Classmate

29 0 0
                                    

Collien pov's

"Hoy! Gumising ka na nga dyan, malalate na naman ako sayo e" Sigaw na naman ng magaling kong kaibigan na si Shellie.

Araw araw ganto na lang lagi kami.. palibhasa nasa isang bubong lang kami nakatira.

"Mauna ka na tss" Antok na antok pang sabi ko. Late ako nakatulog kagabi dahil sa ingay sa labas.

"Okay. Ung ulam nasa ibabaw ng ref" sabi nya at narinig ko ang paglabas nya.

Limang minuto na ang nakalipas pero hindi na ko makatulog. Argh! That girl nakakagigil talaga lagi yon.

Sya si Shellie Deleon. My one and only bestfriend.. kapatid na ang turingan namin. Hirap at ginhawa nag tutulungan kami kahit sarap sapakin non.

BLAGGGGG!!!!

Gulat akong napatayo sa kama ko at napatingin sa pinto. May kung anong nahulog sa labas..

"May tao ba riyan?" Ang sabi ko.

Walang sumasagot kaya mas pinili ko na lang lumabas at tignan. Wala naman kung anong mali pero ano ba iyong narinig ko? Bugod sa sirang bakuran ay wala naman na akong nakikita.

Naligo na ako sa lumang banyo namin.

"Kailangan na namin siguro lumipat ng tirahan" ang sabi.

Kaming dalawa lang ni Shellie ang nakatira dito. Mas pinili kong lumayo sa wala kong kwentang magulang dahil tinuturing lang nila akong isang basura.. nag flashback saken ang mga araw na wala silang ginawa kundi ang balewalain ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagayos na ko ng sarili ko, at umalis na sa bahay.

Naglalakad ako sa parteng sirang perya na ito.. ilang taon na tong hindi ginagamit kaya sira sira na.

"I-iha.. tutulong." Nagulat ako sa matandang duguan ang muka.

Ang dami nyang pasa at putok din ang labi nya.

"L-ola. A-ano pong nangyari?" Takot kong sabi.

"Tulong iha" sabi nya at bago pa sya bumagsak at nahagip ko na sya.

Tumingin ako sa paligid at pinagmasdan ang isang taong nakahood.. hindi ko alam kung babae o lalaki pero nakatingin sya sa gawi ko, at umalis ng mabilis.

"Shit" sabi ko.

Dinala ko sya sa perya at umuwi muna.

Kinuha ko ang mga band aids na meron ako at kaunting gamot.

Knock! Knock!

Napatalon ako nang may narinig akong katok sa labas.

"May tao ba diyan?" Tanga kong tanong. Walang kakatok kung walang tao -_-

Walang sumagot at wala na rin akong narinig kaya lumabas na ako para puntahan kagad ang matanda.

Nagulat na lang ako nung wala na ang matanda na iniwan ko sa perya, sinubukan ko pang hanapin pero isang tsinelas lang ang nakita ko.

Kinakabahan ako, how come na nakaalis sya eh she's not even okay!

"Hindi mo na dapat sya pinakaelaman" Nagulantang ako ng may magsalita sa likod ko. Mabilis akong lumingon at nakita ko ang isang taong naka hood. Sya ung nakita ko kanina na nakahood mula sa malayo.

The Group ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon