Prologue:
Minsan may mga pagkakataon na dumaraan tayo sa isang mahirap na sitwasyon at hindi natin alam kung ano nga ba ang sulusyon.
Minsan rin sa buhay natin gusto nating makatakas sa reyalidad dahil sa mga pagsubok na ating nasasagupa sa araw-araw.
Minsan rin may mga pangyayari na hindi mo inaasahan.
May mga pangyayari na hindi mo matatakasan.
Na kahit sinong tao ay hindi kailanman makakatakas kay Kamatayan.Kamatayan
Iyan ang kinatatakutan ng karamihan.
Sabi nila kapag oras mo na ay oras mo na talaga.At ang Diyos na lumikha lamang ang may karapatan kumuha sa ating buhay.
Pero bakit ganun?
Bakit may mga taong handang kumitil ng buhay ng iba at handang maging makasalanan para makapaghiganti lamang?
Hindi ko kailanman makakalimutan ang sinabi niya sa amin.
Mga salitang hindi ko kailanman inaaasahan na sa kaniya mismo magmumula.
"Isa-isa kayong mamamatay sa aking mga kamay."
Puno ng galit at poot ang bumabalot sa kaniyang puso.
Hindi ko na siya kilala.
Hindi na siya ang taong nakilala ko sa loob ng isang taon.
Hindi na siya ang itinuturing kong Best friend.
Dahil ang Best friend ko ay hindi kayang manakit ng iba.
Dahil ang Best friend ko ay hindi kayang saktan ang damdamin ng iba.
Dahil ang Best friend ko ay hindi kayang pumatay.
Ngunit nagkamali ako dahil ang itinuturing kong matalik na kaibigan ang uubos sa aming buhay.
Ang itinuturing kong matalik na kaibigan ay walang iba kundi si Kamatayan.
Makaligtas pa kaya kami kung bihag kami ni Kamatayan?
Makatakas pa kaya kami sa impiyernong lugar na ito?
Dalawang bagay lang naman ang pagpipilian namin.
Ang makatakas na buhay o mamatay ng walang laban.
≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈
Note:
Ang anime character po nitong BC ay "Another". Sana po suportahan ninyo ang storyang ito :)Thanks for adding to your Library!
Thanks For Reading!Don't forget vote ★ ↓
and
comment [_____] ↓
Graciassssssss<3Gracia_Disgrasya
BINABASA MO ANG
Bomb Capsule (Ongoing)
Mystery / Thriller"May bomba sa katawan ninyo na magiging dahilan ng inyong Kamatayan." Eloira Gracia_Disgrasya