Nais pa sana
na mas tumagal pa.
Mag ipon pa ng
maraming alaala,
ngunit di na talaga kaya.
Wala ng kilig.
Di na tulad ng dati
ang pagpapahalaga.
Bihira na lang
maging masaya.
Wala ng pagbati bago matulog
at paggising sa umaga.
'Di na magkatuwang
sa paglikha ng dahilan
ng pag tawa.
Wala ng bago.
Wala nang gana.
Hindi na 'to pag ibig—
isa na lamang
ordinaryong pagsasama.
YOU ARE READING
everything i didn't say ;
Poetrymy whole existence speaks sadness, so i'm letting you feel all the hatred and heartaches, for this is everything i didn't say.
