The game

18 0 0
                                    

Collien pov's

Nakauwi kami ng bahay na pagod na pagod kahapon. Napag usapan nadin namin nila Jasmine ang nangyari and nag sorry siya for what happened.

"Bibili lang ako ng padlock" sabi ko kay shellie. Kailangan kasi namin ng padlock para sa mga importanteng gamit.

"Sige, bumili ka na din ng lamp shade ha? Para sa kwarto ko" sabi nya, napairap na lang ako sa sobrang dami niyang kaartihan.

"Geh"

Umalis na ko at nagtungo sa kalsada. Wala naman masyadong tao dito at medyo malayo pa ung pag bibilhan ko.

Tumunog ung cellphone ko.

From unknown number:

Be ready, you still have a few hours to enjoy your little life couz the bloody game is about to start!

Hindi ako tanga para hindi magets ang mensahe na iyon. May gustong makipag laro, kinakabahan ako. Dati ko pa nararamdaman na may gustong makipag lokohan.

"Iha" halos mapatalon ako nang may sumulpot sa harapan ko.

Sya.. siya ung matanda na nakita ko sa sirang perya. Pero sa itsura nya ngayon ay mukang okay na siya.

"L-lola?"

"Mag sisimula na ung laro" sabi ng matanda habang nakatingin sa taas.

"Iha.. kasama ka."sabi nya at tumingin saken, "Kasama ka sa masamang laro nila."

May alam sya. Ung nag tetext sakin ay may alam siya.

"Lola, ano pong alam nyo?" Tanong ko.

"Gusto mo malaman?" Sabi niya ay tumango ako, "Halika, sumama ka sakin" sabi pero naglinga linga muna siya sa paligid na wari'y may hinahanap.

Pumasok kami sa kanyang bahay, pinaupo niya ako don.

"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa, anong gusto mo malaman?" Sabi niya.

"Ano po ung laro? Anong kalseng laro iyon?" Tanong ko.

"Iyon ang tinatawag na BLOODY GAME.  Kung saan may dalawang grupong mag papatayan para sa sariling buhay. Bawat myembro ay may trabaho, kung sino ang manalo ay siya ang mabubuhay." Sagot niya na ikanalaki ng mata ko.

What the fuck!? Sinong tanga ang gagawa nang larong to?!

"Bawal umatras?" Bigla kong nasabi, nalalamig ang kamay ko. Pinagpapawisan na din ako.

"Bawal, may rule sila doon. Papatayin ka nila lag umatras ka at tumakas. Bawal mo din ipagsabi ang tungkol sa larong ito dahil sa loob ng ilang oras ay maaring hinahanap ka na nila para patayin kung nagkataon. Papaslangin ka din nila pag hindi ka lumaban.. labanan ng buhay dito." Mahabang paliwanag niya.

"Sana lang ay magtagumpay kayo iha, dahil kung hindi ay mag sisimula na naman sa una. Dadanak na naman ang dugo, dapat ay mapatau nyo sila! Sila ang pinaka huling grupo kaya dapat ay mapaslang nyo sila!" Sabi ni lola at tuluyang umiyak.

"Lola? Ba't may alam kayo?" Kusang lumabas sa bibig ko. Hindi parin talaga ako makapaniwala na kasali ako.

"Kasali ang anak ko, ngunit natalo sila. Pero bago sya mapaslang ay naikwentonnya ang buong detalye tungkol sa larong ito. Wala akong magawa non!" Sabi niya at umiyak na naman.

Naawa ako sa kanya pero naawa din ako sa sarili ko. Pano na ung buhay ko? Si shellie!?

"Iha, lumaban kayo pakiusap! Kaya nyo sila! Naniniwala ako roon, gawin nyo ang lahat para matapos na ito" sabi niya at niyakap ako.

Isa lang ang nasa isip ko. Wala na itonh atrasan, kahit ayaw ko, gagawin ko.

"Hindi ko maiipangako lola, pero oo sige. Gagawin ko" sinabi ko iyon at tuluyan na umalis.

Nah reply ako sa message na na received ko kanina.

Deal.

The Group ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon