Noong gabing tinapos natin ang lahat.
Saksi ang kalawakan kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko papalayo sayo.Noong gabing iyon, mailap ang mga tala na para bang nananadya na kung anong dilim saking kalooban ay siya rin dilim ng kalangitan.
At sumabay pa ito sa aking kalungkutan.
Biglang bumuhos ang ulan.Sinubukan kong magtampisaw, sumigaw, sumayaw.
Sinubukan kong maglaro sa ulan.
Umaasang kaya nitong hugasan ang sakit at tangayin sa kung saan.Ngunit hindi, dahil ako ang pinaglaruan ng ulan.
Ako, ang pinagtaksilan ng kalawakan.
Taksil ang kalawakan.
Sinubukan kong tumakbo,
Kasalungat ng pag-ikot ng mundo.
Nagbabakasakaling kaya nitong habulin ang kahapon sa piling mo.Nung sabay tayong naligaw sa magulo nating paligid baka kaya ko pang ibalik.
Ang oras, minuto, o segundo na wala tayong pakielam sa mundo.
Baka kaya ko pa.
Baka kaya pa natin.Ngunit kung hindi na talaga kayang ibalik.
Maari bang ulitin ulit?
Ang ikaw at ako.
Ang dating tayo.
YOU ARE READING
everything i didn't say ;
Puisimy whole existence speaks sadness, so i'm letting you feel all the hatred and heartaches, for this is everything i didn't say.