-X-

81 9 5
                                    

MAPUSOK-X


"AJ! Tigilan mo ang panggulo kay Celine. Maawa ka sa kanya," Maluha-luhang nakikiusap si Aya Belle kay Archer John.

Hindi pinansin ni Archer John ang pakiusap ni Aya Belle. Matulin itong nagpatakbo sa sasakyang hiniram niya kay Niccolo.

Pinigilan ni Archer John ang pagdalisdis ng luha sa kanyang pisngi dahil sa naghimutok na galit. Nagmahal lang man siya at walang inaagrabyadong tao, pero bakit pinaglalaruan siya ng tadhana.

"Paano ko malalaman ang lahat-lahat, kung hindi ko makausap si Celine. Kung bakit bigla niya akong nilayuan? Nagmukha akong baliw. Ilusyon lang daw ang namagitan sa amin ni Celine." Hindi na napigilan ni Archer John ang napaluha. Sobrang bigat nang kanyang kalooban. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan.

" Sino  ang nagsabi na ilusyon ang date ninyo ni Celine? " Nagulat si Aya Belle sa narinig.

" Si Rosemarie. Sabi niya may saltik daw ako sa utak. Imagination ko lang daw ang lahat," animo'y paslit na umiiyak si Archer John. Naghahanap ng  kakampi.

Hindi niya maitatangi na kinahiligan niya ang mag-day dreaming. Ini-imagine ang ibang kautahan, lalo na ang katauhan ng pinsan  niyang si Kuzztantin Bonifacio. Gusto niyang mabuhay bilang si Kuzztantin. Madalas kasi siyang kinukumpara ng kanya daddy Juanito kay Kuzztantin. Akala niya normal lang, pero bakit nagmistulang siyang baliw sa iba.

"AJ! Bakit ka makikinig ka sa babaeng loka-loka na 'yon. Yes, pansin ko naman na loner ka. Tulala ka minsan... Pero wala naman akong napansin na kakaiba sa'yo," malumanay ang boses ni Aya Belle. Tila kinubinsi nito si Archer John na maging mahinaon. Lalo pa't pabilis nang pabilis ang takbo sa minamanehong sasakyan.

" Bakit ako biglang iniwan ni Celine? "

" Hindi ko rin alam. Kahit ako, hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang mangyari. Iniwan ka, tapos nag-iwan pa ng pambayad sa bottled water at fudgee bar, para sakaling pupunta ka, ibibigay daw ko sa'yo."

"Sa akin ibibigay ? O kay Skye?"

"Syempre sa'yo. Kayo lang nagpupunta doon. At saka alam mo naman ang totoong namagitan sa kanila 'di ba? It's just  a fake relationship."

"Pero bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako hinayaang magulpi ng mga gwardya sa terminal? "

"Hindi ko rin alam. Kahit ako ang nahihirapang intindihin ang sitawasyon niyong tatlo. Sino ba ang may totoong relasyon? Ikaw at si Celine, o Celine at Skye," sa boses ni Aya Belle tila naiinis ito sa paulit-ulit na pagtatanong ni Archer John sa dahilan sa biglaang pag-iwan ni Celine. Napakamot sa ulo.

Dalawang oras at mahigit ang naging biyahe nila Archer John at Aya Belle patungong San Vicente, ang probinsya ng tita  ni Celine. Liblib ang lugar. Nasa gitna ng palayan ang bahay nila Celine. Halos kulay berdeng palay ang kumulay sa buong paligid.

"Papaano mo natunton ang lugar namin." Nagulat si Celine sa biglang pagdating ni Archer John sa harap ng kanilang bahay. Kalahating kilometro rin ang nilakad nila Archer John At Aya Belle papasok sa balay nila ni Celine. Hindi na mapasok ang sasakyan, bukod sa makipot na, maputik pa.

" Celine, gusto ko lang makausap ka. Gusto ko lang malaman kung bakit bigla mo akong iniwan," masuyong pakiusap ni Archer John. Dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ni Celine sa labas ng kanilang simpleng bahay - yari sa kawayan at nipa.

"Huwag kang lalapit! Halimaw ka!" Napatayo sa kinauupuan at umaatras. Gumuhit sa mukha ang matinding takot kay Archer John.

"Anong nangyari? Bakit takot na takot ka sa akin?" Labis ang pagtataka sa naging reaksyon ni Celine. Lalo pa't napansin niyang nanginginig sa takot ito.

MAPUSOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon