commitment, EUT lang trip nito-- Eat, Unwind, Travel.
"Hi, AJ! Kitakits you soon," ang biglang ng popped- up na message galing kay Rosemarie.
"Talaga! Mag-rooftop bonding na naman tayo. Excited na ako! Kelan kaya?"
"Malapit na." Matipid na replay ni Rosemarie sa chat ni Archer John.
"Ang tindi talaga. Nakadali agad ng chick," pambuskang sabi ng driver. Humahalakhak pa.
Napailing na lang si Archer John. Salot sa lipunan ang nakikialam sa ibang buhay lalo pa't wala namang alam. Lalo pa nakibasa ng private conversation.
Nang marating siya sa tinutuluyan, agad nitong inabot ang bayad at walang imik na bumaba.
" Hindi mo ba ako papansinin?" mensahe ni Erica.
"At sino ka ba?" Hindi na nakapagtimpi si Archer John at sinagot ang mensahe ng babae.
"Kuzz?"
"Hindi mo na ba ako kilala?"Bahagyang nahimasmasan si Acher John. Nakalimutan niyang sa dummy world, hindi siya si Archer John Mercampo, siya si Kuzztantin Bonifacio.
Sino si Erica sa dummy account ni Archer John?
ITUTULOY

BINABASA MO ANG
MAPUSOK
Ficção GeralMaladas siyang hinuhusgaan. Walang limitasyon sa sarili. Kung ano ang tinatakbo ng kanyang utak, pinapahayag sa marahas na paraan, iyan si Archer John Mercampo. Nabago ang kanyang pagkatao dahil sa pinagdadaanan at para makuha ang affirmation na hin...