Ilang buwan na simula nung umalis ka.
Nung umalis ka sa buhay ko.
Yung nawala at nagunaw yung mundo ko.
Sabihin mo nga bakit ganito parin kasakit to?
Bakit ganito parin kasariwa yung ala-ala mo?
Paano kaba kalimutan?
Pano ba umusad ulit?
Ang dami kong tanong na nasayo ang sagot,
ang dami kong gustong sabihin mga salitang naghihintay lang bigkasin.
Pero hindi ko na ginawa.
Kasi nga,
dun lang ako sa kung saan ka sasaya.
YOU ARE READING
everything i didn't say ;
Poetrymy whole existence speaks sadness, so i'm letting you feel all the hatred and heartaches, for this is everything i didn't say.
